"Sa panahon ngayon, kunti nalang ang mga kabataan na nag aaral sa kanilang mga kwarto, tumutulong sa kanilang mga pamilya at naghihintay sa tamang panahon kung kailan dadating yong "True Love". Halos ang mga kabataan ngayon ay busy sa paglalaro ng DOTA, nasa labas kasama ang kanilang mga barkada, at ang higit sa lahat, nasa labas dahil kasama nila ang mga "mahal" nila.
Yong mga DOTA addict, hindi nila alam kung gaano kalaki ang sakrapisyo na ginawa ng kanilang mga magulang para lang makapag aral sila pero ano ang ginawa nila? Ginastos lang nila sa DOTA. Yong mga kabataan na nasa labas kasama ang kanilang mga barkada. Di nila alam kung gaano na kapagod ang kanilang mga magulang sa paglilinis ng bahay, paghahanap ng pera at pagluluto ng mga pagkain. Pero sila, barkada lang palagi ang iniisip nila. Barkada lang palagi ang binibigyan ng oras. Barkada lang palagi ang pinapakinggan. Yong mga taong nasa labas dahil kasama nila ang mga "mahal" nila, okay lang yan. Okay lang yan kung alam ng mga magulang nila ang sitwasyon, kung hindi nila pinapabayaan ang pag-aaral nila, kung nakikinig sila sa mga magulang nila, at kung bukas ang puso at isipan nila sa mangyayari sa kinabukasan.
Ganyan ako. Ganyan ako "noon" pero ngayon, hindi na. Puno na ang utak ko sa mga "sana ganito", "sana nakinig ako", "sana ginawa ko ito" at iba pa. Wala na akong kasama ngayon. Nag-iisang matulog, nag-iisang kumain, at nag-iisa sa mabuhay. Walang kausap, walang-wala.
Tama nga sila.
Nasa huli ang pagsisisi.
Kung pwede lang sana maitama ko ang mga mali.
Kung pwede ko lang sana maibalik ang oras.
Kung pwede lang sana.
"Sana"
BINABASA MO ANG
Hanggang "Sana" Lang
Teen FictionMinsan kailangan natin piliin kung ano ang tama kaysa sa ating nararandaman.