Life is really unfair. Hindi ako pwedeng lumabas ng walang kasama na bodyguard o kaya naman butler ano ba ako dito preso? Hindi naba talaga ako pwede mag saya na walang nag babantay sakin o kaya naman sumusunod minsan ang pagiging mayaman nakakasakal nadin. Ang akala ng lahat masaya ang maging anak mayaman minsan nga iniisip ko pano ba maging mahirap? Buti pa sila malayang nakakalakad ng walang nag babantay at nag babawal. Ako nga pala si Yvonne Kate Flores ang ikalawang anak ng mga Flores at ang taga pag mana ng Flores Incorporated pag mamayari ng pamilya ko ang mga Mall at iilang hotel sa Pilipinas at ako ay isang Grade 11 student sa Rio Grande Academy.
" Young miss pinapatawag po kayo ng Mama nyo" Sinabi naman sakin ng isa sa mga katulong sa bahay. Mabait naman ako sa mga kasambahay namin dito hindi tulad ng iba sinisigawan pa. Hinarap ko sya ng may nagtatakang tingin . " Bakit naman daw po? May pupuntahan po ba kami?" isa isa kong tanong sa kanya, alam ko wala naman kami lakad tsaka walang pasok ngayun.
" Yun po ang hindi ko alam, pinapatawag lang po saakin ang young miss nasa Dining room po pala ang mama nyo" Sabi nya sakin at umalis na. Nag lakad naman ako papunta sa Dining Area at nakita ang aking Mama at si Kuya Ace na mukang ako na lang ang hinihintay.
" Anong meron at bakit nyo ako pinatawag? May pupuntahan po ba tayo? O baka naman pag uusapan?" Minsan hindi ko talaga maintindihan kung san ba ako nag mana kay mama ba o kay papa.
" Kate may pupuntahan daw tayo sabi ni mama! Mag babakasyon daw tayu sa Korea alam ko naman na gusto mo pumunta dun diba?" Biglang sabi ni kuya na ikinagulat ko naman, eh bakit naman kasi pa sigaw diba? Hindi naman ako bingi eh.
" Oo anak sa Korea mga 2 weeks lang naman tayu dun eh medyo busy din kasi kami ng papa mo may mga business meetings pa kasi na kailangan" Oh edi sana wag na lang kung busy lang din kayo diba? Tss sayang sa oras.
" Kayo na lang Ma, ayoko sumama tsaka ano naman mapapala ko dun diba" Hindi naman sa masamang anak ako. Ayoko lang talaga kapag mag babakasyon kaming pamilya eh biglang mapuputol dahil sa mga business nila. Bigla naman silang sumimangot dalawa kala mo binagsakan ng lupa at langit.
"HAA!? Baliw kana ba kapatid? Dali na para Makita mo na mga idol mo dun yung EXO bayun? Chance mo na din to Makita sila!" Pagmamaktol naman ni kuya sakin. Kuya ko ba to? Sigurado ba sya na matanda sya sakin ng 3 years? Isip bata talaga.
" Kuya kung gusto mo kayo na lang nila mama at papa basta ayoko talaga sumama, kahit na Makita ko pa ang EXO may concert naman sila dito eh mas malapit pa hindi ko na kailangan lumipad pa sa Korea" Dahilan ko sa kanya. Mas mature pa ata pag iisip ko kay kuya eh. Ako siguro panganay samin.
" Sigurado kaba anak? Bakit ayaw mo sumama? Ayaw naman kitang iwan dito baka mapano ka tsaka matagal pa naman pasok nyo diba?" Naku Ma kayo na lang talaga. Wag nyo na ako pilitin mapapagod lang kayo.
" Oo ma siguradong sigurado na ako tsaka para san pa at marami tayong katulong diba? Mag aaral na lang ako baka mamaya icompare pa ako ni lolo at lola sa ibang tao". Isa sa mga ayaw ko yung kinukumara ako sa iba hindi man lang ba nila nakikita mga effort ko?
" Ang KJ mo talaga kapatid kahit kelan. Korea nayan oh tatangihan mo paba? Tsaka tama si Mama baka mapano ka dito" Gatungan mo pa kuya isa pa sasapakin na talaga kita.
" Kulit naman eh! Ok lang nga sakin eh, wala ba kayong tiwala sakin? Isa pa kuya sasapakin na talaga kita" Inis na sabi ko kay Kuya ang kulit kasi eh! Ayun nagulantang tuloy si Mama pati yung ibang katulong dahil sa sigaw ko.
" Kate! Wag mong sigawan ang kuya mo! Kung ayaw mo sumama edi wag hindi mo kailangan sumigaw pa" Galit na sigaw naman sakin ni mama. Eto na nga ba ang sinsabi ko eh. Meron siguro ako ngayon kaya ako badtrip.
" Hindi ko naman sinasadya ma eh, si kuya kasi ang kulit hayaan nyo na lang ako dito kayo na lang ang mag bakasyon" Mag sisihan nanaman ba kami?
" Mag sorry ka sa kuya mo, hindi tama ang sumigaw ka parang hindi ka babae" Bigla naman bumukas ang pinto at nandun si papa kararating lang galling trabaho. Sermon nanaman ba? Double kill.
" Anong kaguluhan ito? Bakit parang nag aaway kayong tatlo may problema ba?" Tanong ni papa habang papalapit sa samin. Paakyat na sana ako ng ahgdan ng bilang nag salita si mama.
" Yang anak mo ayaw sumama sa Korea at sinigawan pa ang kuya nya" Minsan ang sarap lang gumanti at sumagot sa magulang pero baka pagalitan pa ako eh. " Oh bakit naman ayaw sumama sa atin? Kate naman wag ng makulit at sumasakit ulo ko, bakit mo naman sinigawan ang kuya mo?". Lord help meeeeh! Si kuya naman yun tahimik na lang. Parang Masaya pa na pinapagalitan ako.
" Pa, hindi ko naman sinasadya sigawan si kuya, sya naman nag simula pinipilit nya ako sumama eh ayoko nga." Dipensa ko naman sa sarili ko. Sinamaan naman ako ni kuya ng tingin.
" Kahit na hindi ka dapat sumigaw babae kappa man din at dala dala mo ang apelyido na Flores. Bakit nga ba ayaw mo sumama?"
" Pa. basta masasaktan lang kayo pag sinabi ko.Sige po aakyat na ako" umalis na ako at dumiretso sa kwarto ko. Baka hindi ko kasi mapigilan sarili ko maiyak pa ako sa harap nila. Pag dating ko naman sa kwarto ko dumiretso ako sa higaan at humiga. Napa buntong hinidngan na lang ako, minsan iniisip ko bakit ako na lang lagi ang mali? Kelan ba ako magiging tama? Yung kakampihan nila mama at papa kelan ko din masasabi yung sama ko ng loob. Sabi nila Masaya ang mayayaman kasi may pera hindi ba nila alam na ang kapalit nun yung oras na walang magulang?
" Ayy sumasakit ulo ko! Makatulog na nga lang, bukas ko na problemahin sila mama, sana minsan maranasan ko din ang buhay ng simpleng tao. Kelan naman kaya yun? Paasa talaga." Inayos ko ang sarili ko at natulog ng mahimbing na para bang walang problema.
Alam ko maikli lang sya. Sorry talaga at wala pang pumapasok na magandang idea sa utak ko. Baka sa next chapter madami na ako maisusulat. Salamat!

BINABASA MO ANG
Be Like The Cool Kids
Teen FictionThey say that every rich kids have already silver spoon in their mouths, which only mean they don't have to work hard because they are going to inherit something in the future. But they don't know anything about us rich kids, we have to do better th...