Erika Mcraine POV
Nag-leave ako sa trabaho ng hindi alam ni Chylie. Dahil for sure ay kukulitin lang ako non kung saan ako pupunta or kung ano ang gagawin ko.
3days lang naman at nextweek pa naman ang dating nila Chylie kaya naman okay na okay talaga ang timing.
"Are you sure that you still don't want to stop to work? Nahihirapan kana anak. Kaya ka naman naming buhayin ng Daddy mo." Hagod ni Mommy sa likod ko dahil katatapos ko lang uminom ng gamot.
"Ano ba Ma, eto na naman po tayo e. Gusto ko naman magkaroon ng sarili kong pera na hindi galing sa company natin kundi galing sa iba. And don't worry about me. Kaya ko pa naman. I will tell you kapag hindi ko na po talaga kaya." Assure ko sakanya.
"Kailan ba namin makikilala ang boss mo? Invite her for a dinner some other time so that makilala din naman namin itong favorite boss mo. Take a rest. Kailangan na ako sa opisina. I love you anak." Ngiti ni Mommy. Bago niya ako iwang mag-isa dito sa kwarto ko.
Kilalang-kilala na nila si Chylie. Lagi ko kasing ibini-bida sakanila kapag salo-salo kami sa kainan. That's why they call her as my favorite boss.
Hindi sa pagmamayabang ay talagang may-kaya ang pamilya ko. May sarili kaming kompanya kaya nasabi ni Mommy na kaya nila akong buhayin kahit na hindi ako magtrabaho. They are very concern and very supportive to me everytime. Because my mommy always telling me that, habang buhay kapa, ibibigay ko lahat ng bagay or kahit na ano pa man mapa-saya ka lang anak. So if you want to travel or anything you want, we'll give it to you. Makita ka lang naming masaya despite of that cancer you have. I have a lung cancer. Pero hindi pa naman critical stage. Nakuha ko daw ito noong bata pa ako dahil tumira ako sa probinsya nila Daddy at sa bahay ay mga tito kong mahilig magyosi ang mga kasama ko. Matagal bago natanggap nila Mommy. Ilang gabi siyang iyak ng iyak dahil nag-iisang anak na nga daw ako ay mawawala pa ako. Mabuti nalang at nandyan si Daddy na laging nagpapatatag sa aming dalawa ni Mommy. Siya ang laging nagda-divert lagi ng usapan kapag sisimulan ni Mommy ang topic about sa sakit ko. Na kung titignan mo siya ay parang balewala lang sakanya ang sakit ko.Na habang buhay pa ako ay gagawin nila lahat mapasaya lang ako.Kaya naman noong nakiusap ako na maghanap ng kahit na anong trabaho ay agad nila akong pinayagan pero syempre hindi nawala ang tanong na bakit. Na bakit sa iba pa daw kung pwede naman akong pumasok sa company namin? Na bakit kailangan ko pa daw magtrabaho ay pwede namang sa bahay lang ako at makukuha ko ang lahat ng gusto ko.
The reason? Because I want to get away from them everyday. Para hindi sila masanay na lagi akong nakakasama araw-araw. Because who knows diba? Biglaan lang akong mawala.
Kaya takot din akong magkaroon, no erase that, kaya ayaw kong mag-boyfriend dahil iiwan ko lang din naman at masasaktan ko lang siya kung sakali. So, what's the sense of being inlove kung sasaktan ko lang din naman siya sa aking pagpanaw.
Kaya ng tinanong ako ni Chy kung naniniwala ba ako sa forever ay depende ang naging sagot ko. Dahil ang totoo ay wala naman akong alam tungkol sa forever sa larangan ng pag-ibig. Ako nga diba? Ang aga kong nalaman na hindi ako magiging forever dito sa mundo.
Chylie Jerah Chiu POV
Parang kinurot na ewan ang puso ko ng tumawag sa akin si Erika na tumawag si Shana sakanya at tinatanong kung nasaan ako.
Parang nasasaktan at na natutuwa na hinahanap niya pala ako. I can't describe what I feel for her but..gusto ko siyang gawing kapatid pero nandon yung pakiramdam na ayaw niya sa akin.
Nagtaka siguro kayo kung bakit kahit pinsan ko siya ay hindi niya alam kung nasaan ako. Dahil ganon ako kapag gusto kong takasan ang mundo. Kapag nakiusap akong wag mong sasabihin sa iba ay dapat na sundin mo kung gusto mong magkasundo tayo. Kaya bago kami umalis ay iyon ang una kong ipinakiusap kanila Daddy at Mommy.
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
No FicciónBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...