May isang paslit ang nagtanong sakin habang akoy nakahiga aT nag-iisip (kahIt waLA naMaNg iniisip)..sabi nya 'bat ka ba alis ng alis?'..Napaisip ako muli, bakit nga ba?..ah alam ko na,kaya ako umaalis ay para tumuklas ng mga bagong kaalaman, pag aralan ang takbo ng lipunan sa pamamagitan ng paglahok sa mga isyung pambayan at pag obserba sa mga kaganapan sa kapaligiran,nais ko ding hanapin ang mga sagot sa aking mga katanungan at higit sa lahat naniniwala ako na di dapat sagkaan ang paglalakbay para hanapin ang sarili sa kabila ng pagiging isang INA, ASAWA, KAPATID, ANAK....ang bawat hakbang ko ay kabuuan ng buhay ko, bawat madadaan ko ay bahagi ng karunungan ko...ayaw kong ikahon ang sarili ko sa dinidikta ng iba o itinutur0 ng bulok na sistema. Alamin ang kabuluhan ko at ituring ang kada araw na bag0ng simula..tama yan nga ang dahilan... buti nalang ngay0n alam ko na din ang sagot...di ko lang alam kung ang paslit na kausap ko ay nauunawaan ang sinasabi ko..maaring wala pa siyang naiintindihan sa ngay0n o maarIng kahit pano may tumatak na sa isip nya..maaring makatulong upang mahulma sa batang isipan nya na kelangan nyang maging matatag sa hinaharap, maging mabuting mamamayan o kaya maging isang lider tungo sa pagbabago...anot ano pa man sa ngayon ang tanging alam lang nya ay magtanong...pagtapos ng mahabang pag iisip muli akong bumalik sa hinihigaan ko, muling nagisip ng maiisip (ugaLi ko na aTA un) at sa ganung eksena mamalayan ko nalang na tulog na pala ako..........KNOCK oUT!!!