Chapter 8:
“Hi Joric, kumusta ka? Kumusta naman ang Papi ko?” sabay halik sa noo ng ama.
“Ms. Divine, mabait si Sir today. Di ako pinahirapan nung pinapakain ko.” Malambing na sambit ni Joric.
“Ay ganun ba. Papi, magpakabait na po ikaw ha. Kawawa naman si Nurse Joric pagpinapahirapan nyo.” Paglalambing na turan ni Divine sa ama habang himas himas nito ang mga braso ng ama.
Smile lang ang itinugon ng ama. “Magpagaling na po kayo Pa para makalabas na tayo dito ha.”
“Hi Doc Pogi.” Bungisngis na bati ni Joric sa bagong parating.
Kinabahan si Divine nung matantong may dumating. Di siya makalingon kasi di niya alam paano papakiharapan si Jaime.
“How are you po?” tanong ni Doc Ives kay Mang Serion.
Nakahinga ng maluwag si Divine nung matantong di pala si Jaime ang dumating. Samantala, thumbs up lang ang sinagot ni Mang Serion kay Doc Ives. Di pa nakakapagsalita si Mang Serion kaya puro hand signals lang muna ang ginagawa nito.
“Hello Ms. Divine, you look pale. Are you alright?” pansin ni Dr. Ives kay Divine.
“I’m ok po. Pagod lang sa work. Nagtrabaho na ulit ako simula ngayong araw kasi.”
“You should take some vitamins and dapat you also should eat more. You’re under weight right? Are you having a hard time sleeping based on the dark circles in your eyes?” pagpupuna pa rin ni Dr. Ives sa kanya.
“Medyo po. Pagod lang po siguro ito.” Sagot ni Divine at may idudugtong pa sana siya sa nung marining ang mahinang tili ni Nurse Joric.
“Ay dalawang poging doktor ang nandito. Wow! Ang haba haba ng hair ko! Abot siya hanggang dulo!” sabay muwestra nitong mahaba daw ang buhok niya at kunyaring hinihila kasi natapakan.
Tumawa ang lahat ng nandun kasama si Mang Serafin maliban kay Divine na biglang nag hindi makagalaw nung naramdaman ang presensya ni Jaime. Kaya na ba niyang harapin ito?
“Kumusta na po Mang Serafin?” lumpait si Jaime sa pasyente at sinimulan nitong tingnan ang progreso nito. Pati ulong inoperahan ay sinipat din ng binatang doktor. “May nararamdamang ba kayong sakit?” habang may mga kinakapa ito.
Iling lang ang naging sagot ni Mang Serafin. Sumenyas ito na gusto magsulat at dali-daling binigyan ito ni Nurse Joric ng pansulat at papel.
Isang malaking salamat ang sinulat ni Mang Serafin at pinakita ito kay Jaime sabay ngiti dito. “Walang anuman po. Magpagaling po kayo ha.” nakangiting sambit ni Jaime. Nanatiling tahimik pa rin si Divine. Di niya matingnan man lang sa mata si Jaime.
Nakaalis na kanina pa si Ives kasi tinawag ito sa ER Si Nurse Joric naman ay lumabas muna para kunin ang gamot ni Mang Serion na kasalukuyang natutulog.
Nananatiling tahimik ang dalawa at kapwa nagpakiramdaman. Binasag ni Jaime ang katahimikan nung tanungin niya si Divine kung kumakain na ba ito. Isang iling lang ang sinagot ng dalaga. Inimbita siya ni Jaime na kumain ng hapunan pero tumangi ang dalaga. Inulit ni Jaime ang imbitasyon na tyempo naman sa pagdating ni Nurse Joric.

BINABASA MO ANG
TERRIFIED YET IN LOVE (a JAEVON FF) - Part II
FanfictionPaano kung isang araw ay makita mong muli ang lalaking muntik ng sumira sa buhay mo? Paano kung isang araw ay makita mong muli ang babaeng minsan ng humadlang sa mga pangarap mo? Paano kung sa isang iglap ay bumaliktad ang mundo at ang lalaking munt...