Chapter 1: Eto Kami

54 2 2
                                    

(Edward's P.O.V)

"Isabella! antagal mo naman ha? kanina pa ko dito!" sigaw ko. pano ba naman kasi, mag dadalawang oras na yata ako dito, hindi pa rin siya bumababa, Ang nice diba? Mga babae nga naman oo! ano ba yan, nagpapaganda para sakin? jokiee!

"oo na po! heto na oh!" habang bumababa siya sa hagdan, wow! ang ganda syet! parang may anghel na bumababa sa hagdan!

"oh! ano tinitingin-tingin mo diyan? nagandahan ka sakin no? HAHA!" tanong niya. di ko napansin na nakatulala na pala ako sa kanya, agad naman ako nakabawi sa pagkatulala at sinabing....

" Hindi no! Ampanget mo kaya, antagal-tagal mo tapos ganyan itsura mo?" Joke lang oy! May anghel dito syet!

"Ay ganun? Kala ko pa naman magugustuhan mo *pout*" Ha? Ano raw? Magugustuhan ko? So meaning, nagpaganda siya para sakin?

"Nagpaganda ka para sakin?" Tanong ko.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin, nagpaganda ako para sa parents mo no!" Ay :/ kala ko pa naman.

"Tara na nga!" Sabi niya sabay higit niya sakin palabas ng bahay nila.

Hayy! Sa dinami-rami nga naman kasi ng babae, bakit ang pinakamamahal ko pa ang di maka appreciate sakin?, sino mahal ko? Siyempre, sino pa, edi ang BESTFRIEND kong si ISABELLA MARIE SWAN! Nako. Hearthrob ako sa campus, madalas na pinagkakaguluhan pero, dito ako sa bestfriend ko nahulog eh!

Nga pala, ako si EDWARD CULLEN, kalahating tao, kalahating Bampira Jokiee! E. sa yon ang pangalang ibinigay sakin ng nanay ko eh, may angal?! 17 yrs. old na ko, kababata at tanging babaeng bestfriend ko si Isabella. May kaya ang pamilya namin, kaya nga nakapag-aral ako sa DeLasalle U., ka-batch ko lang si Bella pero di kaklase. Engineering ako, siya naman eh Journalism. Mahilig kasing mag-sulat ng kung ano-ano si Bella e. ay! Bat ba puro bella? Tsk. Kung matanong niyo kung bakit ako pumunta sa bahay nila, ay yun ay para sunduin siya sa isang get-together ng mga pamilya namin. Oo! Magkakakilala pamilya namin, Botong-boto nga si papa kay bella eh kaso mukang magkaka-problema ako kay bella, E. pano, na cucute-an daw niya yung kaklase ko -.- anubanamang!

"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo VAMPY!" Nabalik lang ako sa realidad ng sabihin niya yan sakin! ANO DAW? VAMPY? WHAT THE?!

"Hoy! Anong vampy?" Tanong ko.

"Short for Bampira HAHAHA!" Aba? Tumawa pa!

"Tch." Yan lang ang maisasagot ko, speechless ako eh, tawagin ba naman akong Vampy? Pwede namang Love, Honey, Babe o Pangga! Syet ka Bella! Syet ka!

Nakarating na kami sa bahay namin at agad naman kaming sinalubong ni Mama

"Oh iha, buti nakarating ka, antagal na nating di nagkikita pero okay lang kasi alam kong safe ka dahil madalas kang kinukwento ni Edward samin." Oh! Mama! Balak mo pa ata akong ibuking? Huhu! Lord! Help me please!

"Po? Madalas nakekwento?" Tanong ni bella. Mama! Gumawa ka ng paraan! Please! Sana maalala mo na secret lang yun! Secret lang!

"Ay! Oo kasi madalas ka naming tinatanong kay edward, kaya no choice kundi magbida siya." WOOH! I feel relieved! Thank you mama naalala mo, thank you Lord! Pinaalala mo sa kanya!

"Ah ganun po ba? Baka kung ano-ano po binibida ni Vam---este ni Edward sakin, Ikaw edward ha!" Nako! Ayan na naman yang Vampy na yan! Juskuu!

"Nako. Mabuti pa, kumain na kayo! Hala! Pasok na!" Sabi ni mama.

"Ah. Okay po tita" sabi naman ni Bella.

At ayun, pumasok na kami at kumain, siyempre gentleman ako kaya kinuha ko siya ng pagkain at habang kumakain kami......

Friendship turns into RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon