LOVE ? natural lang yan sa mga kabataan ngayon. most of us really enjoyed falling inlove but sa umpisa lang yan kase once na nasaktan ka na ay parang kamumuhian mo na lahat ng tao sa mundo especially yourself. sabi nga nila "love conquers all" which is true nga nmn kasi once you feel that your inlove, wala ng imposible diyan eh!
I'm Nathaniel. 16 years old and i'm a graduating student na. isa ako sa mga biktima ng pag-ibig at nasawi na din sa pag-ibig. na-inlove ako sa tropa kong si charles, yeah your right, sa kapwa ko lalaki but i'm not actually a gay, im just a bisexual. nakilala ko si charles dahil sa mga tropa ko and then we hang out together with our friends at yun naging close ko na siya. Si charles kasi yung tipo ng lalaki na malambing, sweet at mabait pa so hindi niyo ako masisisi kung baket na-inlove ako sa kanya. pinaparamdam niya sakin na importante din ako sa kanya, he treated me like i'm one of those especial person sa buhay nia. Sa tuwing may inuman ay hindi pwedeng wala ako dun kase i know na nandoon din siya. sa tuwing may kausap siyang babae, ewan ko ba kung baket naiinis ako at nanggigigil lalo na kapag may kalandian siyang babae. One time ay nag-inuman kameng magto-tropa, syempre hindi maiiwasan sa mga nag-iinuman ang magkalasingan. Nawala na siguro siya sa katinuan niya nung time na yun kaya naisip niyang i-dare ako, gusto niyang halikan ko siya sa lips. nagdadalawang isip ako nung mga time na yun pero naisip ko din na chance na yun para maka score kaya naman hinalikan ko na siya. Kinilig ako nun, ikaw ba nmn maka score sa love mo, sino kayang hindi kikiligin dun. naging memorable sakin yung moment na yun at simula nun ay mas lalo akong nahulog sa kanya.
during our break time sa school bumaba ako sa room nila para puntahan yung mas close kong tropa pero nasaktan ako nung nakita ko siyang may kalandian at kaharutang ibang babae, parang gusto kong umiyak na ewan kasi kaibigan ko din yung kaharutan niya pero di ko pa rin ginawa. si lea ang kaharutan niyang babae, simula ng nakita ko silang ganoon ay biglang uminit na ang dugo ko kay lea. Naiinis ako sa tuwing makikita ko siya at lalo na pag silang dalawa ni charles ang magkasama. isang araw nabalitaan ko na lang sa mga tropa ko na nililigawan na niya si lea, nasaktan ako ng sobra, parang hindi ko kinaya ang mga narinig ko nun, gusto kong magwala at umiyak pero pinigil ko ang sarili ko.Pinapakita ko pa rin kela charles na hindi ako apektado sa kanilang dalawa at pinapakisamahan ko pa rin siya na parang walang nangyari pero hindi ganoon ang trato ko kay lea, lagi ko na siyang tinatarayan at sinisigawan.
Binaling ko na lang ang oras ko sa mga tropa ko, lagi kaming nagba-bonding at pinapasaya nila ako palagi kasi alam naman nilang nasaktan ako ng todo todo. Mahirap man gawin ay ginawa ko ang salitang "MOVE ON". nahirapan ako pero dahil sa tulong ng mga kaibigan ko ay nakalimutan ko naman siya. Hindi naging madali sa akin na kalimutan siya lalo na kapag nakikita ko siya palagi. Simula noon ay nalaman ko na hindi pala ganoon kadali ang ma-inlove. Totoo naman ang mga sinasabi nila na masarap ang ma-inlove eh kasi palagi kang may inspirasyon, lagi kang may dahilang bumangon at higit sa lahat lagi kang may dahilan para ngumiti pero once na nasaktan ka halos isumpa muna ang lahat ng maga manloloko sa mundo at pinapangako mo sa sarili mo na hindi ka na magmamahal pa pero ang "LOVE ROUTINE" ng mga tao ay simple lang, magmamahal ka, masasaktan, magmumub on at maiinlove ulit.