Itong mga paang ito.
Ginawa sila para humakbang
Pasulong. PalayoItong mga paang ito.
Binigyan sila ng Diyos ng karapatan para mangawit
Dahil hindi sila ginawa para maghintay
Hindi para sa'yo. Hindi para sa tadhana.Ginawa sila para tumakbo,tumalon.
Madapa, matapilok, at tumakbo uli
Patungo sa pinipintig ng pulso.Kaya paalam
Wala kang karapatang magulat sa pag-alis ko.
Sisihin mo ang mga paang ito...