Kung hindi dahil kay Alesana_Marie at Forgottenglimmer di ako maglalakas loob na gumawa ng fan-fiction ng NTBG ekek na ito. AHAHAHAHA. Pagtyagaan niyo ha. Sexy Al wag kakalimutan ang kapalit, sabay ganun? LOL
Sa mga makakabasa nito……………….Hindi ako si ales kaya please wag kayong mag-comment ng makabasag puso. Inaamin ko di ako kasing galing niya. OKAY??? ^______^
MY POV (Nurse Ami)
“Kumain ka na po. Ipinagluto kita ng adobong manok. Sana magustuhan niyo. Makakatulong po yan sa inyo para lumakas kayo.” Nakahanda na lahat sa mesa, mula sa plato, kubyertos, sa inumin hanggang sa kanin at sa ulam na pinaghirapan kong lutuin. “Gusto niyo po bang subuan ko kayo Sir Top?” Sinabi ko yun habang nilalagayan ng kanin at ulam ang plato nito. Hindi kasi ito kumikibo.
Malakas na tinampal niya ang kamay ko sapat para matabig ko ang basong may lamang tubig. Kumalat ito sa buong mesa. Natapunan pati ang platong nilagyan ko ng kanin at ulam. Buti hindi natapunan ang buong ulam na niluto ko. Pinaghirapan ko rin yun. Di birong pagod ang ibinuhos ko. Ebidensya ang sugat-sugat at paso-paso kung daliri at kamay.
“BULAG LANG AKO PERO HINDI AKO BALDADO!!!!!!! GET OUT OF HERE!!!!! HINDI KTA KELANGAN!!!!! GUSTO KONG MAPAG-ISA!!!! ALISSSSSSSSSSSS!!!!!”
Napapitlag ako sa malakas at paggalit na sigaw nito. Hindi ito ang unang beses na ipinakita nito sa akin ang kagaspangan ng ugali. Tatlong linggo na rin ako sa loob ng resthouse na ito. Tatlong linggo ko na rin siyang pinagtitiisan. Pero ngayon ko lang siya nakitang sobrang galit sa akin.
Panu nga ba ako napunta sa sitwasyon ‘toh? Akala ko ng mapapayag ako ni Sweet na magtrabaho para sa kapatid niya na ayon din dito ay bulag na, mapapadali ang trabaho ko. Pero nagkamali ako. Mas lalong pang humirap. Ubod ng sungit si Top at walang araw na pinapakita nito sa akin na hindi niya ako kelangan, na hindi niya ako gustong kasama dito.
“Sir Top, ginagawa ko lang po ang trabaho ko kaya sana po tratuhin niyo ako ng maayos.” Mahinahon kong sabi. Nanginginig ang kalamnan ko. Hindi makakaila na sa kabila ng pagiging bulag niya, na-maintain nito ang katawan na siguro ay pinagkaguluhan din ng mga babae nung mga panahong hindi pa siya nababalot sa kadiliman. Kaya ano mang oras pwede niya akong pilipitin sa leeg kung gugustuhin nito. “Ang hinihingi ko lamang po sa inyo ay ang inyong kooperasyon. Malaya kayong sigawan ako o ipakita na hindi niyo ako gusto pero sana naman po, tratuhin niyo rin akong tao.”
I saw the disgust in his face. Nakaka-asar. Kahit ganun na ang mukha niya hindi napapalis ang kaguwapuhan taglay nito. Kaya nga kahit sa kabila ng ipinapakita niyang ugali sa akin hindi ko pa rin maiwasang hindi siya magustuhan.
Tama. Gusto ko siya. Gusto ko si Top.
Si Top na bulag. Si Top na masungit. Si Top na naka-angil at laging naka-sigaw sa akin.
Si Top na hindi ko naiwasang gustuhin. Siya na sa tingin ko………………………hindi ko napigilang mahalin.
Possible kaya yun?
Ang mahalin ang lalaking ito sa loob lamang ng tatlong linggo???
Posible nga………………………….DAHIL MAHAL KO NA SIYA. MINAMAHAL KO SIYA.
Unti-unti kong inililigpit ang mga inihanda ko sa mesa. “Hindi ko po kayo pipiliting kumain. Ilalagay ko na lamang sa ref ang mga pagkain. Kung nagugutom kayo, kainin niyo na lang po.”
Hindi ito sumagot. Padarag na tumayo ito mula sa pagkaka-upo. Hindi ko alam kong sadya ang ginawa nito pero binangga niya ako sa balikat. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang yun at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng kalat na ginawa nito. Masyado ko lang ata siyang mahal na ang intindihin siya ang tangi kong magagawa para kahit papanu magustuhan niya rin ako.