Chapter 22
Naamlimpungatan ako sa init na nararamdaman ko sa balat ko at sa tila liwanag na tumatama sa maliit kong mata na kadidilat pa lamang.
Hay ano ba toh ang liwanag naman yata. Kinusot ko ang mata ko at bigla kong naisip."Jusko po Lord huwag mo muna akong kunin ha madami pa akong kakainin at titikmang pagkain."
Kumilos ako ng bahagya para bumangon ngunit may nakapa akong parang umbok na malambot. Parang pamilyar sa akin ang ganoong lambot kaya diniinan ko ang pagkapa at hinimas.
"Hmmm...mmm..."
Kinilabutan ako nang may narinig akong impit na ungol na nakatapat sa tenga ko.
"Ohh shit! It can't be!"
Napatilapon ako bigla sa sulok nang mapagtanto kong nakapatong ako kay Clarisse. Dahil don nagising siya at takang taka ang itsura.
"Good morning EJ. Ba't ganyan itsura mo namumutla ka ayos ka lang?" tanong niya at nag indian sit.
"Ahh ehh a-ano ka-kasi..." Hay ano ba nauutal ako at nanlalamig katawan ko.
"Hmm...ano yon?Epekto ba yan ng pagkalasing mo kagabi?" tanong niya uli.
Napanganga ako sa sinabi niya. Tila tumigil ang mundo ko na hindi siya nageexist sa harapan ko.
"Nalasing ako?...Tapos nagising akong nakapatong sa kanya?... Magdamag? Don't tell me... May nang---waaahhh!"
Napahaplos ako sa hinaharap ko at itinabing bigla ang inflatable pillow.
"Aray! Clarisse ba't mo ko binato ng tissue roll?" reklamo ko habang haplos haplos ang ulo ko.
"Para mawala yang amats mo. Para kang may sapi eh bubulong bulong ka diyan. Ayos ka lang ba?"
"Ahh kwan ka-si ano... Ah ta-talaga bang la-lasing na lasing ako kagabi?" Nauutal kong tanong
"Opo. Ayaw mo paawat gawin mo ba namang juice yong inumin kagabi eh. Aba eh malalasing ka nga talaga." Paliwanag niya habang nagsusuklay ng mahaba niyang buhok.
"Oh nooo! Aarrghh!" sabay sabunot sa maiksi kong buhok
"Hoy EJ ano bang nangyayari sayo?"
Ha?ah eh ano nga ba kasing nangyari tanong ko sa sarili ko. Tinitigan ko siya na mala x-ray look. At napalunok ako nang madako sa makinis niyang binti.
"Ah wala. Wala toh. Ah magsashower muna ako ha. Excuse muna." Saka ko kinuha ang damit pamalit ko at towel.
"Tama magshower ka nga muna para kang aligaga na ewan eh. Maghahanda na ako ng breakfast natin okay lang ba bread with butter saka noodles na lang? Baka dumating na sundo natin eh."
"Uhm sige kaw na bahala. Saka ano ah.. ah ano nga ba. Ayon kape. Kape please?"
"Okay. Sige na shower ka na para mawala amats mo bablush mukha mo eh."
Napahawak ako bigla sa pisngi ko. Shittt! Bakit ba kasi napansin pa. Haay!
Dali dali na akong lumabas ng tent dahil hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Halong kaba at hiya. Hindi maalis sa isip ko ang eksena kaninang pagkagising ko. Oh my!!! Nahawakan ko ng hindi sadya ang boobs niya. Haayy grabe nakakahiya. Tapos ganong posisyon pa nakapatong ako sa kanya.
Oh hindi!!! Alam ko sa sarili ko na may nangyayari tuwing nakapatong ako sa isang babae. Walang mintis yon dahil madali akong madarang sa apoy. Bago ko makilala si Crystal ilang babae na ang dumaan sa maalindog at mapang akit na katawan ko. Hayayayay!!! What should I do?...Hindi pwedeng may nangyari sa aming dalawa kagabi.
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomanceSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...