Sketchpad

170 1 1
                                    

ang pag-ibig ay parang Fireworks... magliliwanag ito sa langit ng ilang minuto tapos ay mawawala.

                                                         Sketchpad

                Naalala ko pa nung huli akong nagpunta kina lola  Amira…

                “Farra! Halikana! Inaantay na tayo ng lola mo,” sigaw ng mama ko habang nag hihintay sa bagong bili niyang Isuzu Fuego.

                Madali akong lumabas sa bahay daladala ang mga gamit ko para sa halos dalawang buwan kong pamamalagi kina lola. Inilagay ko sa backseat ang mga bagahe ko at umupo ako sa front seat tabi ng mama ko. Hindi na nagantay pa ng isang minuto ang aking ina at pinaandar na niya ang sasakyan.

                “Ma, kailangan ko ba talagang mamalagi muna kina lola?”

“Ano ba naman Farra. Ilang ulit ko bang  sasabihin sayo  na  aalis ako papuntang San Francisco para sa isang importanteng bagay.  Hindi kita maaring iwan mag-isa sa bahay baka mapano ka. Hindi rin kita maaring iwan dun sa am among walang silbi. Mas ligtas ka at mas mapapanatag ako kung  kay mama kita iiwan,” paliwanag ni mama.

                Walong taon pa lamang ako ng naghiwalay ang aking mga magulang. Ako na nag-iisa nilang anak naman ay nagpaiwan sa aking ina. Simula noon ay wala na akong balita sa aking ama o mas tamng sabihing wala na akong pakialam sa kanya. Masaya na siya doon sa bago naiyang pamilya at ako naman….

“Heto na tayo,” sabi ni mama matapos ang tatlong oras na byahe.

                Wala pa ring ipinagbago ang dalawang palapagang bahay ni lola Amira.  Katulad pa rin ito ng mga sinaunang bahay na gawa sa amakan. Ang paligid nito ay puno ng mga nakatanim na mga halaman at gulay. Hindi ko rin malilimutan ang inaakyat-akyat kong puno ng mangga na hindi nagpapigil sa paglaki na nasa tabi lamang ng bahay.

                Agad kaming sinalubong ng walumpu’t isang taong gulang kong lola na si lola AMira.

“Sige mama iiwan ko na sayo si Farra. Aalis na ako at baka mahuli ako sa aking flight. Ikaw na ang bahala sa kanya,” pagpapaalam ni mama matapos niyang maibaba ang aking mga gamit.

“ako nang bahala dito kay Farra. Mag-ingat ka sa byahe  Lorna,” sagot ni lola.

                Mga alas singko na ng makarating kami ni mama sa bahay ni lola at agad namang umalis si mama matapos akong maihatid. Tinulungan ko si lola sa paghahanda ng aming hapunan.  Matapos makapag luto ay kumakain na kami at pagkatapos ay natulog.

                Matapos mag-agahan kinabukasan ay agad akong dumeretso sa tabing ilog na di masyadong malayo kina lola. Dala ko ang Sketchpad at lapis ko noong araw na iyon.  Noong bata pa ako ay madalas akong naglalagi sa tabing ilog sa tuwing binibisita namin si lola.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SketchpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon