~Wendy~
Nasa cafeteria na kami ni Iesha. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na mabait naman pala tong si Iesha. Una ko pa lang kasi siyang nakita alam ko na spoiled brat ito. Plus apo siya ni Sir Williams.
"Why you let those idiots bully you? Nakikita ko sa personality mo matapang ka." sabi ni Iesha, grabe tong isang to gusto talaga eye to eye kung makiusap. Nakakailang.
"Isa sila sa popular dito sa school, mayaman sila, si Claire yung straight ang buhok, haciendera yun, maraming lupain at negosyo ang magulang, siya yung leader nila. si Bloom, yung kulot ang pinakamaganda sa kanila, actually pa iba iba ang style ng buhok nun eh, every week. Si Menchie naman yung maikli ang buhok. Meron silang mall.
Classmates ko sila simula ng 1st year highschool pa lang. tamad silang mag aral, pumapangalawa ako sa pinakamatalino sa klase natin. Next to Arleigh Watsons. kaya madalas umaasa sila sa akin. kaya kanina napag desisyunan ko na wag sa kanila tumabi." Mahaba kong salaysay. Mataimtim naman siyang nakinig. Naiintindihan kaya niya lahat ng sinabi ko? Hehehe..
"Crush na crush nila ang grupong Fit4U. Ang fit4U lang nga ata ang dahilan kung bakit sila pumapasok. Hindi naman sila pinapansin. Hahaha" dagdag ko.
"fit4U... literal ba na paa?? Hahaha.. bantot huh, mga mukhang paa."
"Mga mukhang paa ka dyan.heartrob sila no. Saka hindi feet na paa, fit as in F-I-T" explain ko sa kanya saka siya tumango tango.
"well wala akong pake." sabi niya.hala, beastmode na naman ata to. pagkatapos niyang magpakwento eh, tapos biglang nag suplada na naman.
sa kakakwento di namin namalayan na time na pala. Napansin na lang namin na wala ng estyudante sa cafe, kaya nagmamadali kaming bumalik sa room. Ako lang pala, sumusunod lang siya sa akin.
"napaka huwaran mo talagang estyudante ano?" Iritable niyang sabi. Panu ayaw niyang pumasok.
Nang bumalik kami may teacher na. Napatingin sa akin na may halong pagtataka. "first time mong ma late huh." tumingin ito sa kasama ko mula ulo hanggang paa. ano kaya ang iniisip nito kay Iesha??
"Are you Iesha the brat?" Sabi ng masungit na si Ms Jean.
"Are you Ms. La paz?? Batchoy?"
Lahat nagtawanan sa sinabi ni Iesha. Hala lagot, Mala Hitler din kaya magalit si Ms Jean. tinatry kong akayin si Iesha para umupo na pero hindi, nakipagmatigasan talaga siya ng tingin kay Ms la paz, I mean Ms Jean."Quiet class, sigaw nito." Kaya tumigil ang tumatawa naming classmates.
"Ms. Houston, head to principal's office now o isusumbong kita sa lolo mo." Sabi ni Ms Jean na halatang galit na galit na, nag mamantika na eh, haha.
"Oh, takot ako! Hahaha" sarcastic niyang sabi.
"Halika na kasi Iesha." Pag pupumilit ko sa kanya.
"Ok then. just wait. take a seat." sabi ni Ms Jean.
Umupo na si Iesha, hinatid siya ng tingin buong klase. Madalas ko siyang nahuhuli nakatingin kay Arleigh, kanina pa. baka tinamaan siya dito, di ko lang sure. Iba kasi ang tingin niya eh.
Pagkauwi ko ng condo ko nakita ko si dongsaeng.
"Noona, bakit? Bakit mo hinahayaan na lagi kang sinasaktan nila Claire?" malungkot ang mukha ng kapatid ko na mukhang naaawa sakin.
"alam mo?" tanong ko pabalik.
"I was there kanina, buti na lang may nagtanggol sayo. ilang beses ko ng sinabi sayo na lumaban ka, kaya mo naman, at bakit kasi pilit mong tinatago ang tunay mong pagkatao?" malungkot niyang tanong. Noon pa talaga niya sinasabi sa akin na sabihin na namin ang totoo pero ayaw ko.
"Kasi hindi ko na kayang tiisin makita na inaaway ka nila noona, Bakit kasi hindi ka pa umuwi sa atin?" Dugtong niya pa na may halong pagaaalala.
"Dongsaeng" awat ko sa kapatid ko.
"Noona, kung hindi sila tumigil mapipilitan akong ibunyag at magsumbong kila ama."
At umalis na si dongsaeng.
---
Sino nga ba at ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Wendy at sino nga ba ang dongsaeng niya?