He's the prince, she's the princess. And you're the...
-
"She's a bitch."
"Serves her right."
"Kala mo kasi sino, mang-aagaw!"
Ganyan lagi naririnig mo pag nasa eskwela ka na. Mga insulto nila, mga tingin nila na para bang ikaw ang pinakamasamang babae sa mundo. Pero dahil ikaw ang queen bitch, di mo sila papansinin. Aakto ka na parang wala lang sayo, tatarayan mo pa sila. Mean girl ka eh.
Pagpasok mo sa klase mo, nagkumpulan na sa tabi mo mga kaibigan mo. Kaibigan mo nga ba? Andami nilang tanong sayo. 'Anong nangyari?' 'Break na ba kayo?' 'Okay ka lang ba?'
Sabi mo okay ka lang at ngumiti ka pa. Ang laki pa ng ngiti mo, peke naman.
Naniwala mga kaibigan mo, walang nakapansin sa pekeng ngiti mo. Isipin mo yun sa dami ng kaibigan mo, naniwala silang ayos ka lang. Sabagay, di mo naman alam kung totoo sila o kaibigan ka lang nila dahil sikat ka.
-
Lunch na. Papunta kayong canteen, nakatingin nanaman sila sayo. Mga insulto nanaman, mga tingin na tagos sa kaluluwa mo. Pero dahil ikaw ang queen bitch, nasanay ka na.
Ang daming tao sa cafeteria pero isang tao lang hinahanap ng mata mo. Hindi mo makita pero pinagtiyagaan mong hanapin at nung nahanap mo na, nagsisi ka. Nakita mo kasi siya masaya na habang ikaw miserable pa rin.
Tumayo ka na para umalis. Di mo na kasi kayang makita. Pero habang paalis ka na, nabangga ka nung babae. Natapunan ka ng juice na hawak niya. Natatawa ka kasi natahimik bigla yung cafeteria, nageexpect ng kamalditahan mo.
Tinignan mo yung babae, siya pala, ayun nainggit ka nanaman sakanya. Simple, maganda, mabait, inosente at higit sa lahat siya na yung mahal ng mahal mo.
Pinunasan niya damit mo at hingi ng hingi ng sorry. 'Sorry, sorry, sorry.' Paulit-ulit na lang niyang sinasabi, hindi mo alam kung double meaning na ba yun.
Nilapitan na siya ni prinsipe mo, ng mahal mo. Pinapatigil na siya sa pagpunas sa damit mo, ikaw nakatingin lang sakanila. Naiinis ka na nasasaktan. Yung prinsipe mo tinutulungan yung prinsesa niya.
Pinatigil mo na sa pagpunas yung babae, hindi siya huminto kaya napasigaw ka na. Nagpatuloy lang siya, naiinis ka na, kaya hinawi mo na yung kamay niya at di sinasadya naitulak mo siya.
Nagalit na ang prinsipe, nasaktan mo na kasi mahal niya, ung prinsesa niya. Ikaw nagagalit ka na rin, pero bakit ba? Ah. Kasi siya di niya napansin na nasaktan ka rin, kasi siya okay na, kasi siya may mahal ng iba, kasi siya sobrang saya na.
Nagsisigawan na kayo, nagbubulungan na yung mga nakakapanood. Napapagod ka na, gusto mo nang huminto. Pero hindi pwede, hindi ka ganun. Huminto na yung prinsipe mo para tulungan makatayo yung prinsesa niya. Masakit bang panoorin?
Oo kaya umalis ka na. Ayun nanaman, mga insulto nananaman, mga tingin na hinuhusgahan ka.
Paglabas mo doon mo napagtanto na ang dali ka nilang husgahan kahit wala silang alam. Akala nila ikaw yung nanakit, kahit ikaw yung nasaktan. Akala nila ikaw yung nang-agaw, kahit ikaw yung naagawan. Akala nila ikaw yung nanira, kahit ikaw yung nasiraan. At akala nila ikaw yung masama, kahit ang totoo ikaw yung biktima.
Nagsimula nang tumulo mga tinatagong mong luha pero nagtago ka. Kasi dapat walang makakita na nasasaktan ka, bawal makita na mahina ka, dapat lagi kang malakas.
Kasi sa mundo mo, walang tutulong sa tulad mo. Kasi sa mundo mo, ikaw yung masama. Sa mundo mo, ikaw yung kontrabida.
-
He's the prince, she's the princess. And you're the evil witch.