Chapter 13

268 30 2
                                    

NAYEON

"Nayeon-ah!" May tumawag sakin habang ako'y nag lalakad pa uwi. Lumingon ako at tiningnan kung sino iyon.

"Tae-taehyung?"

"Nayeon. Uhm, wala ka bang kasama? Pasan ka ngayon? Sasamahan kita gusto mo?" Tanong nya ng makalapit siya sakin.

Hindi ako makaimik. Iniisip ko lang kasi si jungkook mula kanina. Ang tagal ko kasing nag aantay sakanya, dahil sabi nya mabilis lang daw siya at may kukunin pero bakit hanggang ngayon wala pa siya? Bakit ganun. Lahat nalang ba sila iiwan ako sa ere?

"Nayeon" sabi ni taehyung kaya bumalik ako sa katotohanan.

Napatingin ako kay taehyung at may napansin ako sa nasa likod nya.

Si.. Si jungkook, may nakayakap sakanya.

"Nayeon, bakit ka umiiyak?"

Hindi ko napansing pumatak na pala ang mga luha sa mga mata ko hindi ko alam itong nararamdaman ko na may halong selos at galit. Nang bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sakin.

Niyakap ako ni taehyung.

JUNGKOOK

"Dasom, please lang. Kakausapin ko pa si nayeon! Madami siyang problema ngayon!" Sigaw ko habang nag mamakaawa kay dasom at pinipilit tanggalin ang pagkakayakap nya sakin.

"Mas mahalaga ba talaga si nayeon sayo kesa sakin oppa!!?" Sigaw nya pabalik at kumalas sa yakap. Umiyak nanaman siya. Gusto ko mang sabihing oo pero hindi ko magawa dahil ayokong masaktan siya. Hindi ako umimik, aalis na sana ako ng bigla uli siyang nag simula mag salita.

"Kahit pa hindi ka naman nya mahal? Mahal mo parin ba siya?! Kahit ba may ka yakap na siyang iba?! Mahal mo parin ba siya?!" Sigaw ni dasom at biglang niyang tinuro yung babae at lalakeng magkayakap. Tinitigan ko ng mabuti at si nayeon at taehyung pala yun.

Sobra, sobrang napuno ako ng galit at selos at dahil dun inalisan ko si dasom at naglakad na ako diretsyo pauwi samin.

NAYEON

"Ako, hinding hindi kita iiwan."
Bulong ni taehyung sakin.

"Hah?" Nagtakang tanong ko. Ano bang ibig sabihin nya?

Book 1: Dahil Sayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon