Dahil namimiss ko na talaga ang KathQuen, panuorin niyo yung video sa side.
-------------------------------------
PATRICIA’S POV.
Paulo: “Are you okay darling?” Nagulantang ako sa pagtatanong ni Paulo.
Me: “Uh… Uh, okay lang ako.” Pinilit ko na lang ngumiti para ‘di na siya magalala pa.
Paulo: “Nagsisinungaling ka sa’kin.” Tinignan niya ko ng matalim sa mga mata. “I know you. Ano bang iniisip mo kasi?” Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga. Nandito nga pala kami ngayon sa living room ng mansion. Kaming dalawa lang naman nandito.
Me: “Iniisip ko kasi… Baka naman ayaw talaga nila sa’kin.” Yumuko na lang ako para ‘di niya mahalata yung pangangamba ko.
Paulo: “Ba’t ka ba nagdodoubt babe?” Inangat ni Paulo yung ulo ko para tumingin sa kanya. “Sabi ko sa’yo, magiging okay ‘to sa parents ko.”
Me: “Hindi natin alam ang takbo ng isip nila.”
Paulo: “Pero kilala ko sila, okay?” Nakaakbay lang sa’kin si Paulo habang nakaupo kami ngayon dito sa sofa. “Ayaw mo nun? Napakilala na kita sa kanila as girlfriend ko pero ‘di naman sila nagreact ng masama.”
Me: “Sabagay…” Ngumiti na lang ako ng matipid. “Pagkakatiwalaan ko sila dapat. Magulang mo sila e. Magulang sila ng boyfriend ko.”
Paulo: “And soon to be husband mo.” Wala na kong nasabi sa banat niya at ningitian ko na lang siya. “Let’s go na sweetheart. Hahatid na kita sa inyo.”
Me: “Oh, sige. Magpapaalam lang ako kela Madam at Sir.”
Paulo: “Tita and Tito.” Correction pa niya sa’kin.
Me: “Trabahador pa rin ako dito kahit pa girlfriend mo na ko.”
Paulo: “Pero yun ang dapat na itawag mo sa kanila. Wag ka ng umangal diyan.” Nagbuntong-hininga na lang ako sabay tumango.
Pumunta na kami agad sa backyard kung saan nagbobonding sina Madam Theresa at Sir Roberto. Hindi pa din ako panatag na tawagin silang Tito at Tita noh. Naabutan nga namin silang umiinom ng wine dito sa may mahabang table sa labas.
Madam Theresa: “Oh, Paulo and Patricia? Wanna join with us?” Bungad sa’min ni Madam.
Paulo: “Hindi na po, Ma. Magpapaalam lang po sana si Patricia kasi babalik na po siya sa bahay nila.” Tumingin naman sa’kin sina Madam at Sir. Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...