Hey! I exist! [One Shot]

45 3 0
                                    

Una kong inilabas ang paa ko na suot ang red 4 inches stilleto sandals sa kotse saka ako bumwelo patayo.. Kung dati-rati ayaw Kong mag suot ng ganito dahil masakit sa paa ngayon parang extension na lang sa katawan ko...

Napatingin ako sa paligid ko, walang masyadong tao, sinadya ko talagang dumaan sa likod ng St. Goretti High para makita ang mga pag babago...

Nagsimula akong mag lakad, poised and chin up..

Itim na backless gown ang aking suot at sumasayad sa semento ang laylayan nito sa likod... Itim na mascara na may balahibong itim sa gilid.. Hot red lipstick na bumagay sa labi kong divided.

Bawat madaanan ko, napapahinto at napapatingin sakin...

Neh, Alam mo ba kung bakit gusto ko ang masquerade ball?  Arcane and tantalizing...

Nangite ako sa tinanong ko.

Una ko agad napansin ang nag-iisang abandonadong room na separated sa lahat ng matataas na building.....

__________________________________________

Isang usual na araw na sa mga taga SC ang tumambay sa SC room, kasama ang ilang seniors na kaibigan ng president, magkakabarda lahat eh.

 "sige na,gawin mo na, mabait naman yan "

"sige nga, kaw nga mauna"

Oblivious sya sa mga lalaking tumitingin sa kanya kahit pa malakas itong mag bulungan. Si Margareth Xu, o Areth Xu, isang beauty sa school at isang 3rd Year rep.  Kung beauty lang din an pag-uusapan,mayaman nun ang St. Goretti,ikaw daw mag-aral sa private! Lamang lang si Areth sa simplicity,oo tama. Wala syang kolorete sa muk'a , kaya labas na labas ang ganda. Kahit pa ½ Chinese ito, dominant sa kanya ang Filipina beauty liban na lang sa kulay porcelana nyang kutis at may kasingkitang mata.

Isang usual na tanawin sa umaga ,bago ang klase na makitang nakaupo si Arith sa may bintana sa SC room. Nakalugay ang itimang buhok nito at naka impis sa likod ng tenga ang bahaging nakikita ng mga lalaki. Habang yung isa ay matiwasay na nag sasayaw sa hangin. May earbuds sa magkabilang tenga at nakapangalumbaba ang isang kamay habang nag babasa ng Hard copy Manga. Sa perpektong anggulong yun ay nag mu-muk'a syang painting!

" magpapapansin ka lang naman,di mo naman sasabihin kaagad"

"psh, akala nyo madali lang yan?"

Bago pa nila malapitan ang dalaga,

"Areth, bigyan mo lang ako ng chance na ipakita sayo ang sincerity ko"

Anang nakaluhod na lalaki sa gilid ni Arith na bigla-bigla na lang sumulpot. Napatigil si Arith sa pag babasa, ng mapansin nya ang lalaki. Napatingin sya dito na parang pinag-aaralan ang muk'a!

Maya-maya,

"Sino ka nga?" aniya

Isang minutong katahimikan sa buong klase. Ito ang itsura nilang lahat:  =_____________=

yung iba naman  napapakamut sa temple, alam na!

Madali talagang nalilimutan ni Arith ang pangalan at muk'a ng tao.

 " Arith naman, mag dadalwang lingo na kong nanliligaw sayo..huhu"

"Ah!"  

Napaka persistent talaga!

Tiningnan nya ng masama ang lalaki, naiirita na sya. Pinaka ayaw pa naman nya sa lahat ang pushy, matagal na nya itong binasted, pero parang labas lang sa tenga ang mga sinabi nya dito.

Hey! I exist! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon