Maingay, sigaw dito at sigaw doon, usap diyan at usap doon, puno ng halakhak at tawanan ang loob ng cafeteria nila. Hindi tuloy maiwasan ni Kyungsoo na hilutin ang kaniyang sintido dahil kakatapos nga lang ng trigometry nila at ito na agad ang tumambad sakaniya. Dagdag sakit ng ulo. Grabe, gusto niya na nga sumabog sa gitna at pagmumura-murahin ang mga estudyante na kanina pa dada ng dada. Hindi niya alam kung nasa cafeteria ba talaga siya, parang kasi nasa sabungan siya.
Bumuntong-hininga nalang si Kyungsoo at hinigpitan ang hawak sa tray kung saan doon nakalagay ang pagkain na binili niya. Dahil diet siya ngayon, pinili niyang kainin muna ang salad na nasa menu ng cafeteria nila.
Naghahahanap siya ng upuan ng maaninag niya ang kamay na kumakaway sakaniya.
Byun Baekhyun.
Dagdag sakit ng ulo.
Ngunit wala siyang choice, wala naman kasi siyang ibang kaibigan kundi si Baekhyun. Tinungo niya ang lamesa ni Baekhyun at doon niya napag-tanto na naroon sila Chanyeol at Sehun, tinaasan niya ng kilay si Baekhyun bago siya maupo at siniko naman niya ito ng makaupo na siya.
Tinignan siya ni Baekhyun at may malaking ngiti ang matalik niyang kaibigan sakanya, lumapit ito sakaniya at bumulong sa tainga niya. "Tutulungan ko na makuha ni Sehun si Chanyeol, ssh," Kampante at determinadong saad nito sa tainga niya at pagkatapos ng ilang segundo ay doon lang napagtanto ni Kyungsoo ang ibig sabihin ni Baekhyun.
Well, Sehun had the biggest crush on Park Chanyeolㅡ at nagkataon na mag-kaibigan sina Chanyeol at Baekhyun. Madali lang naman kasi kaibiganin si Chanyeol dahil sa outgoing personality ng binata. Kaya nga ng malaman niya na may gusto si Sehun sa matangkad nitong kaklase ay agad itong gumawa ng plano para magka-mabutihan ang dalawa dahil ganoon kabait na kaibigan si Baekhyun. Dinadahilan rin ng matalik niyang kaibigan na masarap tumulong sa ibang tao at worth it ang resulta. Reresbakan naman niya naman ito ng kaya hanggang ngayon single ka parin eh na ikakapula naman ni Baekhyun at ikakatahimik nito.
Hindi mapigilan ni Kyungsoo na silipin ang dalawang dapat magkatuluyan na nasa harapan niya. Nakita niya na nag-uusap ang dalawa at todo ngiti si Chanyeol sa bawat sagot ni Sehun. Nagulat nga siya ng marinig magsalita si Sehun dahil hindi naman ito talker. Kilala nga ito bilang sa pinaka-tahimik na estudyante sa eskwelahan nila. Kilala ito na kakausapin ka lang kapag may kailangan siyang sabihin sayo o kapag no choice na siya na kausapin ka o tanungin ka. Naalala ni Kyungsoo na na-ikuwento sakaniya ni Baekhyun na noong last camping ng binata kasama ang klase niya at may nag-locked kay Sehun sa abandonadong bahay, hindi ito sumigaw o humingi ng tulong kundi ay nakita nila itong mahimbing na natutulog kina-umagahan.
Unbelievable.
Magiging good influence si Chanyeol kung magiging sila 'man ni Sehun. Kaya hindi niya na pipigilan si Baekhyun sa mga plano nito. Syaka, narinig niya rin na bisexual si Chanyeol kaya wala talagang magiging problema, kapag nagkataon. Ang problema nalang ay ang ipa-fall si Chanyeol sa nakakabatang binata.
Paubos na ang salad niya na marinig niya ang kaluskos ng pinaambanteng upuan, lahat sila ay tumingala sa napaka-tangkad na si Chanyeol. May ngiti ito na nakakalat sa mukha niya at kanan niyang kamay ay nasa batok niya. Binuka niya ang bibig niya upang magsabi ng paalam. "I need to go. Practice. You know, Basketball."
Nang marinig iyon ni Sehun, umiwas ito ng tingin at tumingin sa malayo. Halata ito na malungkot sa nalaman niya. Si Baekhyun naman ay sumimangot at tumayo sa ibabaw ng lamesa upang mapantayan si Chanyeol na kinagulat ni Kyungsoo. Pinagtitinginan na sila ng mga iba pang kumakain at siguro iniisip kung gaano sila ka-weird o ka-creepy.
"No," Madiin na linaw ni Baekhyun at nakakunot ang noo nito, nakatitig si Chanyeol sa maliit na binata at muntikan na siya mabulunan ng mapansin ang medyong pagka-pula ng tainga ni Chanyeol ng marinig ang sunod na salita ni Baekhyun. "Ayoko na umalis ka. Pwede ka ba namin panoorin?" Kahit na patanong ang tono ni Baekhyun, alam nilaㅡ nilang lahat na bawal tumanggi.
BINABASA MO ANG
Dumb And Dumber (Chanbaek)
RomanceBaekhyun believes that Sehun likes Chanyeol and wants to be a cupid and hook the two up. Kyungsoo is tired watching how oblivious his best friend is; when its completely obvious that Chanyeol likes him as much as the taller likes snapchat. And Sehun...