Chapter Four

40 3 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. As in my jaw dropped, is it true? Am I dreaming? Parang hindi pa talaga mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa ko. Medyo natakot rin ako kalaunan kasi baka mamaya may saltik lang ang nagsulat nito tsaka baka hindi ako yung taong binabanggit niya! Hello! milyon-milyon kaya ang tao dito sa Pilipinas malay mo baka mamaya may kapareho lang ako ng pangalan pero malakas talaga ang pakiramdam ko na kilalang-kilala ko ang taong nagsulat nito. Instinct lang diba! Palinga-linga ako para hanapin yung taong yun'.

             Shine! , boses na nangagaling sa likuran ko kaya bigla akong napahinto. Unti-unti akong humarap sa likuran ko. Napanganga naman ako sa gulat nang mapagtanto ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
             'Y-You know me? nauutal kong tanong sa isang lalaking kaharap ko ngayon. "Yeah, I know you" saad nya.
Bakit parang gulat na gulat ka yata? Kilala mo rin ba ako? aniya na nagtataka pa. Parang halata kasi sa mukha mo na kilala mo na ako?

         Ah-eh,' ano sa mukha lang, pamilyar kasi yung mukha mo, kasi naman palagi kitang nakikita dito every Sunday, nauutal kong sagot.

        Yeah! It's because of you! Nabasa mo na pala yung libro. Siguro tapos ka na?

HUh"? Ah! naguguluhan pa talaga ako kung anung pinagsasabi niya.

 "Kung kilala mo ko, pwede bang makilala rin kita ng masinsinan?"magalang kong tanong sa kanya,unfair naman kung siya lang ang nakakakilala sakin samantalang ako hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko muna iniintindi kung paano niya ako nakilala basta ang importante malaman ko kung ano ang pangalan niya.

        Oops, by the way I'm Heinrich Lee. Sabay lahad ng kamay niya, tinugon ko naman agad iyon.    
"He-Heinrich Lee....???  Iniisip ko parang may connection to eh!!! Heinrich Lee parang nakita ko na yun,di ko nga lang alam kung paano at kung saan.

  Tama! tiningnan ko ulit yung libro, may initials na H.L. Hindi ako mapakali, I just wanted to make it sure.  Pu-pwede bang pasulat ng name mo? Hiling ko sa kaniya sabay abot ng papel at ballpen.
Unti-unting bumubuka yung bibig habang sinusulat nya ang pangalan niya. Ganuon nalang ang gulat ko ng makita ang kabuuan ng penmanship niya. "We-wait lang, pamilyar ang sulat ng supermodel na ito ah! Tiningnan ko ulit yung note sa libro. Pabalik-balik ang tingin ko sa papel at sa libro.

BookstoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon