The Runaway
Wow. This is it.
Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Ang masaksihan ng Panginoon ang pagmamahal naming dalawa. Nagpapasalamat ako kasi binigay Niya sakin si John.
Ang nagsilbing lakas ko sa panahong pagod na ako. Tinayo niya ako sa mga oras na nakaluhod na ako. At minahal ako ng buong-buo nang wala ng natirang pagmamahal sa puso ko. Siya na nga siguro ang swerte sa malas kong buhay.
Tuwing iniisip ko ang mga iyon, napapangiti nalang ako.
“Zel, ready na tayo in 5 minutes ah” sabi ng wedding organizer
“Opo. Pero, pwede ko bang makausap saglit si John?” tanong ko sakanya
“Pwede naman. Pero hanggang labas lang ng pinto ah. Andun siya sa kwarto malapit sa confession room” sagot niya sakin
“Sige po. Maraming salamat!” sabay ngiti at dumiretso na ako kung nasaan si John.
Nang kakatok na sana ako sa pinto niya. Narinig kong may kausap siya.
“Please, Shai. Umalis ka na dito. Pinapahirapan mo lang ako”
Huh? Sino si Shai?
Sumilip ako ng kunti sa pinto at may nakita akong babaeng nakaharap kay John.
“John, don’t do this to me. Nawala lang ako for almost half a year and ito na? Ikakasal ka na?” sabi nung Shai kay John
“Kung hindi ka sana umalis, siguro ikaw na ang babaeng pakakasalan ko” sabi naman ni John
Parang nadurog yung puso ko dun. Ibig sabihin, kung hindi pala siguro ako nakilala ni John at hindi umalis yung Shai hindi mangyayari ang kasalan na ‘to ngayon.
Humingang malalim si Shai at saka nagsalita.
“Ok. Kung yan na talaga ang desisyon mo. I’ll move on and forget you. Pero sana hayaan mo lang akong Makita ka sa araw ng kasal mo” malungkot na sabi niya at napahagulgol
Umalis na ako. Huli ko na lang na nakita ay yung niyakap ni John si Shai. Pagkabalik na pagkabalik ko sa kwarto sinalubong agad ako ng organizer.
“Zel! Get ready na! This is it!” sabi ng organizer at ngumiti sabay niyakap ako
Pumunta na ako sa may pintuan habang si John naman ay naghihintay sakin sa may altar.
“Hindi ako nagkakamali. Mahal ko si John at mahal niya ko” sabi ko sa sarili ko
Nagsimula na ang kanta at nagsimula na rin akong maglakad.
♬Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you
Forget the world now, we won't let them see
But there's one thing left to do♬