Chapter 49

55.7K 1.3K 121
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter 49



"Hijo, saan ba ang Daddy mo para siya ang magkabit sa medal mong 'to?" Tanong ng teacher ni Sam sa kanya nang umakyat na siya sa stage. Highschool graduation kasi nila sa gabing iyon at siya rin ang Salutatorian ng batch nila. Siya lang kasing mag-isang umattend sa graduation niya.

"H-Hindi po makakarating si Dad, b-busy po kasi siya." Sagot naman niya rito at yumuko. Hindi kasi makakapunta ang Daddy niya sa graduation niya kasi may senate meeting pa itong inaattendan sa mga oras na iyon. His father was always busy na ang atensyon nito ay na kay Jolina lang at sa trabaho nito--that sometimes, his dad would miss some important events of his life.

Hindi rin naman kasi pwedeng si Jolina ang aattend sa graduation niya dahil malamang 'di rin iyon papayag. Besides, they were never in good terms with his stepmother.

"Excuse me. Padaan. E-Excuse me." Napaangat naman ang ulo ni Samuel nang may biglang nagsalita.

Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang Daddy niya na nagmamadaling naglakad papunta sa stage.

"I'm sorry for being late," Anito sa guro nila at kinuha rito ang medal. Pagkatapos ay kaagad itong isinabit iyon sa kanya.

His father smiled at him proudly, "I'm so proud of you, Sammy."

Gumuhit naman ang ngiti sa mukha ni Samuel, "S-Salamat, Daddy." He sheepishly replied.

---

"S-Si Dad, nasaan siya?" Tanong ni Samuel sa doktor nang dumating na sila sa morgue ng ospital. Nasa likod naman niya si Vanessa na humihingal din kagaya niya dahil sa pagtakbo papunta doon.

Matapos kasi silang balitaan ni Jared tungkol sa pagkamatay ng senador, kaagad silang umalis sa bahay at pumunta sa ospital. Hindi kasi naniniwala si Samuel na patay na ang ama nito. Gusto nito mismo makita ng personal ang ama.

"N-Nasa loob siya," Sabi ng doktor sa kanila at umatras para pagbigyan sila ng daan.

"B-Buhay pa siya, diba? Niloloko niyo lang ako. Buhay pa si Dad. B-Buhay pa siya." Nauutal na sabi ni Samuel sa doktor na ayaw pa ring maniwala sa nangyari. Alam ni Vanessa na kanina pa nitong pinipigilang maiyak.

Umiling lang ang doktor sa kanila, "I'm so sorry, Mr. Rivera. We did everything that we could."

Napilitan namang pumasok sina Samuel at Vanessa sa morgue at nakita ang isang bangkay na may nakatakip na puting tela.

Lumapit naman si Samuel doon.

"Sinubukan na namin lahat pero hirap na talaga siya." Sabi ng doktor sa likod niya.

Unting-unti namang binuksan ni Samuel ang puting kumot na nakatakip sa katawan ng ama niya.

Napatigil naman ito na mismong ang itsura ng ama niyang wala ng buhay ang tumambad sa paningin nila.

"Sam.." Hindi alam ni Vannie kung anong sasabihin niya rito. She noticed Sam's body stiffened.

"G-Gigising pa siya. Buhay pa siya. Gigising pa siya. Hindi pa siya patay. Dad, gumising ka, Dad.." Anito na hinawakan ang pisngi ng ama nito.

"Maiwan ko muna kayo," Sabi naman ng doktor at iniwan silang dalawa sa morgue.

"Dad, gising ka pa diba? Daddy..." Pinipigilan ni Samuel ang hindi umiyak.

Naiyak na lang si Vanessa habang pinagmamasdan si Samuel. Sam was really helpless.

"Dad, 'wag mo kong iwan. Daddy.. 'Di ko na kaya Daddy kapag iiwan mo ko. Daddy.." Tuluyan na nga itong umiyak habang niyayakap ang ama.

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon