08/20/13 Tuesday 8:17 PM
Assumptions
Nyetang assumptions.
Pakshet lang.
Hindi niyo ba naisip kung bakit pa nag-e-exist ang salitang assumption? Bakit ba nararamdaman ng isang tao yan? Bakit ba naimbento yan?
Ano?
Para saktan damdamin ng mga tao?
Pesteng assumptions.
Assumption – an assuming that something is true.
10 letters. 1 word. Isang salita lang pero malaki ang dulot saten. Somehow, it makes us think that the things we cannot have are ours. Tapos ano? Pagkatapos natin isipin na saten yun isasampal satin yung katotohanan na hindi talaga satin yun? Tapos masasaktan tayo? NAKO, NO THANKS!
Admit it or not, every one of us had many assumptions about something especially pag dating sa pag-ibig. Oh, itsura mo! Baka nakokornihan ka na. Kung oo, close button is in the upper right corner of your computer screen. Kung hinde, aba, high-five! Sumasang-ayon ka. Pero sa unang basa, korni yung sinabi ko. Pag-ibig and assumptions nagsama sa isang sentence? YAAAAAK.
Halimbawa nalang. May isang tao na lihim na minamahal yung si boy. Ginagawa ng girl ang lahat para maramdaman ni boy yung love niya. Pero sadyang anaesthesia ang dugo ni boy kaya hindi niya ramdam. Tapos itong si boy eh nagpost sa Fb ng ‘Makita lang kita, buo na araw ko.’ Ang korni diba? Tapos sweet pa si boy sa girl sa personal. Ito si girl eh hindi alam kung anong mararamdaman. Maiinis ba kasi may iba siya o kikiligin dahil she assumes na siya yung sinasabihan sa status ni boy. Ang gulo diba? Tapos ayun! Dumating yung araw na nalaman na ng mga tao sa Fb kung sino yung mystery girl ni boy. At tentenenen! Hindi si girl yon. Aww, sad story.
Tapos si girl nasaktan! Hala! Eh anong tawag don?
ASSUMERA. ASSUMING. LAHAT NA NG RELATED SA SALITANG ASSUMPTIONS.
Nakakaimbyerna diba? Yung totoo? Ano ba talaga ang purpose ng salitang assumptions?
Actually, marami akong iba pang terms sa assumptions. Katulad nalang ng hopes and expectations. Isipin niyo, assumptions, hopes and expectations. Tapos ano kalaban nila? Edi walang iba kundi ang reality! At kapag nasampal tayo ng reality, masasaktan tayo at dadating ang walang kamatayang ‘Akala ko kasi…’
Wow, galing mo talaga reality. Talo mo na nga sila, nakasakit ka pa ng damdamin.
On the other hand, hindi naman mangyayari ang assumptions, hopes and expectations kung walang MGA TAONG PAASA SA TABI-TABI. Oh, caps lock na para dama niyo! Intense ba?
Hindi ka ba magkakaroon ng pag-asa kung sinabi niyang pwede pa?
Hindi ka ba mag-e-expect kung ipaparamdam niya?
Hindi ka ba mag-a-assume kung nagpapakita siya ng motibo?
DI BA HINDI ANG SAGOT?!
Oh? Tapos sasabihin niyo kasalanan namin na nag-a-assume kami. Na ke-taas-taas ng ng hopes namin tapos false naman. Na masyado kaming nag-e-expect. Na masyado kaming umaasa sa mga bagay na hindi mangyayari o walang kasiguraduhan kung mangyayari talaga.
Bago kayo magsabi ng ‘assuming!’ sa isang tao, tignan niyo muna kung bakit siya naging ganun. Hindi naman kasi ‘trip-trip’ lang yan! Ano yon, trip lang din niya masaktan? DEFINE MASOCHIST! Ito pa, lahat ng tao ay may kanya-kanyang past kung bakit sila ganyan sa panahon ngayon. Kumbaga sabi nga nila “The choice I made yesterday is the reason who I am today.”
Pero ako? May iba akong meaning ng assumptions. May iba akong dahilan kung naimbento ang salitang assumptions.
For me, assumptions are the distinguisher between the things we can have and the things we cannot have. Naimbento yan hindi para saktan ang isang tao. Naimbento yan para matuto tayo ng ‘hanggang dito lang ako’ o kaya ‘dapat akong makuntento sa kung anong meron ako.’ Oo, masasaktan tayo pero the pain can make us wiser than before. At some point, maiiwasan natin ang assumptions at magiging immune tayo sa sakit kung saka-sakali. Naimbento yan para malaman ng mga tao na hindi lahat ng gusto nila eh nakukuha nila sa isang iglap, o kahit paghirapan nila yun.
Dahil hanggang assume lang sila.
Oo, aaminin ko.
Nag-assume na ako. A lot of times.
"Less assumptions, less care, less expectations, less hopes, less disappointments and less pain."
Ikaw?
Nag-assumed ka na ba?