They say, friendship is the best kind of relationship that's why when we became close, I asked him one thing...
“''Wag kang mai-inlove saken Owy ha?” sabi ko sa barkada kong si Owy habang nakatambay kami rito sa swing.
“Oo ba,” nakangiting wika niya saken.
“Sure ka?”
“Yeah. Promise, I won't fall.”
Si Owy ang isa sa pinaka-famous na soccer player sa campus. Gitarista rin siya ng campus boy band. Nagkakilala kami nung sumali ako sa school's soccer women team. Siya kasi ang nagti-train samen. I don't know what instantly came pero natagpuan ko na lang ang sarili kong kaibigan siya at masayang nakangiti sa tuwing kasama ko siya.
We became close. From being friends, we became close friends, and now, bestfriends na ba? Ewan. Ayokong gamitin ang term na bestfriends. He became the best guy I've ever met. In fact, siya lang nag-iisang lalakeng kaibigan ko.
Owy never forgets to text me goodnight and always remember to say “sweet dreams." He stands up for me kapag may nang-aaway sa akin. He dedicates a song for me kapag may gig sila ng banda niya. He takes me to movies and eats some popcorns with me. We go to church together. He brushes my hair kapag gulung-gulo ito dahil sa kaka-laro ko ng soccer. He gives me random gifts like flowers, chocolates and others. He hugs me whenever I'm sad. He will walk in the rain with me kapag trip ko. He holds my hands. He laughs with me, even cries with me. He's so sweet...
and damn, I suddenly fell.
They say it hurts when you break up with someone.
It hurts even more when someone breaks up with you.
But for me, love hurts the most when the person you love has no idea about it and you can't even tell him the damn truth about your feelings, gaya ng nararamdaman ko ngayon.
Nang-galing sa bibig ko na dapat eh walang mai-inlove pero at the end ako pa tuloy ang nahulog. Inisip ko na wala naman sigurong masama kung aaminin ko sa kanya at wala rin naman atang masama kung babawiin ko yung sinabi ko sa kanya. Ang mahalaga, malaman niya.
***
One day, lumapit saken si Owy at naisip ko na ito na rin ang tamang time para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko.
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
“Yumi inlove ako,” nakangiting wika niya.
Nagulat ako at hindi ko man lang naitago ang reaksyon ko.
May mahal na pala siya. Ang sakit. Pero kahit na, dapat pa rin niyang malaman ang nararamdaman ko.
Magsasalita sana ako para umamin rin nang maunahan niya ako...
“Wag kang mag-alala Yumi, hindi sayo. Nangako ako di ba?” Hindi na ako nakapagsalita pa.
Bigla kong naalala ang minsang sinabi niya. “Promise, I won't fall.”
Ang sakit pala. Sobra