Chapter 0

19 1 4
                                    

It was a rainy day, like today. Nakilala kita in this exact place. When I first met you, I thought na ikaw na talaga. Because this is the first time I felt this way, Im itching to talk to you pero nauunahan ako ng kaba. Pero unti unti akong kumuha ng lakas , sino ba naman ang magsasayang ng pagkakataon para makilala ang tao na sa tingin mo ay magpapasaya sayo diba ?

So I sat beside you, pinayungan kita, thinking what to say, then I grabbed the opportunity and nag hi ako sayo. Akala ko wala kang pakielam sa akin then suddenly, you smiled at me. You're so beautiful, you're like a princess to me. Nag hello ka then tinanong kita kung ok ka lang ba kasi wala akong maisip na sasabihin. I dont know pero napahaba ang usapan natin nun. It was like a great day for me and I was able to get your phone number.

After natin magkwentuhan, hinatid na kita dahil malakas pa yung ulan, then pagkauwi ko. tinext ko naman kita. Tuloy tuloy ang usapan natin until the next day , then the day after that and then after that. Parang di tayo nagkakasawaan sa isa't isa .

Sometimes nagkikita tayo. Hanggang sa nakapagipon na ko ng lakas at sinabi ko sayo ang tunay kong nararamdaman. You seem happy sa mga sinabi ko , pero natakot ako na baka may magbago sa atin. But that didnt happen, walang nagbago, ganun parin tayo gaya ng dati, and that made me so happy.

Niligawan ko kita, then after 2 years, sinagot mo na ko. Sobrang worth it yung paghintay ko sayo. Well syempre, hindi maiiwasan ang away at tampuhan, pero we both tried our best para agad tayong magkaayos.

Minsan, tumatambay tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita, nakaupo lang tayo sa bench habang nagkukwentuhan. Then we made a promise to each other. Once makatapos tayo at makapagipon ng maraming pera, magpapakasal tayo the same day na una tayong nagkita and magpapakasal tayo sa simbahan ng school natin. We both agreed and parang wala nang makakasira sa promise na yon .

Were both so happy, parang perfect couple na nga tayo and like walang makakapaghiwalay sa ating dalawa. inaaway mo nga lahat ng babaeng nangaakit sa akin eh, and inaaway ko rin lahat ng lalaking sinusubukang kunin ka.

Inisip ko na hindi pala imposibleng magkaroon ng perfect na love story, and its happening to me right now, I could'nt ask for more.

Then one day, kailangan kong pumunta ng ibang bansa para magpatuloy ng pagaaral, syempre tumutol muna ako pero kailangan kong sumunod sa parents ko. I told you about that and you're quite happy for me pero malungkot ka din dahil magkakalayo tayo. I told you to be strong and wait for me until I came back. You agreed and you hugged me so tight na parang hindi na ulit tayo magkikita. Then I kissed you on the forehead saying that I'll be back, and I gave you a necklace for you to remember me. Then I left.

Eventhough magkalayo tayo, I see to it na lagi ko kitang makikita at makakausap through skype or something na makakapagconnect sa ating dalawa.

One day, while were talking through skype, you told me something that totally broke my heart. sinabi mo na nahihirapan ka na, mas gusto mo yung dati na lagi tayong nagkikita at nagkukwentuhan. iyak ka ng iyak but I explained you everything, but you cant take it so you broke up with me, just like that, within that moment, everything was over.

No communications at all, I started seeing other girls but you're always inside my mind. Kahit na maraming ipinapakilala ang mga kaibigan ko sa akin, ikaw parin ang laman ng puso ko.

Years passed, umuwi na ako sa Pilipinas, wishing I could see you again. Pareho na tayong nakapagtapos and I think, were both successful enough to have our own family. Pero di na ulit kita nakita.

One day, the same day we first met. pumunta ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Nagbabakasakali na baka paglaruan tayo ng tadhana. Naghintay ako doon, pero wala ka talaga eh.

Maya maya, pumunta ako sa school naten. Marami nang nagbago pero maganda parin and it brings back memories. Bumisita ako sa simbahan kung saan natin balak magpakasal, then biglang may dumaan na puting kotse sa harapan ng simbahan, balak ko sanang silipin kaso nakakahiya naman, andami pa namang tao. Then maya maya, may lumabas na isang babaeng naka gown. Ang ganda niya, and her necklace reassembles the one I gave you before I left, then narealized kong, ikaw na pala yun.

Ikakasal ka na. I never thought na matutupad na yung pangarap mo na makasal sa simbahan ng school naten. Pero hindi na saken, sa ibang tao na.

You look so happy, and yung mga ngiti mo, parang ngiti mo rin sa tuwing nagkikita tayo dati. And yung mga luha mo, parang luha mo rin nung sinabi ko sayo kung gaano ako kaswerte nung nakilala kita. Ikaw na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko na nakagown. Im so happy for you, pero kasabay non ang unti unting pagkadurog ng puso ko habang nakikita kitang maglakad sa altar.

Gusto ko sanang tumutol, but I cant. Gusto ko sanang awayin yang lalake na sinusubukang kunin ka, gaya ng dati kong ginagawa nung tayo pa. Pero naalala ko, hindi ka na pala sa akin , sa kanya ka na pala .

Ako pala ang dapat awayin dahil ako ang sumusubok na kuhanin ka ulit.

Unti unti akong umatras, dahil baka masira ko ang moment mo pag nakita mo pa ko. nakakita ako ng magandang pwesto sa likod at doon muna ako nanood dahil gusto kong makita ang pinakamahalagang pangyayari sa buhay mo kahit sobrang nasasaktan na ko. The way you look at your groom makes me so jealous because thats the way you look at me when we are still together.

Biglang nagflashback sakin yung mga masasayang araw nung magkasama pa tayo. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko na pwedeng guluhin ang buhay mo dahil ngayon ay masaya ka na. Kaya umalis na ko at di na ako nagpakita.

Hindi ko akalaing yun na ang magiging huling yakap mo sa akin. And Im quite happy that you hugged me so tight that day.

Pumunta ako sa favorite tambayan natin at biglang bumagsak ang ulan. naalala ko na umuulan din nung una tayong nagkakilala, and sobrang saya ko noon, pero ngayon, sobrang kalungkutan ang nadarama ko. Biglang bumagsak ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ng ulan.

Inisip ko na today could be our wedding. But no, its only your's.

Kung meron man akong pinagsisisihan, yun ay yung pinakawalan kita. Pero nagpapasalamat parin ako, dahil sa kabila ng kaligayahan mo dahil natupad mo na ang pangarap mo, naaalala mo parin ako diyan sa puso mo, na kahit wala na ako sa tabi mo, naging parte parin ako ng buhay mo.

Siguro hindi naging perfect ang love story natin. pero nagpapasalamat parin ako, dahil sayo, marami akong natutunan.

Paalam.

END

Goodbye [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon