P.O.V. Keicy
Nakahiga lang ako sa kama ko. Nag-iisip nang mga bagay-bagay tungkol sa buhay. Maya-maya napag isipan kong lumabas ang Bored naman kasi ehh.
"oh! Himala lumabas ka ata ngayon keicy" Salubong sa akin sa labas.
Di' rin kasi ako masyadong lumalabas, maliban nalang kung may pasok. Eh, tutal sunday ngayon.
"Naku! Oo nga eh, kakatamad kasi"
"Pati ba naman yan eh! Kinatatamaran mo. Haha"
"hahaha"
Wala Lang, naglakad lakad lang ako. Nang di' ko namalayang may nakabangga ako...
"What the"
"Sorry, di kita nama-..."
"Its ok" maikli nyang sagot
Napatulala lang ako sa kanya. Maputi, Gwapo almost perfect na! yung tipong kahit magalit siya... Cute lang sya. Hanggang sa diko namalayan na nakaalis napala siya.
Maglalakad na sana ako, nang bigla akong may nakita sa paanan ko. Syempre ano ba gagawin ko. Edi! Kinuha ko.
"Ay, wallet?"
Binuksan ko at dun ko nalaman na kay...
"Ay! Kay Mr Pogi!"
Napasigaw nalang ako. Para akong tanga na nakakita ng milyon. Eh! Tutal ... hahaha
Kinuha ko yung picture nya, SHOCKS! Ang gwapo nya... pero picture lang ang kinuha ko noh! Di' ako ganun kasama. Hahaa isasauli ko yung wallet niya.
"Tinignan ko yung address Dito pala siya nakatira! FINALLY" sabi ko sa sarili ko.
Tinago ko yung picture niya sa bulsa ko. Hihihi, Tutal wala naman akong gagawin puntahan ko nalang siya.
Maya-maya pa.
Sa wakas nakarating din' medyo malayo kaya nagcommute pa ko! Pero okay lang makita lang siya . WORTH IT.
Shocks! Laking gulat ko napakalaki nang bahay nila ANG YAMAN YAMAN pala nito. Malapalasyo at halata mo na organized ito. WoW
"Pinindot ko na ang doorbell"
Ilang sandali lang mayroon nang lumabas at pinagbuksan ako.
"Sino po sadya niyo"
kinabahan ako! Muntikan ko nang makalimutan pangalan niya, buti na alala ko
"Si... James po"
"ah! Sige hija tumuloy ka, naliligo pa ata eh."
"Sige po"
YES, FINALLY... ayan na ko! Hahaha
"Tara, dito" sabi ni manang
Di' na ko nagpatumpik-tumpik pa agad kaming umakyat.
"Hala! nandito na ko sa harap nang kwarto niya..." sabi ko sa isip ko at may halong kaba.
"James! May naghahanap sayo" sabi ni manang.
"sandali lang po" sagot ni James.
So excited na ko. Ano kaya sasabihin ko? Gagawin ko? tila' magulo ang isipan ko.
Nang biglang nag salita so manang.
"Ayy! Yung niluluto ko nga pala. Hija iwan na kita dyan." Pag aalala nito.
"sige po! Sanay narin naman ako" biro ko dito!
"Ano hija?"
"ay! wala po."
"Ah! Sige maiwan na kita."
At bumaba na nga ito, ako nalang ang matyagang naghihintay at walang sawang maghihintay. - Banat ni Keicy hahaha.
"Minsan na nga lang ako mag joke di nya pa narinig hahaha."
Muli kong kinatok ang pintuan nang biglang...
"eto na!"
Nang bumungad sa aking harapan si JAMESSSSS. walang pangitaas, mamasamasa pa ang buhok at malalaman mo talaga na bagong ligo.
"Napatulala lang ako"
"oh! Para kang nakakita ng multo"
Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Wala akong masabi.
"Ohhh! Huwag ganyan ahh! bata pa ko" biro nito
"Huh? Ano? Wala ahh! Eh, ah..."
"Ikaw naman di' ka mabiro" sabay tawa.
Napatawa nalang din ako. Nang bigla ko ng naalala ang sadya ko.
"Ay! Oo nga pala eto oh! Nahulog mo ata nung nagkabangga tayo" at inabot ko yung wallet.
"Ay! Hinahanap ko nga rin to ehh, buti nalang ikaw nakapulot."
Sinukliaan ko lang siya ng isang matamis na ngiti.
"Salamat ah!"
"naku! Wala yun, basta para sayo"
"Huh?"
"Wala. Nu kaba naman! Wala!"
"ok, pano ba kita mapapasalamatan?"
"ahh! Wala yun!"
"Sige, kahit ano!"
"Sus, ala nga y-..."
Nagsalita sya bigla...
"Maybe... I invite you for a dinner?"
"Ahh." Pa choosy pa to! Sabi ko sa sarili ko.
"WAG KANANG TUMANGGI PA, bala ka magtatampo ako"
"Sige na nga!"
"Yehey." Ngumiti siya nang pagka- tamistamis. Sobrang CUTE lang.
Pumayag narin ako kasi, sino bang di papayag kung yung sinabi niyang..
"Bala ka! Magtatampo ako!" Tapos paawa effect pa, grabe hihimatayin ata ako sa sobrang cute o gwapo man tawag sa kanya. GRABEE..."Uhm, wait ano nga palang pangalan mo?"
"Keicy, Keicy Salvador"
"Ahh, sige Keicy magbihis lang ako, hatid na kita."
Syempre di nako tatanggi noh! EXCUSE ME! kung ganto naman ka Gwapo maghahatid sa iyo DIBA!
Nagbihis na ito at umalis na kami:
"hatid ko lang po si Keicy, manang"
"Ahh sige! Hijo. Ingat kayo!" Sigaw nito galing sa kusina.
Sumakay na kami sa kanyang kotse, May Gosh this is the luckiest day ever. Pinagbuksan ako nang pinto. Grabe lang talaga.....
Guys, sorry sa mga typo errors ah! Dont forget to vote. Share tour comments whether it's positive or negative. Thanks.

BINABASA MO ANG
Falling, In Love?
RandomPaano nga ba natatagpuan ng bawat isa ang tunay na pagmamahal? Paano nga ba nalalaman ng dalawang nagmamahalan na sila ang itinadhana? Sa bilyong bilyon na tao sa mundo... Matatagpuan mo nga ba ang FOREVER mo? Sa pag-mamahal ano ang paiiralin mo? IS...