Chapter I: Roxas Spencer Clux

2.8K 90 4
                                    

A/N: ang pronounciation ng 'Roxas' ay ( Rox-sas) baka kasi yung iba ay ang pronounciation ay (Ro-has). Salamat

Isang normal na para sa isang normal na tao na papasok sa isang normal na kolehiyo nakumuha ng isang normal na kurso katulad ng mga normal na tao.

Hahaha tama na nga sa pag sasabi ng normal baka mahawa kayo . Ako nga pala si "Roxas Spencer Clux" 18 yrs.old
Isa lang naman akong normal good looking guy na katula ng nga ibang tao.

Tama na nga ang daldalan

Nandito pa ako sa klase namin baka mahuli pa ako. Normal naman ang lahat sa ngayon sa paligid ko normal na mga kaklase at guro . Isa lang siguro ang naiiba at ako yun di ako katulad na mga ibang tao na mahilig makipagkaibigan mas gusto ko ang solo o nag iisa dahil dun ako na sanay simula pag kabata at isang bagay lang ang pinagkakaabalahan ko bukod sa pag-aaral yun ay pag lalaro ng mga online games.

Isa kasi akong gamer kaya mahilig ako sa mga ganong bagay pero mas priority ko yung ma larong vrmmorpg o mga larong virtual reality na mismong ikaw ang character ang laro.
Sa katunayan may larong ilalabas na vrmmorpg na bago ito yung pinakainaabagan ng lahat kasi parang ginagawa na nilang makatotohanan mismo ang laro.

Sayang nga at friday pa nga release ng laro sa mga gaming stall o station.

Kaya focus muna ako sa pag-aaral hahaha so mamaya ulit.

~~~~~~~
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang naghihintay ng prof dahil unang araw palang nang pasukan namin.

Malalim ang iniisip ko tungkol sa bagong laro na ilalabas ng Chronos Corp. ng may biglang nagsalita sa tabi ko

Oi pareng Roxas bat ang tamlay mo yata ngayon first day na first day natin sa klase eh?

Kahit di ko pa tinitignan alam ko na kung sino to, si Kyle Franz Cruz lang naman ang nag-iisang tao dito sa kolehiyo na nagtatyga makipagkaibigan sakin.

Oh bakit nanaman cruz? Diba natalo na kita sa chess? Bat na ngungulit ka parin? Sagot ko

Ouch pre.. Eh sa alam ko namang lugi ako sa laban na yun magaling ka pa naman sa mga strategy at tactics. Sagot nito

Ha----

Good morning class..... Sambit ng prof namin na kakapasok lang kaya di ko na nasagot si cruz

Tumayo kami bilang paggalang dito

After 5 hours.......

Lunch break

Pumunta na ako ng school cafeteria at umorder lang ng normal na lunch kasama ko parin si cruz na pilit ako kinukulit kahit di ko naman pinapansin to.

Pre maglalaro ka ba ng nung larong irerelease ng Chronos Corp.? Tanong ni Cruz

Oo pre.. Wag mo sabihin na maglalaro ka din nun wala ka ngang kaalam alam sa mga ganong bagay. Sagot ko

Nakakapagtaka na maglalaro to ng isang vrmmorpg eh wala tong hilig sa mga ganong bagay

Pre susubukan ko tutal nakapaglaro na ako ng mga online games dati pre tsaka pre para masamahan na rin kita don hahahaha. Sagot naman nito

Hayss bahala ka pre basta wag ka lang magiging sagabal sa akin pag nasa laro na tayo. Yun na lang nasabi ko dahil bigla na lang naghiyawan yung pag lalaki dito sa cafeteria which is weird dahil kanina ang tahimik dito nung pag pasok ko.

May tatlong babae at isang lalaki na pumasok mula sa pinto ng cafeteria

~~~ pare ang ganda nung nakasalamin

~~~mas maganda yung brown yung buhok

~~~ oo nga pre pero pinakamaganda yung nasa gitna ng tatlo

~~~ ang gwapo nya wahhh!!!!

Yan lang naman yung sinasabi o tili ng mga ibang tao dito samantalang tong kasama parang gulat na gulat kaya di ko naiwasan mag tanong dito

Oi Kyle bat parang gulat na gulat ka dyan? Tanong ko dito

Wala lang pre kilala ko lang yung apat na ya-- teka! tinawag mo ba ako na kyle pareng Roxas? Sagot nito na parang nabigla sakin

Huh? Oh ano big deal don pre? Tugon ko

Wala pre nakakapanibago ka ngayon mo lang ako tinwag sa first name ko eh so magkaibigan na tayo talaga? Tanong nito

Oo na lang basta wag ka lang magiging sagabal sakin sa laro at wag mo lang din gugulihin ang normal ko na buhay. Sagot dito para matigil nato

Kahit ipagtabuyan ko to lalapit parin to
Hayss sana tama desisyon ko na maging kaibigan ko to ....

----

End of chapter I

A/N: first story ko to mga sir hhahaha patulong pala sa marunong magbook cover di ko kasi alam kung paano gumawa.

Salamat sa mga babasa nitong storya na gagawin ko.

Kill Live Tale OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon