Chapter 19
"Ah sht!" Napamura ako nang umikot na agad ang paningin ko pagmulat ko pa lamang ng akin mata. Ramdam ko ang sobrang pag-iinit ng talukap ng mata ko at sobrang panghihina ng katawan ko.
Muling naipikit ko ang mata ko at hinayaan munang kumalma ang buong sistema ko. Ayoko mang tumayo ng kama pero naisip kong baka malalate na ako kaya napilitan din akong tumayo para maligo.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, bumaba na ako agad para mag-agahan kahit na wala naman akong gana.
Pagkababa, sumalubong sa akin ang sobrang tahimik naming kusina. Wala si Tita Son doon na nagluluto palagi ng agahan ko. Sobrang nagtaka naman ako dahil ngayon lamang itong mangyari.
Nabaling ang atensyon ko sa lamesa. May note iyon na nakapatong sa pantakip namin ng pagkain.
Carlo, anak. Umalis na ako papunta sa reunion namin ng mga kaklase ko dati. Nasabi ko na naman iyon sayo dati hindi ba. Naipagluto na kita ng agahan, ubusin mo ha. Mag-iingat ka papuntang school ha utoy?
"Ah!" React ko nang maalalang nagpaalam sa'kin si Tita Son na magkakagrand reunion daw sila ng mga kaklase niya noong kolehiyo. Natapik ko ang noo ko dahil doon. "Ngayon pala 'yun." Pagkausap ko pa sa sarili ko.
Di ko maiwasang mapangiti dahil sa tuwa habang binabasa ulit iyong note. Ngayon lang kasi iyon ginawa ni Tita Son and I can't help thinking how adorable it is.
Binuksan ko iyong takip at lumantad sa paningin ko ang agahan na niluto sa akin ng mahal kong Tita. Sinangag, itlog at tuyo ang mga iyon tulad ng lagi kong agahan araw-araw.
Di naman ako usually mapili sa pagkain pero nawalan ako ng gana nang makakita ng pagkain. Di naman sa nagsasawa ako o dahil sawa na ako sa pagkain. Siguro ay kung maayos lang ang pakiramdam ko ay makakain ko iyon ng walang problema.
Pero bilang konsiderasyon na rin para sa pagluluto ni Tita Son, kumain ako ng kahit konti. Gusto ko sanang ubusin tulad ng sabi nya pero pakiramdam ko kapag pilit pa akong kumain ay maiisuka ko lang din lahat ng iyon.
Nagmamadaling naghugas ng plato at naghiso bago naisipang umalis. Naisipan ko na rin na uminom ng gamot dahil hindi ako tanga at alam ko sa sarili kong masama ang pakiramdam ko. Ilang beses na akong nagkasakit dati kaya alam ko. Ang masama lang dito, palagi akong inaalagaan ni Tita Son sa tuwing sinasamaan ako ng pakiramdam. Ngayon wala sya, kailangan ako ang mag-alaga sa sarili ko.
Mabilis akong nakarating sa school dahil wala namang traffic. Saglit lang akong dumaan sa locker ko para kunin lahat ng gamit na kailangan ko bago pumuntang room. Buti nalang at wala pa akong problemang nakakasalubong ngayong araw dahil alam kong kaya nagkasakit ako ngayon dahil sa sobrang dami ng problema ko ngayon. Siguradong nai-stress na ako sa mga nangyayari.
"Ayos ka lang, Carlo? You look terrible!" Sabi ng isang kaklase ko sa akin pagpasok ko palang ng room.
Kahit wala man akong gana, pilit ko parin syang binigyan ng ngiti at tumango. Nagthumbs-up pa ako para sabihing ayos lang ako.
Nagkibit balikat na lamang sya at bumalik sa ginagawa nya. Ako naman ay umupo na at umub-ob sa desk ko dahil ramdam ko ang sobrang panghihina ng katawan ko at sinasabayan pa iyon ng antok dahil ata sa side-effect ng gamot na iniimon ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...