Chapter 8

1 0 0
                                    

Naka uwi nako sa bahay. Nagpaalam sakin si Kuya na mag bonding daw silang mga boys kaya dito mag o-overnight si Aubrey sa bahay! Yey! Tutal sabado naman na. Paniguradong hindi sila kuya makakauwi.

Nag labas ako ng maraming unan sa kama. Nagpatulong ako kay Manang Beth sa pag kuha ng mga unan at kumot. Pag natutulog kasi kami ni Aubrey. Gusto niya maraming unan. Para daw may harang pag malikot ako matulog. Haha

May nag doorbell kaya mabilis kong tinahaw yung pintuan pababa para salubungin si Aubrey.

"Aubreeeey!" Sabay yakap ko sa kanya

"OA nito. Parang many years bago tayo nagkita ah" natatawang sabi niya

"Ikaw kasi eh. Ayaw mo ng pumunta dito. "

"Eh kasi basta" sabi niya at naglakad na papunta sa loob.

"Hello Manang beth! Kamusta po?" Oo kilala na si Aubrey dito sa bahay. Haha! Eh kasama ko siya dati dito araw araw eh.

Ang tao lang naman sa bahay. Ako, si Aubrey, Manang Beth at Manong Bentong. Si manang Beth ang taga luto dito. Paminsan minsan siya rin yung naglilinis ng bahay. Si manong Bentong naman. Siya yung gaurd namin dito. Para safe kami.

Nauna na akong umakyat sa taas. Nagpalit na ako ng pajama at sando. Nag tali rin ako ng bun.

Pagka tingin ko. Nasa pinto na pala si Aubrey.

Si Aubrey mabait, matalino at maganda. Maaga siyang natuto mag ayos ng sarili. Araw araw ang ganda niya sobra. Pag may event nga sakanya nalang ako nagpapatulong mag ayos sa mukha. Haha!

Pero natuto nakong mag lagay ng lipstick at eyeliner. Ayun lang alam ko kung pano. Kapag inaayusan niya ako nagmumukha akong prinsesa. Pero nung natutunan ko mag lagay ng eyeliner at lipstick. Ang ginagamit ko, mga dark colors para astig.

Ayun nag kwentuhan lang kami ni Aubrey tungkol sa mga nangyari sa amin this past few days. Nalaman kong mag aaral na pala siya sa school namin! Kasama si Fiona. Haha!

"Ah, aubrey. Nasan na si Fiona?"

"Ah ayun? Sinasama ko siya dito para mag overnight pero sabi niya next time nalang daw. Alam mo naman yun, laging nasa bar" nagkabigbalikat siya.

Napa isip ako. I smirked

"Ehem. Anong ngiting aso yan Sab?" Naka taas na kilay ni Aubrey

"Tara. Contact-en mo si Fiona. Tanong mo kung saang bar siya. Sabihin mo pupunta din tayo"

"Ano? Teka mag paalam muna tayo sa kuya mo" kinakabahan na tanong niya

"Si Kuya nga may bonding with boys eh. Edi tayo mag b-bonding din! Haha"

"Uhmm? Sige na nga! Hahaha"

Nag ayos na kami ng damit. Ako naka dress lang ng above the knee na kulay pink. At doll shoes.

"Anong suot yan Sab? Yung totoo? Party ba pupuntahan mo o ano? Dapat fierce ang pormahan!" Sermon niya sakin. Eh wala nakong damit na ganon. Yung ginamit ko dati hindi naman din fit. Kulay black lang kaya parang fierce narin.

"Teka lang" sabi niya, sabay labas ng kwarto. Tinignan ko yung suot ko. Okay naman 'to ah?

"Ito ang sayo" sabay lahad sakin ni Aubrey ng damit na isusuot ko.

Wow. Ang cool! Kaso kulay red. Pero okay na'to haha! Sinuot ko na iyon at inayusan nako ni Aubrey sa make up. Ang cool talaga namin tignan. Kaiyak. Hapit na hapit nga lang.fit na fit.

Sinabi na ni Fiona kung saang bar kami pupunta. Kaya nag punta na kami duon. Tumakas lang din kami kay manang Beth. At yung kay manong Bentong naman ay natakasan din namin kasi naka tulog

Nag taxi nalang kami para hindi kami mahuli. Sinabi na namin sa driver kung saang bar ang pupuntahan namin.

Pagtapat nang taxi sa harap ng bar ay napa hanga na ako. Hindi ito yung dating pinuntahan namin. Pero mas malaki at maganda 'to kaysa nung una. Bumabaha ng tao sa una palang.

May pinakita lang na card si Aubrey sa bouncer at pinapasok na kami.

Ang lakas ng tugtugan. Tumatama sa mukha ko ang mga neon lights. Umupo na kami sa isang round table duon at tinawagan si Fiona

"Hello Fiona.. Andito na kame-- medyo malapit sa stage... Ah sige.. Hintayin ka nalang namin dito" binaba na ni Aubrey ang crllphone niya at tumingin sakin

"Hintayin daw natin siya" tumango nalang ako bilang sagot.

Habang hinihintay namin si Fiona ay nakaka dalawang shots nako ng vodka. Pero hindi pa naman ako tinatamaan.

Maya-maya ay dumating na ang lasing na si Fiona. Naka upo nalang siya dito pero sumasayaw parin. Lakas na talaga ng tama nito.

Una ay hinihila pa ako ni Aubrey para mag sayaw pero sabi ko susunod nalang ako. Babantayan ko muna si Fiona.

Cellphone lang ang inaatupag ko. Hindi nako naka inom ulit. May app kasi na imbes na bumili ka ng books magbabasa ka nalang sa phone mo. Busy ako kakahanap ng mga magandang stories.

Maraming nagyayaya sakin makipag sayaw pero sinasabi ko may kasama ako at tinuturo ko lagi si Fiona. Pero this time may nagyaya na naman sakin

"Hey, beautiful. Wanna dance?" Nakangiting nakakaloko sakin itong lalake na nasa harap ko. Gwapo siya pero mukhang lasing narin.

"Uhh, sorry. May kasama ako--" tinuro ko si Fiona, na wala na sa tabi ko ngayon. Shit! Unti-unti kong nilingon yung lalaki. Ngumiti nalang ako at tumango.

Nag punta kami sa dance floor. Ayun sayaw lang kami ng sayaw. Haha mukhang ewan nga ako sumayaw eh. Nakataas ang kamay ko na naka pikit habang sumasayaw. Ini-enjoy ko lang yung music. Maya-maya ay naramdaman ko yung kamay nung lalaki sa beywang ko. At lumapit pa siya lalo sa akin. Okay lang siguro yun? Kasi ganto yung mga nakikita ko sa palabas. Normal lang na hawakan yung beywang. Pero maya-maya pa ay bumababa na yung kamay niya sa legs ko. Fuck! Sinampal ko siya bigla at umalis agad sa pwesto ko. That was close. Geez!

Umupo nalang ako sa inuupuan namin kanina at dinial ang number ni Aubrey.

Naghihintay na naman ako sa pag sagot niya pero wala parin. Naka 5 shots nako ng vodka pero wala parin! Nasan na iyon?

Tumayo nako. Muntik pa ako ma out of balance. Hinahanap ko si Aubrey ng makita ko ang mga pamilyar nilang mukha.
Sila K-kuya.


SHIT!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon