Chapter 2:Meet the Nerd

43 3 0
                                    

Rian's Point of View

"Kyah! Andito na sila!"

"OMG! Ang gwapo ni Zaire!"

"Owen! Will you marry me?!"

"Lin! Will you be my girlfriend?!"

" Blake I love You!"

"Dashiell! Ang sexy mo!"

"Ang ganda mo talaga Zemira!!"

Yan agad ang sumalubong saamin sa hallway ng school. Papasok na kasi kami ngayon. Mag-clasmate naman kaming lahat so ito sabay-sabay kaming papasok  ngayon kaya kami pinagkakaguluhan ng lahat.

"Ahm.. Owen please accept this gift. Galing pa yan ng France,sana magustuhan mo." Bigla na lang may humarang na babae sa harap ni Owen. Nasa unahan kasi siya kaya nong tumigil siya tumigil din kami sa paglalakad.

"No thanks" sagot ni mokong.

"But-" sasagot pa sana yng babae kaso tinalikuran na siya ni Owen.

"Akin na lang miss. Ako na lang ang magbibigay sakanya." Hay nako ang kapal talaga ng mukha nitong si Blake. Posibleng ibigay niya yan kay Owen. Kinukuha niya nga pero inaangkin naman niya. Hmp.

Pagkatapos kunin ni Blake yng gift doon sa babae. Bigla na lang nagtatakbo yng babae. Nahiya siguro hindi tinanggap ni Owen yng gift so it  means to say walang pakialam si Owen sakanya. Hahaha.  Ang daming alam yang si Owen kapag hindi niya tinaggap ang gift mo ang ibig sabihin noon wala siya pakialam sayo. Ehh lahat naman ng babaeng nagbibigay ng gift sakanya Ehh lagi naman niya  inaayawan wala din namang kwenta yang patakaran niya. 

Andito na kami ngayon sa harap ng room namin. Pagpasok pa lang namin nakakabinging Sigawan nanaman. Hay nako, hindi na ba sila nagsasawa sa kakasigaw taga andito na kami. Pero pabor naman sa akin yon. Gusto ko lagi silang ganyan. Para alam ng lahat na kapag may sumigaw alam nilang andito na kami. Hahaha okay ang bad ko na. Hahaha

So yon nga habang naglalakad kami papasok ng room kanya-kanya na kami kong saan kami uupo. Ako mas pinili kong umupo sa.pinakadulo doon sa malapit sa bintana pero bago yng bintana may isa pang bakanteng upuan bago yng uupuan ko.

Ilang sandali lang dumating na ang magiging adviser namin. So ng si ayusan na kami ng upo. Kahit bitch ako nag-aaral pa rin akong mabuti noh.Pangalawa nga ako sa pinaka matalino una nga kasi si Owen tinagurian nga siyang Smart Prince diba. So hindi pwedeng maganda ka kailangan may brain ka din hahahah . Ika nga nila "What is beauty, when your brain is empty".

As usual tuwing first day ng school pakilala na muna daw. Like duh! Hindi paba sila nagsasawa sa introduction na yan. Magkakakilala naman na kaming lahat dito sila parin yng classmate ko last year at nong last last year at nong last last last year. Ahy ano ba yan paulit-ulit. Ehh kasi naman, hindi naman na napapalitan tong mga classmate ko. Ito kasing school may system na kong sino yng classmate mo simula nong ng mag high school ka yon narin ang classmate mo hanggang magtapos ka. Hindi ba nila alam na nakakasawa ang pagmumukha ng mga classmate ko tapos kamasa pa yong lima. Ang papanget pa naman nitong mga to.

"Hi classmate! Magkakakilala naman na tayong lahat so hindi ko na patatagalin to. I'm Zaire Kale Astaire twin brother of Zemira. 17 years old. Ang pangarap ko po ay maging presidente ng Pilipinas. Naniniwala po ako sa kasabihang "Ang batang masipag, paglaki tamad" I thank you!" Nagsitawanan naman yng mga ugok kong mga classmate. Ang lakas talaga ng trip nitong si Zaire. Hindi ko talaga alam kong bakit naging magkapatid kami niyan.  Ang lakas ng topak.  Hindi na daw patatagalin pero kong ano-ano naman ang pinagsasabi. Tch.

So pagkatapos magpakilala ng iba si Lin na ang sunod pagkatapos niya ako na ang sunod. Nasabi ko na bang magkatabi kaming dalawa. Pwes kong hindi ayan sinabi ko na.

"Good Morning every one! I'm Linnea Yole Salvador!" Pagkatapos niyang magpakilala umupo agad siya sa upuan niya. Pagkaupo niya saka naman ako tumayo.

"Zemira Finnian Astaire. 17 years old. I'm a bitch, so if you don't want your last high school life like a living hell don't mess up with me." Pagkatapos ng introduction ko naghiyawana naman yong apat na abnormal sina Zaire,Blake,Lin at Dash.

"Grabe! Rian ang lupet mo!"sigaw ni Blake sa akin.

"Lupet mo twin sister! I'm proud of you!" Sigaw din ng baliw na si Zaire.

Yong dalawa namang babae tawa ng tawa si Owen naman nakatingin lang din sakanila.

Nagsitingil silang apat apat nag may bilang kumatok sa pintuan.

Pumunta naman agad si Mam sa may pintuan. Mukhang kinakausap pa ni Mam yng kumatok kanina.

Tapos na atang silang mag-usap pumasok na kasi si Mam.

"Class I have a announcement may bago kayong classmate." Pagkatapos sabihin yon ni  Mam biglang may pumasok sa pintuan. Napatingin naman kaming lahat doon.

"Ahm.. hi" ^_^ nakanginiting bati nito sa amin.

"So Mr.?" Mam "Azaria po" boy

"So Mr. Azaria introduce yourself." Mam

"Yes mam. Hi! I'm Lucas Ethan Azaria. 18 years old. Transfer student from Korea. Sana maging magkakaibigan tayo. ^_^" pagpapakilala nito.

What?! bakit may transfer student dito saamin eh special section to kaya bawal mapunta yan dito saka hindi siya pwede dito noh.  By judging his look... his totally not fit here. A big eye glasses on his eyes. Maluwang na uniform. Nahati sa gitna ang buhok. Naka brace. A books in his hands. And a big bag. WHAT THE! sa description na sinabi ko! His totally a NERD!

************
END OF THE CHAPTER

A Play Between The Bitch And The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon