Poor Wendy

21 0 0
                                    

~Iesha~

Salamat at break time na. hindi pa ako pamilyar sa school so hindi ko alam kung saan ang daan papuntang cafeteria.

Nang biglang nabangaan ako nang isang babae. na siyang ikinatumba ko nang makita ko kung sino. Si Wendy pala, naalala nyo? Yung kaninang malakas ang loob na kumalaban sa akin. Lalong nadagdagan ang pagkainis ko dito.

hindi man lang nag sorry ang gaga. Dire diretso siyang naglakad pero bago pa siya nakalayo hinawakan ko siya sa kamay. At hinila kong pabalik sa harap ko.

"You are really that brave, aren't you?"

she rolled her eyes. "what do you think?"

"You bumped me, and you don't even bother to apologize?" galit kong sabi.

"It was an accident. So why SORRY." diniinan niya ang salitang sorry.

"Ok. Then..." bigla ko siyang itinulak dahilan para matumba din ito.

"Oh!! It was an accident. Hahaha" at lumakad na ako. Nang mapansin kong may mga nagmamadaling lumapit kay Wendy. Mga mukhang clown sa kapal ng make up. tatlo sila, Nagtago ako at lihim kong tiningnan ang gagawin nila.

Akala ko tutulungan nilang makatayo. Lalo pa nilang sinubsob ito.

"Mukhang napadali ang pag parusa namin sayo Wendy. May gumawa na ng role namin ah.. well it's not enough. ang tapang tapang muna huh, bakit di mo kami pinagaya kanina? At lumipat ka pa talaga ng upuan huh." Sabi ng isang babae kulot na sabi ko nga mukhang clown.

Well actually maganda sila, mga pasosyal. Pero mga wala naman kumpara sa akin.

"Yeah right, pag kami nakababa sa quiz humanda ka samin, masisira ang reputasyon namin sa Fit4U" maarteng sabi ng isa pang clown, kung makadabog akala mo bagay sa kanya. Duhh?

Wait nga ano nga ulit? Feet for you? hahaha.. ang bahong pangalan. Sino naman kaya ang mga yan? Patuloy lang akong nakikinig at pinagmamasdan ang ginagawa ng mga clown.

Part of me naaawa ako kay Wendy pero tama bang makialam ako? Wala sa vocabulary ko ang tumulong. sa katotohanan nga ginagawa ko din ang mga ginagawa nila. Malala pa.

"reputasyon??? Wala kayo nun uloool!!" Matapang na sabi ni Wendy halata sa mga mata niyang hindi ito natatakot.

Hahaha.. wow. Bilib talaga ako sa personality ni Wendy. hindi siya basta nagpapatalo. Sadya lang sigurong mas maimpluwensya ang tatlo pero matapang talaga si Wendy.

"aba, aba at sumasagot ka pa talaga huh, tapang mo rin ano?" Sabi ulet ni kulot salot. At pinagtulong tulungan nilang sabunutan si Wendy. Poor poor Wendy.

"Chaka mo, ang kapal mo,iiihhhh.." sabi ng maikli ang buhok na may pagka rock ang porma pero sophisticated pa din.

Di ko na nakayanan kaya lumapit na ako. "You three, RUN, RUN for your lives." Sigaw ko sa tatlo na ikinabigla naman ng mga to. tinigil nila ang pag sabunot kay Wendy.

"But I thought you hate her too. Why do you care?" Tanong nung kulot na bakas ang takot sa mukha.

"Just run. Now!!" Dali dali silang tumakbo. Tinulungan kong makatayo si Wendy at inayos ko ang buhok nitong nagusot.

Tiningnan niya ako na may halong pagtataka. "Why?"

"Nothing." at lumakad na ko palayo sa kanya. Pero nahalata kong sumusunod siya sa akin.

"Sorry and thank you." Sabi niya.

Hinarap ko siya. Nahalata niya naman ata na nagtatanong ang aking mg mata.

"ahhm.. sorry for not telling you I'm sorry and thank you for saving me" sincere niyang sabi sa akin. Hindi ko alam pero lumambot ang puso ko. Tumango nalang ako.

"ok and you're welcome. By the way where is the way to cafeteria?"

"papunta naman ako doon, gusto mo sabay na lang tayo. "Ooopps.." sabay tinakpan niya kamay niya ang nukha niya. "I'm sorry I forgot you're not speaking filipino." Apologize niya.

natuwa naman ako sa ekspresyon niya. "hey, don't worry, I understand."

"Really?" Masaya niyang sabi. "by the way, I'm-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Wendy." sabi ko. Na ikinabigla niya naman.

"Bakit mo alam?"ngumiti lang ako imbes na sagutin siya.

Brat PLAN A: Make Mr. Perfect MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon