Chapter 1

5 2 0
                                    


Isang napakadilim na gabi,
tahimik.
Malamig ang simoy ng hangin.
At tanging ilaw na nanggagaling sa poste ang nagbibigay ng ilaw sa kadiliman.

Isang lalaki ang aking nakita, ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito dahil ito'y nakatayo sa madilim na bahagi ng gubat.

Hikbi ng babae ang tanging maririnig,
at ang babaeng iyon ay ako.
Isang lalaki ang mahigpit na nakahawak sakin, at ang baril nito'y nakatutok sa akin.
Pilit akong kumakawala sa hawak nito ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa.

Bang!

Bigla akong nagising dahil sa isang masamang panaginip. Agad kong pinunasan ang pawis na nagbabadyang tumulo sa aking noo.

Masamang panaginip na naman. Alas 2 pa lamang. Tumayo ako mula sa aking higaan at agad na bumaba papunta ng kusina upang uminom ng tubig.

Bigla akong napalingon ng biglang may nagbukas ng ilaw. Ito ang aking nakakatandang kapatid.

Nightmare again?

Tanong nito kaya agad naman akong tumango.

Binigyan niya ako ng isang malungkot na tingin. Ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin.

Nakatayo lamang kami ng tahimik doon, walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.

Just go back to sleep, Ciara. Don't worry. Things will be fine.

Saad ng aking kapatid. Tumango ako bilang sagot dito. Inilagay ko ang basong ginamit ko sa lababo bago tumalikod upang bumalik sa aking kwarto.

Ciara

Tawag nito sa akin kaya agad akong napahinto sa paglalakad.

Do you want me to sleep with you?

Ngunit iniling ko lamang ang aking ulo.

Don't worry Lance. I'm fine.

Pangungumbinsi ko dito kahit na ang totoo ay hindi talaga.

The secret behind the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon