Malamang kilala mo si Snow White na nasagip ni Prince Charming gamit lang ang matamis niyang halik, eh si Cinderella na naging prinsesa dahil sa isang pares ng sapatos at si Ariel na nagkapaa makita lang si Prince Eric. Masarap pangarapin na sana ikaw na lang si Snow White na hinanap ni Prince Charming maligtas ka lang o di kaya ikaw na lang sana ang heartthrob ng bayan para magustuhan ka rin ni crush..........Pantasya tsk tsk, hindi bat impossible mangyari pero pinapangarap mo parin na sana sana sana o kaya please please at marami pang sana, na sana ikaw na lang sana iyon XD.
Mahirap kumapit sa panaginip, pero masama ba pangarapin ito? Sabi sa kanta libre daw mangarap, ito na nga lang libre sa ngayon titigilan ko pa XD. Hindi masama magpantasya dahil lahat tayo may sari-sarili pangarap, pangarap na nagpapanatili sayo sa tuwid na daan, dahilan kung bakit ka bumabangon muli, at higit sa lahat inspirasyon.
Sa pag-ibig, lahat tayoy may pinapangarap na kwentong pag-ibig na balang araw kapag binigyan ka ng pagkakataon ng tadhana ay mangyayari rin ang pinapantasya mo love story, kaso once in the blue moon ang pangyayari ito, na impossible mangyari kung iisipin... Hayss Saklap frend!! , masyado kasi nating hinahangad ang ating mga pantasya at isinasama sa pang araw araw nating buhay, masyado tayo nag e EXPECT, remember fantasy are product of our mischievous mind. Di tayo dapat nagri-rely dito.
Some fantasies are not meant to happen at dahil diyan nagmumukmok ka at parang end of the world na kung ikay umasta, na pati trabaho at pag-aaral mo ay naaapektuhan na. Inuulit ko, di masama magpantasya, alamin mo lang kung ano limitasyon mo. Don't expect too much, huwag karin magmamadali. God knows kung kailan ka darating diyan. Mangarap ka lang ng dream love story mo. Patience patience and more patience pa at habang ginagawa mo yan subukan mo muna umasa sa pantasya, sa pantasya kung saan posible lahat. Ano? Gusto mo na ba mahanap sarili mo sa mga kwentong ito? mga kwentong pagibig na tiyak pinapangarap mo... :D
BINABASA MO ANG
YOUR DREAM LOVE STORY
Teen Fiction. Lagi ka na lang bang bigo sa pag-ibig? Ung parati ka na lang napaglalaruan ng tadhana. Nakalimutan mo na ba ngumiti? Nakakasawa na ba umiyak? Puwes sa bawat kabiguan,lungkot at pagtangis kailangan din natin magpahinga. Masyado ka na nabalot ng k...