Isang dalagang napakaganda..
Isang dalagang napakatibay..
Isang dalagang nagmamahal.
Isang dalagang may isang anghel na sa buhay..
Para sa iyo ito..
Kapag ba ang isang babae, may anak na, malandi agad?
Kapag ba malalaman mong single siya pero may bitbit ng baby, ibig sabing easy to get na agad?
Ganyan na ba talaga kakitid ang mga tao ngayon sa lipunan?
Kapag ba nahihirapan siya sa pag-aaruga nang mag-isa, pagtatawanan mo pa kasi ginusto niya? Kapag ba mahal mo siya pero may sabit na eh ayaw mo na? Love ba talaga matatawag nun? Ganyan na ba kababaw ang isang pag-ibig sa ngayon? Nasaan ang hustisya? Nasaan ang pag-uunawa? Nasaan ang pagtrato ng pantay?
Masyadong mapanghusga, nakakalimutan ng alamin ang totong istorya sa likod ng isang kahabag-habag na karanasan.
May iba diyan, pinangakuan ng pagmamahal na totoo pero ginago pagkatapos sirain ang kanyang mundo. Pinaniwala ng pagmamahal na walang hanggan pero nang dumating sa puntong magkakaroon na ng obligasyon, daig pa isang duwag, isang walang kwentang taong tumakbo na lang, at hindi na bumalik.
'Yung mga taong, nagkasala sa isang babae, pero hindi pinanindigan, aba eh sana naman magkaron kayo ng konsensiya sa mga ginawa niyo. Hindi biro ang magbuntins ng siyam na buwan nang mag-isa. Hindi biro ang isang paa niya nasa hukay na habang nagdadalang tao. Ang iba nga diyan, hindi kinaya, hindi na nadudugtungan ang buhay nila. Hindi mo alam kung gaano kasakit mabuhay ng may galit sa puso at galit sa sarili dahil sa isang katangahan.
Ngayon, matutuwa pa ba kayo? Pagtatawanan mo ba siya?
Hindi isang biro ang mahusgahan.
Paano naman yung mga babaeng nabuntis nang sapilitan? Huhusgahan mo din ba? Yung mga rape victim? Pagtatawanan mo din ba?
Isang lipunang mapanghusga at mga damdaming bulok at maling sistema ang ugaling pinaiiral. Iyon ang masarap ibasura.
Wala naman kayong alam kung paano umiyak ang isang dalagang ina nang mag-isa. Walang umintindi sa kalagayan niya. Lumalaban siya sa buhay para sa anak niya. Nasira ang buhay niya sa isang pag-ibig. Nasira ang buhay niya nang hindi sinasadya. Nasira ang buhay niya pero pinagtatawanan mo pa siya.
Isang dalagang ina, ‘wag kang iiyak
Isang anghel ang umaasa sa isang katulad mo
Isang biyaya ng Diyos ang binigay sa ‘yo
Kahit pa pinagtatabuyan ka ng mundo
Para sa mga dalagang ina na handing makipagpatayan sa kanilang mga anak, para maprotektahan lang, saludo ako sa inyo. Manatili kang matatag para sa kanya. Kahit na natatakot ka ng umibig muli dahil nasaktan ka na. Natatakot kang magmahal dahil baka i-down ka lang ng lalaking ‘yon. ‘Yung tipong hindi ka na seseryusuhin dahil isa kang dalagang ina. Dahil inaayawan ka na dahil sa iyong estado sa buhay.
Hayaan mo lang. Umiyak ka, isang dalagang ina. Yakapin mo ang anak mong nagmamahal sa ‘yo ng totoo. Ngumiti ka sa harap niya ng pagkatamis tamis sapagkat ikaw ang mundo niya. At ganun ka rin sa iyong minamahal na anak.
Isang dalagang ina, ‘wag kang susuko
May magmamahal din sa ‘yo
May tatanggap din sa inyo
Liligaya ka ring totoo
Huwag kang matakot, isang dalagang ina. Hindi ka nag-iisa sa mundo. ‘Yung iba, nagtatagumpay sa laban ng kani-kanilang buhay. Andiyn si Lord para sa ‘yo. Ipagtatabuyan ka man ng mundo, nandiyan pa din ang pamilya. Kung walang tatanggap sayo, nandiyan ang anghel mo.
Mabuhay kang positibo.
Mabuhay ka nang may ngiti sa labi
Mabuhay kang maipagmamalaki ng iyong anak
Isang dalagang inang may prinsipyo
At kayang ipaglaban sa mundo
Ang karapatan mo bilang isang tao
BINABASA MO ANG
Isang Dalagang Ina
PoetryIsang dalagang napakaganda.. Isang dalagang napakatibay.. Isang dalagang nagmamahal.. Isang dalagang may isang anghel na sa buhay.. Para sa iyo ito..