One Shot A Fathers Love====
Matagal na panahon na iyun lumipas pero kahit anong gawin ko hindi ko parin makalimutan ang pangyayaring iyon. Bata palang ako nong kinuwento ni Tatay ang lahat sakin.
Isa lang akong anak hindi ako Lumaki sa Piling ng aking Nanay at Tatay. Bata palang ako ng Naghiwalay na ang aking Magulang, at ako? Naiwan lang ako sa Lansangan. Nakalagay sa Kahon at Nakabalot ng Kumot. Tanging Iyak lang ang iyong Maririnig. Buti na lang isang Lalaking May-awa at Napakabait ang Nakakita sakin. Inampon niya ako, Pinalaki, Pinag-aral at Tumayo bilang aking Magulang. Hindi na siya Nag-asawa dahil sakin. Itunuring ko siyang tatay. Lagi kaming Naglalaro at Nagkukulitan, Mahal na Mahal ko si Tatay.
Lumipas ang Panahon, Naka-graduate ako bilang Valedictorian ng aming paaralan at Pinag-aral ako ni Tatay sa Mataas na School. Pumasok ako bilang Highschool. Lagi akong Tinutulungan ni Tatay at Buong Suporta ang Lagi niyang Binibigay saakin.
Hindi ako Mahilig Makipag-kaibigan dahil Tutok ako sa Pag-aaral, Gusto ko Isukli kay Tatay ang Lahat ng mga Hirap at Sakripisyo niya para Saakin.
Hanggang Naka-graduate ako uli ng Valedictorian ng School, Laking Tuwa sakin ni Tatay noon. Scholar ako noong Nag-college ako. Isang Mataas na Paaralan ang muli kong Pinasok. Sa panahon na iyun ay Matanda na si Tatay nasa 63 taong gulang na siya, Oo dahil medyo may Edad na rin si Tatay noong Nakita niya ako.
Mahina ang Pandinig at Malabo na ang Kanyang Mata pero kahit ganon ay Laking Suporta parin ang Binibigay niya saakin kahit Mabagal na siyang Mag-lakad.
Sa Koleheyo ko Marami ako naging Kaibigan. Marami naging Barkada, Dahil Doon ay Nakukulangan na ako ng Oras sayo, Dumaan ang Araw ay may Party ang Kaibigan ko o Kaklase ko dahil Kaarawan niya. Laking galit ko kay Tatay dahil hindi niya ako Pinayagan dahil Gabi iyun Gaganapin.
Kaibigan ko siya inaasahan niya ako doon kaya No Choice ako kaya Tumakas ako sa Bintana ng Kwarto ko at Tumakbo papunta sa Bahay ng Kaklase ko na hindi naman Kalayuan sa Bahay namin. Bahala na kahit makita ako ng CCTV ng bahay namin, Basta Makapunta lang ako.
Pag-dating ko ay Tuwang Tuwa siya dahil Dumating ako. Ang Saya ng Party niya noon.
"Aww!" Nagulat kami sa Sumigaw, Nakita ko yung Kaklase ko na Nabitawan niya yumh baso kaya Nabasag. Kasabay noon ay ang Kaba ko. Ang Lakas non pero di ko pinansin.
Kumuha ako ng Juice noon at Narinig ko yung dalawa kong kaklase na Naguusap.
"Dude! Wala ka sa Nakita ko may Ambulansya sa Kabilang kanto." Napatigil ako non.
"Ano daw Nangyari?" Tanong ng Kausap niya.
"Ewan sabi Pinasok daw yung Bahay tapos Hindi daw Nakalaban yung may Ari dahil Matanda na daw, Nagtaka nga yung mGa Kapitbahay dahil wala daw yung Anak." Paliwanag niya. Di ko napigilan ang Sarili ko Nabitawa ko yung Baso na hawak ko. Hindi ko na pinansin yun, Tumakbo ako palabas ng bahay .
"Please....Please..." Paulit ulit kong Sinasabi sana Hindi Saamin ..
Pagdating ko sa Bahay ay Wala ng Tao, Maraming Sira na Ari Arian. Umikot ako sa Buong Bahay pero Wala na si Tatay..
Pumunta ako sa Kwarto ni Tatay...
Ring.........Ring.........
"H-hello?"
"Kayo po ba ang Kamag-anak ng Pasyente?"
"O-opo, Si Tatay po ba O-okay lang??" tanong ko hindi parin maalis ang Kaba ko.
Umakyat ako sa Kwarto ni Tatay, Napansin kong may Papel sa Sahig, Meron pang mga Dugo. Lumapit ako at Pinulot ko.
Bella.. Alam kong Tumakas ka, Alam kong Nagalit ka saakin... Sana Patawarin mo si Tatay ayokong Umalis ka at Iwan mo ako, Kanina ko pa Napapansin na may Nagaabang sa bahay natin..... Ayoko na iwan mo ako dahil walang poprotekta kay Tatay,, Bella Pasensya kana Dahil Mahina na ako.. Bella alam mo ba na simulan na Mawalan ka na ng Oras sakin dahil sa mga kaibigan mo. Lagi kitang Hinihintay, Dahil gabi kana umuuwi di na kita Naabutan... Lagi akong Magisa at Malungkot. Mahirap pala ang Magisa... Bella Nakakaramdam na ako ng Sobrang Pagkahina dahil sa Bala na nasa loob ko... Bella Bilisan mo umuwi, Hihintayin kita gusto muna kita Mayakap bago ako mawala Bella, Wag mo Kakalimutan si Tatay Pati narin ang Masasaya nating Ginagaw. Mahal na Mahal na Mahal na Mahal na Mahal ka ni Tatay, Bella
"I'm Sorry Pero Wala na siya..."