Ngiting-ngiti ako habang minamasdan ko ang litrato namin ng bestfriend ko na si Daniel ng bigla akong sinundot ng sino mang papansin sa likuran ko.
"Hoy besh, seryoso natin ngayon ah!"
"Hoy besh nandyan ka pala?" agad kung tinago ang phone ko.
"ay wala nandoon ako!" sabi niya sabay turo sa kung saan-saan.
"pilosopo lang?" kunwari walang gana na sabi ko
"ay? wala sa mood?" nag pout siya, "by the way, sino ba yang tinititigan mo sa phone mo at ngiting-ngiti ka?" patay? akala ko ba nasa likuran siya? ba't nakita niyang ngumingiti ako?
"wala ka na doon! teka ano bang ginagawa mo dito?" nilingon ko siya
"wala, may ibabalita lng sana ako sa iyo" masayang sabi nito, napangiti naman ako basta nakikita ko kasi siyang masaya ay masaya narin ako..
"ano yun? may mga allien na bang pupunta sa earth?" pagjo-joke ko.
Napatawa naman siya, "silly"
"ah sili? anong klase, labuyo?"
"ewan ko sayo, humanap ka nga ng kausap!" nagkunwari naman itong nainis
"okay, makapaghanap nga" nagkunwari siyang may hinahanap. "oh yun oh! Hi lamok! Kamusta? may nasipsip ka na bang dugo? gusto mo i-offer ko sayo dugo ko?" narinig ko ang pagtawa nito ng malakas
"lakas tama mo, besh!" sabay sapak sa akin ng mahina...
"aray uy, grabe ka ha." hinimas niya ang ulo. "Ano nga pala ang sadya mo sa akin?"
"wala, dinalaw lang kita, masama ba?"
"dinadalaw? sa pagkakaalam ko buhay pa ako, baka nagkamali ka ng dinalaw, sir" biglang nalukot ang mukha ng bestfriend ko dahil sa tinuran ko, " anong nangyari? ba't di na yan maipinta ang mukha mu?"
"wala, anyway sinagot na pala ako ni Sunshine." masigla at tila nangangarap na sabi nito sa akin.. natigilan naman ako, shock at tila may milyon-milyong dagom and tumusok sa puso ko.
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit at lungkot. Sa katunayan, tinulungan ko pa nga siyang manligaw kay Sunshine, bestfriend ko man si Daniel pero may feelings din ako sa kanya, natatakot lang akong sabihin sa kanya ang damdamin ko. Damdamin na pwedeng ikasira ng aming pagkakaibigan. nag-iwas ako ng tingin bago nagsalita.
"congrats besh!" pinasigla ko ang boses ko para di niya mahalata na nasasaktan ako.
"salamat ha sa pagtulong mo sa akin na ligawan siya" madamdaming sabi nito
"wala yun ano kaba! bestfriend tayo diba?" tumulo ang luha ko.. ano ba naman to, napakatraydor naman ng mga luha ko, tutolo ba naman! asan ba ang hustisya dito?
"oy, umiiyak kaba?" worried na sabi nito na natataranta pa
"wala to! pinagpawisan lang ang mga mata ko ang init kasi ng sikat ng araw" nagawa ko pang magbiro at tumawa ng pagak.
"palabiro ka talaga! alam ko na yan eh, tears of joy yan eh..." sabi niya sabay pahid sa luha ko. Sana nga lang tears of joy lang to, eh mukhang tears of hurts to.
"bukas nga pala besh, hindi kita masasabayan sa lunch at sa uwian" pag-inform nito.
"okay lang."sabi ko na pilit pinapasaya ang boses," "magha-halfday rin naman ako bukas, may lakad kami ni mama." dugtong pa niya.
"salamat besh, basta mag-ingat ka sa pag-uwi bukas ha! at sa paglonok rin ng lunch mo, at baka mabilaokan ka" concerned na sabi nito na may halong joke