PANGARAP LANG KITA

47 1 0
                                    

HELLO GUYS! THIS IS MY SECOND STORY ALTHOUGH HINDI PA FINISHED YUNG FIRST STORY KO. I WILL WRITE THIS BECAUSE MY FRIEND INPIRED ME WITH THIS STORY. THIS IS ALL ABOUT A GIRL WHO WANTS TO BE ACCEPTED BY THE BOY SHE LOVES. SOBRANG DAMI MUNA NIYA PAGHIHIRAP BAGO MAPANSIN NG KANYANG ONE AND ONLY TRUE LOVE. PERO NG DUMATING NA ANG ARAW NA YUN, SHE ASKED HERSELF DOES SHE REALLY NEED TO CHANGED WHO REALLY SHE WAS FOR THE PERSON SHE LOVED?

PLEASE JOIN SABINA TO HER JOURNEY AS SHE CONQUER ALL THE OBSTACLE JUST TO BE WITH HER ONE AND TRUE LOVED NATHANIEL.

SABINA'S POV

Umaga na naman, panibagong araw na naman para ako ay bumangon at magsimula ng bagong buhay. (hindi ako preso ha?) Ganito talaga ako kapag umaga, nag momoment muna tapos babangon na at sisimulan ang araw na puno ng paghihirap at pagtitiis.

Ako si Maria Sabina Lopez, 18 years old. wala na ako nanay at tatay. namatay ang nanay ko nung six years old ako. sariwa pa din sa akin isip kung paano nangyari yun. Paano ko ba makakalimutan yun e birthday ko noon.

Nasa labas ako ng bahay namin pinayagan ako lumabas ng mama ko dahil birthday ko naman daw. Bawal kasi ako lumabas ng bahay at makipaglaro. Nasa tabing kalsada kasi ang bahay namin at marami ng bata na kasing edad ko nadisgrasya dahil nasagasaan ng triycle. Masaya ako kasi minsan lang talaga ako makipaglaro sa mga kaibigan ko. Lumipas ang isang oras ng paglalaro ay tinawag na ako ng nanay ko.

"Sabina! Sabina! Pumasok ka na sa loob. Dadating na ang tatay mo baka mapagalitan ka kapag nakita ka nasa labas" sigaw ni nanay.

Kamot-Kamot ang ulo ko habang naglalakad papuntang bahay. Sa kabilang kalsada ako naglalaro kaya tatawid pa ako para maka uwi. Tatawid na sana ako ng maputol ang tsinelas ko. kinabit ko muna bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi inaasahan na pangyayari my triycle na nasiraan ng preno at ang masaklap pa ako na ang punterya. hindi ako makagalaw, ganito pala yun kapag shocked ka na. Pero laking gulat ko ng my tumulak sa akin paalis sa kalsada. Pero lalo akong nagulat ng makita ko kung sino ito. si MAMA!

Ang bilis ng pangyayari natagpuan ko ang sarili ko na nasa hospital lobby at umiiyak. Dead on Arrival na si mama ng dumating kami sa hospital. Sinisisi ko ang sarili ko kung hindi lang sana ako naglaro sa labas, kung hindi lang sana matigas ang ulo ko maraming sana pero, wala na akong magagawa. Patay na si mama.

Nagising ako sa pagbabalik tanaw ko ng tawagin ako ng aking madastra.

"Sabina! Sabina! aba, bumangon ka na dyan. Tanghali na marami ka pa gagawin! Sabina!"

"haay, life ganito na lang yata ang kapalaran ko pero okay lang bawal ako sumimangot. Sabi nga ni mama. Always wear your beautiful smile because it can make you a most beautiful woman even if your tearing apart inside. Inaapply ko yan kasabihan na yan ni mama araw-araw dahil alam ko ang kagandahan ko lang sa loob at panlabas ang magiging sandata ko.


THEODORA'S POV

Lintik na bata yun ah, ang bagal bumangon. Bwisit na bwisit na ako sa anak ng asawa ko na si leandro. Iniwan pa sa akin isa pa sa dagdag pasanin ko ung lintik na sabina na yan!
Pinakasalan ko si leandro matapos mamatay ang asawa nito na si maritess, akala ko magbubuhay reyna ako sapagkat seaman si leandro. Pero sa hindi inaasahan na pangyayari, lumubog ang barko na pinagtatrabahuhan nito at hindi ko na nakita pang muli. wala ako nagawa kundi isama ang bwisit sa buhay ko na si sabina. gusto ko man sya despatsyahin ay hindi ko rin magawa, kelangan ko ng taong bubuhay sa akin. maaring si sabina din ang tutupad sa pangarap ko na mag buhay reyna. Lalo na ngayon gabi, magaganap na ang pagiging reyna ko.

"bakit ba ang bagal mo bumangon bwisit na bata ka ha?" gusto ko sana batukan si sabina kaso hindi muna ngayon. kelangan niya maging maganda mamayang gabi.

PANGARAP LANG KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon