Simpleng Tao

20 0 0
                                    

SIMPLENG TAO
Written by: KuyaFerrari21

© 2016


Tirik na tirik ang araw nang naglalakad ako papunta sa eskwelahan ko. Moving up practice kasi ngayon at saka kailangan daw ang attendance dahil kung a-absent ako, hindi daw ako papapasukin o tatanggap ng Certificate of Moving Up. Matatanggap ko lang daw ito after 3 weeks na pulos asikaso sa mga papeles sa paglipat ko ng eskwelahan.

Pagdating ko sa harap ng eskwelahan, kaagad akong nakita ni Dustine, ang barkada ko sa loob ng apat ng taon ko dito sa eskwelahan.

" 'Tol! Ang baho mo na! Shet!" Kanchaw nito sa akin.

"Eto ka oh!" Tinutukan ko siya ng malulutong na middle finger.

"'Wag naman 'tol! 'Yoko pumatol sa bakla!"

"F--- you!"

"Brad! Si Dee, 'yun oh!" Itinuro ni Dustine si Dee na nakahawak ng payong at dala ang dummy envelope na gagamtin namin sa practice.

"Dee!" Tinawag ng loko si Dee.

"Gag-!" Mura ko. Alam kasi nito ang sekretong pagtingin ko kay Dee.

Tumawid muna kami sa kabilang linya at nilapitan si Dee.

"Hi Dust! Hello, Clinton!" Bati ni Dee sa amin na para sa akin ay isang symphony. Napakaganda pakinggan ang pagtawag niya sa akin ng Clinton.

Ako nga pala si Clinton. Diyese-singko anyos at nag-aaral ng maayos sa pampublikong eskwelahan ng Don Manuel. Hindi ako ang lalaking may pera palagi sa pitaka, may condom na pampaswerte, at lalaking cheesy o bolero. Ako kasi 'yung lalaking barya lang ang dala, mukha ng Sacred Heart ang nasa pitaka, at hindi ako bolero dahil hindi ako tutulad sa tatay kong gag- na niloko si nanay noong quatro anyos palang ako.

Medyo maitim ang balat ko, normal Pinoy skin kumbaga. May pimples pero hindi naman katulad kay Marlou Arizola ng Hashtag ang laki. Grabe naman ata 'yun at parang nagse-sex trip sila sa mukha niya. Mura lang naman ata ang tingi-tingi na Ponds Men™. Medyo matangkad dahil 5"7 ang height ko at saka sakto lang ang timbang ng pangangatawan ko. Hindi ako athletic type kaya 'wag kayo umasa na ipagsasabi ko na may biceps at saka konting abs dahil honest ako.

Sa loob ng apat na taon, hindi nawala sa akin ang pagdududa na bakit hindi ako attracted basta-basta sa babae. Tinanong ko sila mga barkada ko kaya kinanchaw nila ako na bakla. Doon ko na-realize na sa pagsali ko sa YFC o Youth For Christ ay doon ko na-focus ang pagmamahal ko. Ang pagmamahal sa Diyos. Aaminin ko na hindi ako 'yung religious people na nagkakasala. Nagkakasala din ako tulad ng ginawa ko kanina, ang pagmumura at pagmi-mid fing. Ngayong Grade 10, naging inactive ako sa YFC kaya nawala ako ng time sa pagse-serve sa Panginoon pero, HINDI KO SIYA MAKAKALIMUTAN. Nagsisimba ako kada Linggo at isa rin akong sakristan kaya hindi pwede lumiban sa tawag ng Diyos.

Dahil sa pagiging inactive ko, do'n ko nahanap ang first crush ko, Si Dee. Maraming first time ang naranasan ko sa high school. Ang unang lakwatsa at sumama sa mga kaibigan na pumunta sa dagat; Pangalawa, nakahithit ng sigarilyo pero, itinapon ko kaagad dahil hindi ko nagustuhan ang lasa nito; Pangatlo, ang pagtingin ng pornograpiya at nagsalsal.

Oh diba! Ang honest ko at hindi ko ito ikinahihiya dahil ....

KAPATID KO PO TALAGA SI HONESTO.

Maraming nagsasabi na joker ako at isa na doon si Dee. Nakilala ko si Dee mga dalawang taon na ang nakakalipas. Ipinakilala kasi ako ni Dustine sa kanya. Ayun, naging kaibigan kami at one time ay dinala niya ako sa church nila. Hindi sila Katoliko kundi isang Born Again Christian. Sumali ako sa church activities nila pero para sa akin, ang tunay na relihiyon ay ang Romano Katoliko. Matapos kong umattend sa church activities nila ay tinanong niya ako for the next church services. Hindi ako nagdadalawang isip na tumanggi dahil busy na ako sa advent activities sa simbahan. Kaya ayun, hindi na niya ako masyado pinansin. Noong Mayo ay enrollment day sa amin at saka nagkita kami. Pinansin niya ako at nagtanong kung anong section daw ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simpleng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon