Chapter One

64 3 0
                                    

I'm Sherineiza Viniel. 22 years old. Shine for short. Service crew sa isang fastfood restaurant. Simple lang naman ako, hindi panget hindi rin kagandahan, sakto lang. Average beauty kumbaga, ulilang lubos. Me, myself and only I ang nakatira sa bahay ko. You heard it right!
Yes! my dear may bahay ako. Pamana ng mga beloved parents ko before they went to a wonderful world.

As usual, window shopping ang peg ko ngayon. Day off ko kasi, kaya heto naglilibot-libot ako sa mall. At ang favorite spot ko ay yung "Heinrich Bookstore". Bookworm person kasi ako.
I love reading books. Yun lang naman binabalik-balikan ko, mayroon kasi akong nakitang libro which is WATTPAD BOOK, collection of one shot stories written by different writers. Na-engganyo akong basahin yun kasi kaakit-akit yung cover.

Ang gaganda ng mga stories, it makes you excite, laugh,cry and inspire. At yun nga dahil sa hindi kaya ng bulsa ko ang presyo ng librong yun. Heto ako nagtitiyaga pabalik-balik sa bookstore. Every Sunday ito ang routine ko.

Tingin-tingin............

Ikot-ikot...............

Basa-basa naman tsaka pasimpleng kukunin at babasahin ang pakay kong libro. Baka kasi mahalata na hindi ako bibili. Syempre kailangan may pa-echoz thing ka muna diba. Tsaka sa linggo-linggo ko bang pagpunta dito tingin ko mauubos ko nang basahin yung pages ng libro. Thankful nga ako kasi hindi pa yun nabibili eh! Palagi naman yun nasa unahan balak ko nga sanang ilagay sa huli para hindi talaga mabili hanggat hindi ko pa natatapos basahin kaso lang malabo kong magawang idis-arrange yung mga libro kasi may nakasulat....."RETURN THE BOOK PROPERLY TO IT'S ORIGINAL PLACE".
At dahil concern citizen ako eh di ibabalik natin nang maayos! Nakikibasa na nga lang ako eh!

BookstoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon