CHAPTER 1

1.4K 33 20
                                    


CHAPTER 1

---

Scott: I love you! <3

Jane: ...

Scott: Jane, kausapin mo naman ako oh?

Jane: Wala na tayong dapat pag-usapan pa!

Scott: Jane, you know how much I love you!

Jane: ...

Scott: Jane, wala naman ganyanan!

Jane: Scott, I'm sick and tired. Pagod na pagod na akong magtago. Alam mo ba iyong nararamdaman ko? Para na akong sasabog! Iyong puso ko, hindi ko na malaman kung tama pa ba o maayos pa ba ang pagtibok nito. Hindi ko alam kung ano bang mayroon tayo e! Siguro nga, tamang sabihin na... parang tayo, pero hindi!

---

Three 6months ago. Bumili si Jane ng phone sa online. Nagustuhan niya ang phone ng isang seller kaya kaagad niyang kinuha ang contact number nito at nakipagkita rito upang bilhin na iyong gamit. Pagkatapos nilang makapag-usap at ma-settle na iyong payment ay nagmamadaling umalis iyong babae, at hindi na nagawang magpasalamat pa ni Jane sa babaeng rito.

Sa totoo lang. Mayroon pa naman siyang cellphone. Maganda at maayos pa naman ang phone niya, ngunit parang naakit siya sa cellphone ng seller na iyon. So itinago niya muna ang bago niyang nabiling phone na iyon. Hanggang sa mahulog sa imburnal iyong recent phone niya, at hindi na niya magamit ito. No choice na siya, kinuha niya sa tokador, iyong bagong phone na nabili niya then kinalas niya ito dahil papasakan niya sana ng bagong sim card na nabili niya sa tindahan.

Ngunit nang kaniyang mabuksan at makalas ito ay laking gulat niya na mayroon pa palang sim card na nakainsert rito. Hanggang sa naalala niya na marahil ay hindi natanggal ng may-ari nito ang kaniyang simcard.

Sa pagka-curious nito ay muli niyang kinabit casing nito't inopen ito hanggang sa tuluyan na itong bumukas at magkabuhay muli.

Halos, manginig ang kamay ni Jane sa dami ng text na natanggap ng phone na iyon. Kaya kaagad niyang pinuntahan ang message box at sa kaniyang pagkagulat ay halos isang daang mensahe ang lamang ng inbox at galing lahat ng ito sa iisang tao lamang.

Scott Beddingfield.

"Hmmm, Beddingfield? Amerikano?" kunot noong sabi niya sa sarili.

Hanggang sa binasa niya ang lahat ng text ng lalaki. Simula sa simula.

The message start as scott say's "I love you". Saka sinundan naman ito ng "Sorry" "Patawarin mo ako!" patarawin? Ibig sabihin marunong siyang magtagalog? Pagtatakang tanong sa sarili ni Jane. Then she continue browsing his messages.

Scott: Hindi ko naman sinasadya.

Scott: Patawarin mo ako!

Scott: Nadala lang ako!

Scott: Nainis lang ako!

Scott: Uy, patarawin mo naman ako oh?

Scott: Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?

Scott: Uy, sorry na!

Scott: Hindi pa ba sapat na magsorry ako sa iyo?

Scott: Para na akong baliw rito.

Scott: Mukhang ayaw mo na talaga!

Scott: Kung ayaw mo na, please magreply ka naman!

Scott: Kahit isang letra.

Scott: O kahit tuldok man lang.

Scott: Kahit magsend ka man lang ng blank message, para malaman ko kung nababasa mo pa ba itong mensahe ko o hindi.

Scott: Siguro nga hindi mo na talaga ako mahal.

Scott: Pagod na ako.

Scott: Bye!

Napahawak sa dibdib nito si Jane. At tila nasaktan sa mga mensaheng kaniyang nabasa. Halos hindi siya makahinga sa intense nang drama ng lalaking si Scott. Hindi man niya alam ang buong kwento nilang dalawa, ngunit alam niyang sobrang naging unfair ang babae iyon sa kaniya. Hindi man lang niya hinayaan na mag-paliwanag o pakinggan iyong sinasabi ng lalaki, at hindi na talaga siya nagreply pagkatapos no'n?

Sa kung ano anong ispiritong sumapi kay Jane ay hindi niya alam. Parang may sariling utak ang kaniyang mga daliri ng minutong iyon at huli na nang marealized niyang nagreply siya sa text ng lalaking iyon.

Jane: Hi.

Pagkalipas ng ilang segundo ay nagreply ang lalaki.

Scott: Sarah?

"So, sarah ang pangalan ng babae? Sarah ang kontrabida?" Sabi sa isip ni Jane.

Jane: Yes!

Scott: Jusko! Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang nagreply?

Jane: Ah, e... nalowbatt iyong phone ko.

(Lanya ka, Jane! Anong klaseng rason iyan? Napaka-bobo ng rason mo!) sabay sapok nito sa kaniyang ulo.

Scott: Lowbatt? For almost 6months?

Jane: Sorry,

Scott: No! You don't need to say sorry, ako nga ang dapat humingi sa iyo ng sorry. I hope you already read my messages to you?

Jane: Yup! That's why I'm sorry. I didn't gave you a chance to defend yourself, to explain what really happen. I'm sorry, if I ignore you and your messages.

Scott: Okay lang iyon, atleast nagkakausap na ulit tayo.

Jane: Hehe.

Scott: You sounds weird, hindi ka naman nagrereply ng ganyan sa akin e.

(Omg! Ano nang gagawin mo ngayon jane?) naghi-hysterical na siya. Hindi pala niya alam kung paano umarte bilang si Sarah.

Jane: Uhm, I've change. Change for the better!

Scott: Ah? Okay, so okay na tayo?

(Jane! Okay na raw ba tayo? Ahem, kayo? I mean, sila?) ang sakit na ng ulo ni Jane ng mga oras na iyon.

Jane: Sure!

Scott: Sure?

Jane: Okay na tayo.

Scott: Tayo na ulit?

Jane: Oo.

Scott: Yahooo!!!! Thank you so much, Sarah! Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-saya ngayon! Promise! Hinding-hindi na kita sasaktan, I mean hinding-hindi na ako gagawa ng bagay na ika-iinit ng ulo mo. Araw-araw na rin akong magloload para lang makausap kita sa text. At mas mamahalin pa kita ng lubos!

Jane: Scott?

Scott: Yes, baby?

(So, may Endearment silang dalawa? At baby pa talaga?)

Jane: Goodnight!

Scott: Okay, goodnight my baby! Sweetdreams! I love you.

Sa hindi malamang pagkakataon ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ni Jane ng minutong iyon. "I love you!" muli niyang tinignan ang mensaheng iyon ni Scott sa kaniya. At hindi parin nagbabago ang bilis ng kabog ng kaniyang dibdib.

"Omg! Ano itong nararamdaman ko?" tanong niya sa kaniyang sarili.


Parang Tayo, Pero Hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon