Destiny Game
(a one shot written by aenjiee)
-
DESTINY is a matter of chance.
-
Nag-decide akong magbike kahit gabi na. Wala naman akong ginagawa eh.Habang nasa daan ako, naisip kong maglaro. A game about destiny.
Nag-isip ako ng isang bagay na hindi ko usual na nakikita. Ah! Alam ko na. Gusto kong makakita ng lalaking naka headphones na pink at naghe-head bang sa park.
Nagpunta ako sa park, nagbabakasakaling may makita nga ako. This is just a silly game, wala namang mawawala kung susubukan ko.
Inikot ko yung park at nagulat ako, may lalaki ngang naka-headphones na pink na naka-upo sa isang bench, at naghe-head bang. At ang nakakatawa pa, mukha syang baliw dun na naghe-head bang. Nag-work talaga yung game ko. Nag-stop sya sa pag he-headbang, bakit kaya? Maya-maya nakita ko syang tumingin sakin. Nagulat ako kaya binilisan ko ang pagpi-pidal sa bike ko.
Umuwi na ko, di ako makapaniwalang may nakita nga ako. Maybe coincidence? Yeah.
Pero may natandaan ako sa kanya nung nagtama ang mga mata namin, yung magaganda nyang mata. Hindi ko yun makakalimutan.
-
Friday ngayon. Naglakad ako papasok sa academy namin. Walking distance lang naman kaya ok lang. Habang naglalakad ako, naisip ko nanamang laruin yung laro ko kagabi, destiny game.
Dapat may makita akong lalaking nagba-bike na papunta sa academy, yayayain nya kong sumabay sa kanya at dapat yung cologne nya, So In Love ng Bench. Bakit? Ang bango kasi nun eh ^^
Naglakad na ko habang naka-earphones.
♪Today was a fairytale, you were the prince
I used to be a damsel in distress
You took me by the hand, and you picked me up at six
Today was a fairytale, today was a fairytale
May biglang kumalabit sa likod ko.
"San ka papunta?" isang lalaking naka-dark gray tshirt at nakasakay sa bike ang kumalabit sakin. Sa academy kasi namin, tuwing Friday pwedeng mag-civilian. Naka-dress ako ngayon, trip ko.