ANONG NANGYARE?

54 0 0
                                    

Ipinangako ko sarili na hinding-hindi na ako muling iibig.

Ayoko ng umasa at masaktan pa ng dahil sa maling pag-ibig

Ngunit bigla kitang na kita umiiyak?

Anong ngyare? Biktima ka rin ba? 


Labis akong nasaktan sa aking nalaman,

Sabi mo iniwan ka niya ng hindi mo namamalayan.

Batid ko sa iyong mga mata ang kalungkotan.


Para maibsan ang iyong kalungkotan

gumawa ako ng paraan para ika'y may pagtawanan.

Ngunit ano itong nararamdaman?


Hindi ko alam kung anong meron pero gumaan ang loob

sa tuwing nasisilayan ang mga ngiti mula sayong mga labi

at bumabagal naman ang paghinga sa tuwing tinititigan mo.


Ano nga ba ang kakaibang taglay ng ung ngiti

at nagawang buksan ang sarado ng puso. Nahulog ako sa mga titig mo!

Magtatagal ka ba? o Dadaan lang sabihin mo?


Bakit hindi nalang tayo ang ipinag tagpo noon,

Ng hindi sakit at pighati ang nararamdaman ngayon?

Hindi ko alam kung bakit pero sa maikling panahon na tayo ay nagkakilala

masasabi kung marami ng magandag nagbago sa buhay ko. 

GUSTO NA KITA!


Pinag isipan ko na ang lahat ng mga maaring mangyari

sa pagtapat nitong damdamin. Alam kong mahalaga na rin ako sayo,

Naramdaman ko yun sa bawat pag iingat at aalaga mo.


Handang- handa na ako at andun na ako sa puntong

aaminin ko na sayo ang lahat, Ngunit bigla kang nagsalita sabi mo; 

"Mangako ka hinding-hindi na tayo iiyak at mag papabiktima sa maling PAG-BIG."


Ilang buwan na rin pala ang lumipas ng huli tayong mag kita,

Nalulungkot ka pa ba o d nman umiiyak sa tuwing naiisip mo siya? MISS na kita!

Meron akong nalaman ngunit ito'y pinabayaan, alam kung hindi mo yun magagawa.

Nagulat ako ng ika'y mag paramdam labis ang ligaya at tuwa sa aking mukha,

Ano pa nga ba ang magagawa? 


Ngunit ano itong lumalabas sa mga bibig mo totoo ba ito  o panaginip lang??

Nanaginip lang yata ako. Sapakin mo nga ako!

Pero wag na hindi na kailangan,dahil unti-unti akong ginising ng sakit na ngmumula sayong mga labi.

Asan na ang mga pangako? Ang mga pangako ay tila napako lang!


May  mga luhang pumapatak mula saking mata, dahilan ng paglabo mo sa aking paningin

wala na rin akong maintindihan saiyong mga sinasabi.

Ang sarap mong sumbatan pero wag nalang hindi na kailangan.


 Ipinangako ko sarili na hinding-hindi na ako muling iibig.

Ang pinangarap kung pag ibig ay tinalikdan ko na. 

Ngunit bigla kang lumapit sa akin umiiyak?

ANONG NANGYARE?




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


YOU CAN LEAVE YOUR COMMENTS/SUGGESTIONS...THANK YOU SO MUCH😁😁😁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Nangyare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon