Inlove Ako Sayo! [One-Shot]

830 12 2
                                    

Written by: Janinehearts

I'm bound with a promise. A promise I can't bring myself to break. A promise, so essential to her, that I've chosen to break my heart to protect hers. A promise I've given to a very special person in my life. My bestfriend.

Akala ko kaya kong panindigan ang pangako kung iyon habang buhay until I met Gem. Gem na mataray, masungit, mainitin ang ulo at bitter. Not really my type of girl but still she caught my attention the moment I asked her name. I became fond of her since that day mainly because she hates me and I don't know why she does. At nagising nalang ako isang umaga, nag-iiba na ang paningin ko sa kanya at pati ang nararamdaman ko. I'm not dumb for not knowing what I'm feeling. I'm falling in love with her and as much as I want to say it, I can’t because somebody’s already have a hold of my heart.

"Hi Gem! Goodmorning," bati ko sa kanya. Inabotan niya ako ng mga loveletters ng hindi nakatingin sa dereksiyon ko. Siya kasi ang taga-bigay ng sulat sa akin dahil magkatabi lang kami ng upuan.

Mga love letters iyon na galing sa mga classmates at schoolmates ko na dumideretso lang naman sa basurahan after kong basahin. Palagi akong nakakareceive ng mga ganoon kahit hindi ko naman sila nirereplyan. Actually, I envy them kasi free silang iparamdam ang feelings nila sa taong gusto nila kahit walang pag-asa at mare-reject lang. Para sa akin, to be rejected by the person you love wasn't the most painful, it is when you can’t confess at all and would never know whether you’ll be rejected or not.

"Mahal na mahal mo talaga ako ha. Palagi kang may letters para sa akin," sabi ko na may pang-aasar sa tono. Siguro nga matatawag akong attention seeker dahil palagi ko siyang inaasar. 'Yun lang kasi ang tanging magagawa ko para pansinin niya.

"Tumigil ka, hindi akin yan. Asa ka pang bibigyan kita," pikon niyang sabi at tiningnan ako ng masama.

"Tsanga pala, ang gwapo ko ngayon diba?" Nag-gesture ako sa suot kong black polo at jeans. May pinuntahan pa kasi ako bago ako pumunta dito sa school. Binisita ko siya.

"Pwede na 'din. Pwede ng pag-tsyagaan kung walang iba." Inirapan niya ako. Gusto kong sabihin sa kanyang wag niyang gawin 'yun kasi mas lalo niya akong pinapa-inlove.

"Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman ako," ani ko. Ang totoo niyan ako talaga may gusto sayo. Sabi ko sa isipan. I'm hoping for that moment na maisigaw ko iyon sa buong mundo, na gusto kita Gem Olino.

"Wow. Nakakatawa yang joke mo promise," sarcastic niyang sabi sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko siyang hinatak palapit sa akin hanggang ilang pulgada nalang ang layo namin sa isat-isa. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin ng deretso sa akin. Kinabahan ako and I fight the urge to kiss her right at this moment because I know that will scare her away. Nang akmang lalayo na ako ay bigla siyang napabahing.

"Achooooo," bahing niya ng malakas sabay takip ng panyo. "Achooooo," bahing niya ulit.

"May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala. "Palagi ka nalang kasing bumabahing."

Itinulak niya ako ng malakas. "Wag ka ngang lumapit. Allergic ako sayo!" Lumayo sa akin ng may inis sa mukha. "Achoo," bahing niya ulit. "Wag ka kasi lumapit!" 

"Grabe ka naman kung makataboy! Tao ako, hindi langaw. Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo nalang, hindi ganito na itataboy mo ako." Aaminin ko, nasaktan ako dahil 'dun. 

Palagi siyang ganoon sa akin. Malamig. I don't know why she hates me and I don't remember anything I did wrong to her. Tama nga sila, ang hirap espelingin ng mga babae pero dahil din sa katarayan niya kung bakit ako nahulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove Ako Sayo! [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon