Mr. Torpe (One-shot)

3.1K 95 74
                                    

Ang kwentong nagbunga dahil sa pagkaLSS ko sa No One Else Comes Close by Joe at dahil sa bagyo. HEHEHEHE ingat sa mga naapektuhan ng bagyo dyan! Stay safe and pray <3

Ito ay fictional at galing sa imahinasyon ko. 

Thanks for reading!! <3 xx

xxx

Mark's POV

Andito kami ngayon sa isang hotel. Prom namin. Andaming nagsasayawan ngayon. Kanina pa nga ako nakaupo rito eh. Halos mabutas na nga ang upuan ko.

"Bro! Di ka ba sasayaw? Halos nasayaw ko na nga lahat ng babae anjan ka parin!" Sabi ng tropa kong si Jason. Chickboy talaga.

"Onga bro, di mo ba siya isasayaw?" Tanong ni Jaycen, isa sa tropa ko.

Siya. Si Janelle ang tinutukoy ni Jaycen. Si Janelle na kong never kong nakausap. Si Janelle na lagi kong sinusulyapan ng palihim. Si Janelle na inspirasyon ko sa pagbabasketball at pagaaral. Si Janelle na top ng klase. Si Janelle na mahal ko.. noon pa. 

Torpe ba? Kalalaki kong tao natotorpe ako sa isang babae. Dahil sa pagiging torpe ko eh binansagan na akong Mr. Torpe ng tropa. Palagi nalang akong tumitiklop kapag nanjan siya. Palaging naatras ang dila ko kapag gusto ko nang umamin. Hindi ko rin alam sa sarili ko. May sira ata. Nahihiya kasi ako sakanya eh. Alam niyo yun, nangunguna siya sa klase. Ako rin eh nangunguna! Nangunguna sa dulo. Inspirasyon ko nga siya sa pagaaral pero pag nasa tapat ko na ang test paper, siya nalang pumapasok sa isip ko. Feeling ko tuloy hindi ako nararapat sakanya. Buti na lang magaling ako sa basketball. Para sakanya lahat ng naishoot kong bola. Galing nga sakanyang pangalan ang jersey number ko eh. 07. Bilang yun ng letra ng pangalan niya. J-A-N-E-L-L-E. 

Hay. Gusto ko na umamin sakanya. Gusto ko nang ipagsigawan at ipagmalaki ang nararamdaman ko para sakanya. Feel ko tuloy sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pagmamahal ko sakanya. 

"The next song is the last song. Kaya kung ako sainyo, isayaw niyo na ang mga crushes niyo! Hahaha! Huling sayaw niyo na! Lalo na ang mga seniors! Last prom niyo na ito! It's now or never! Haha!" Pangaasar ng MC. 

Senior na ako at ito na ang huling prom ko. Depende nalang kung magrerepeat ako ng fourth year na imposible namang mangyare. Ginawa ko na talaga ang best ko! Ayoko na rin maging kahiya hiya ang grades ko. Ano nalang masasabi ng Mommy at Daddy ni Janelle?

"Ano bro? Uupo ka nalang jan forever? Mr. Torpe talaga!" Pangaasar ni Luke, tropa ko din.

"Onga bro, si Janelle nga suki sa dancefloor eh! Ganda pala talaga ni Janelle! Uunahan kita bro!" Sabi ni Jason. Akmang tatayo na siya ng hinila ko ang suit niya at hinila paupo.

Mr. Torpe (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon