Kabanata 12

2 0 0
                                    

(JANE'S POV)

Alas-dyes na pero andito parin ako sa opisina. Hindi naman ganun ka halaga ang ginagawa namin kaya hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang ipa-overtime to. Pwede namang ihabol nalang bukas.

Kami nalang dalawa ang natitira sa floor na to, kaya nakakabingi na talaga ang katahimakan sa pagitan namin.

Sumilip ako sa gawi niya at nahuling naka-tingin siya sa akin. Sabay namin itong binawi at nagkunwari akong busy sa trabaho pero sa totoo lang, naglalaro lang ako ng minesweeper.

"Aishh." Rinig kong reklamo niya. Tumayo siya at in-off na yung laptop at nagsimulang magligpit. Shi-nutdown ko na din ang computer kasi kanina paman din ako nakapag-ayos ng gamit.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagmamadali siyang lumabas kaya nagmumukha tuloy na kinakaladkad niya ako.

Bumaba kami sa parking lot at napansin kong hindi kami papunta sa kotse ko.

"Wait Ron, doon sa kabila naka-park yung kotse ko."

"Ihahatid na kita." Nagpa-tuloy pa rin siya sa paglalakad patungo sa sasakyan niya.

"Ha? Pero kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi mo na ako kailangang ihatid." pagdadahilan ko.

"Can't you just do what I say?" malapit na kaming dumating sa parking space ng kotse niya.

"Pero kasi meron naman ako--" tumigil siya sa paglalakad at tumingin ng seryoso sa akin. Napayuko ako sa sobrang intense ng titig niya.

Sabi ko nga, tatahimik na ako. Kulit mo naman kasi Jane eh.

Pumasok kami sa loob pero hindi niya pa pina-paandar ang sasakyan. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Jane, are we good?" tiningnan niya ako sa mata.

"Paandarin mo ang sasakyan. Gabi na, kailangan ko nang umuwi." Sabi ko sa kanya.

Umiiling-iling siya bago binuhay ang makina at nag-drive.

"I don't know what have I done para maging ganito ang pakikitungo mo sa akin. Its been one week yet you didn't bother to come and explain. Why, what's wrong?"

"Hindi naman kasi tama ang nararamdaman mo sa akin Ron. Imagination mo lang yan, hindi yan totoo kay please lang, wag mo nang subukan." Mahinahon kong sagot.

"Tingin mo hindi ko pinigilan ang sarili ko? I did it for like hundred of times already yet you still linger in my mind. Tingin mo sinadya ko yun? Na mag-alala sa tuwing hindi kita kasama? Na palagi ka nalang hinahanap ng paningin ko tuwing wala ka? No Jane, no."

Nabigla ako sa mga revelations na sinabi niya sa akin.

"You're not good for me, we're not meant for each other." Bigla niyang tinapakan ang brake kaya tumigil ang sasakyan sa kalsada malapit sa amin. Hindi ko na siya magawang tingnan sa mata dahil natatakot akong mabasa niya ang mga insecurities na meron ako.

"Why? Because you had Sean? Do you think--"

"YES! Si Sean palang, malaking responsibilidad na ang aakuin mo. Hindi mo siya kaano-ano Ron! Madami namang babae dyan na single at walang sabit, bakit hindi ka sa kanila maghanap? Wag ako Ron, I don't deserve you and I will never be." Tumulo na ang luhang kanina pa nagbabadyang-tumulo.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking basing mukha.

"I like you too much to give up just because of that simple complication. Don't worry, I'm not that easy to break." Ngumiti siya ng malungkot sa akin.

Sikreto Ng Katotohanan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon