CHAPTER 55

72 2 0
                                    

Shine's POV

Nakakainis na! Bakit ba kasi di ko makontrol sarili ko kapag meron ako. Lakas din ng topak ko e.

Di ko kasi kayang itago yung galit at tampo ko kapag meron ako. Di ako marunong mag balance.

"alam mo sis. Stay calm"

Paalala saakin ni rain. Naiinis na kasi ako sa report ko. Bwisit! Di ko mahanap yung definitions.

"Bestie kasi! Ang init ng ulo!"

Sabi naman ni jane "pwede ba! Wag nyo kong pag tulungan! Di na nga ako maka pag concentrate dito e!" Sabi ko na may tono ng galit yung boses ko.

Biglang tumunog yung cellphone ni jane. Ayoko sa lahat kapag busy ako .. maingay!

"Oh easy.. eto na sasagutin ko na.. calm down" onti nalang ulit sasabog na ako

Lumabas si jane sa kwarto ko. Sino kaya yun.

"Sis... bakit pa kasi ginagawa mo yan? 3 weeks nalang new year na!"

Sabagay..

"E kasi, ang boring dito e.. walang magawa.."

"Alam mo, itulog mo na yan.. may pasok ka pa bukas"

"Sige."

Lumabas na din sya ng kwarto. Tumayo ako at pumunta sa kama ko. Nasa study table kasi ako

Bigla kong naisip si sky.. sobra ko syang nasungitan kanina. Mag sorry kaya ako?

Ei! Nakakainis naman kasi sya e!
Kaso nakokonsensya ako.

Kinuha ko yung cellphone ko..
tinawagan ko na yung coton candy boy na yun.

[Hello? Please kung susungitan mo ko wag na..]

"No.. i just want to say sorry.."

[Tsk. baby girl naman. Di mo kailangan mag sorry, wala ka namang nagawang mali e]

"Meron kaya, sobra kitang nasungitan"

[It's ok, i understand you]

"Are you sure?"

[Yes. Pinaliwanag sakin ng tatlo kong kaibigan at si mom kung bakit ka nag susungit... alam mo, sayo nga lang ako natuto mag karoon ng mahabang pasensya e]

"Basta. Sorry ha? intindihin mo nalang ako"

[Basta ikaw baby girl, matulog ka na.. may pasok pa bukas.. bye i love you, sunduin kita ah? Sa ayaw at sa gusto mo.. bye]

"Nag paalam ka pa. Hahaha sige.. i love you too.. "

Inend ko na yung call. Oo sinadya kong sabihin yung i love you too. Di ko mapigilan e. Mahal ko na talaga si sky.

Biruin mo, nagawa nya akong pagtiisan. Nagawa nya akong bilhan ng alam mo na...

Boyfriend goal....

******

"..... thank you for listening"

sa wakas! Natapos na din yung report ko. Si sky na yung susunod. Di ako makapaniwalang mag rereport ang tamad na lalaking to.

"Good morning classmates and ma'am.. may i have your attention please? Okey thank you. First i'm going to report the asteroids.. you know.. every asteriods have a satellite parang sa love.. every girls need a boyfriend.. and every boys need a girlfriend.. hindi makukumpleto ang buhay ng isang tao kung wala yung taong mahal nya"

Naka tingin sya deretso sa mata ko. Nag report lang sya ng nag report. Hanggang sa matapos sya.

Halos lahat ng students nag palakpakan at si ma'am din.

"Wow.. tha't amazing huh? So, bakit ka nag report?".

"May inspiration po kasi ako"

"Sino sya?"

"Si shine maddie villa fuente .. ang satellite ng buhay ko"

Nagulat ako sa usapan ni ma'am at sky.. halos lahat ng classmate namin nag 'ayiee' yung iba nag wawala sa kilig.

"May forever na!!!" Sigaw ni ma'am. Sya yung pinaka favorite teacher ko. Sinasabayan nya yung mga kalokohan namin.

"Ma'am wala pong forever" sabi ko naman.

"Bestie ang bitter mo!"

"Che!"

"Okey class.. since tapos na lahat na mag report, you may go.. pwede mag recess class dissmised"

Kinuha ko na yung gamit ko. Pinasok ko sa loob ng bag ko yung dalawang libro at tatlong notebooks ko.

"Ang landi talaga nya"

"Oo nga teh! Talo ng maganda ang mamalandi"

Narinig kong usapan nila hanna at angelo. Nako, inggit lang sila kasi nililigawan ako ng isang heartrob, famous, at gwapong lalaki sa school na to.

Umalis na sila. Ako at si sky nalang ang natira "akin na yang bag mo" kinuha mya yung bag ko.

Mag sasalita pa sana ako kaso tinakpan na nya yung bibig ko gamit ang isang daliri nya.

"Hep! Wag ka ng umangal.. tara na libre kita! Basta please. Wag mainit ulo ha?" Sabi nya tumango naman ako.

Hinawakan nya ako sa kamay ko at lumabas na kami. Pinag titinginan tuloy kami, yung iba nagagalit, yung iba kinikilig at tuwang tuwa.

Pilit kong inaalis sa pagkakahawak nya sa kamay ko kaso lalo nyang hinihigpitan. Mautak tong bata na to ahh.

Pumunta kami sa canteen.
Binili nya lang ako ng maraming pagkain. Yan very good.

Sa tuwing naka simangot ako.. pilit nyang ingingiti yung mukha ko. O di kaya, mag papatawa sya.

kapag naiinis ako sa kanya at nahahampas ko sya sa braso nya.. niyayakap nya ako..

Hayst! I'm falling inlove with this damn and fvcking badboy.
Ano bang gayuma ang ginamit mo saakin? Ilang pana ba ni kupudo ang tumama saakin?

prince sky de guzman
... pag ibig na ba tong nararamdaman ko para sayo? O sadyang paghanga lang? ...

Sana balang araw masagot ko ang matagal ko ng tanong sa sarili ko.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon