CHAPTER 3
“Mom look. ( itinaas ko yung red na dress na may glitters ) Bagay ba to sakin?”
-Nagsmile si Mommy at nag nod sa akin. Ano ba yan parang di naman naappreciate ni Mommy -___-
Lumabas ako para para ipakita kay Daddy kung bagay ba talaga sa akin.
Nakita ko si Daddy na nasa living room at nakaayos na at suot ang kanyang Blue Tuxedo at Black na necktie. Ang gwapo talaga ni Daddy..
“Princess you’re here. Bakit hindi kapa nakaayos?”
-Lumapit ako kay Daddy binitawan ko sa sofa yung dress sabay ayos sa neck tie niya.
Nagsmile siya sa akin at sabay tap sa ulo ko at gulo sa buhok ko >.< Daddy talaga!
Kinuha ko yung dress at ipinakita sakanya..
“Dad bagay ba?”
“Princess! You are gorgeous! Dalaga na talaga ang princess ko!”
-Sabay yakap niya sa akin..
Napatigil ako at napaisip. Bakit si Mommy may mga times na ang layo ng loob niya sa akin? Kaya minsan naisip ko mas naiintindihan ako ni Dad kaysa kay Mom.
“Princess? What’s wrong?”
-Hinawakan niya ako sa chin at iniharap ang mukha ko sakanya.
“Ahh. Hehe. Nothing Dad. Akyat na po ako mag-aayos pa po ako”
-Pabalik na ako sa room ko..
“Princess! If you have problems just tell me okay? I’m always here for you. You are not alone. Baka mabaliw ka pag sinarili mo yan sige! Hahaha No, just kidding basta your dad is always here huh?”
-Nagsmile ako at lumapit kay Dad sabay hug ng mahigpit. Kaya love na love ko siya the best siya!
Umakyat na ako para isuot yung napili kong damit. Isinantabi ko muna yung gumugulo sa isip ko . ayokong masira araw ko.
******
Natapos ang biyahe ng walang imikan sa kotse. Nasa isang malaking restaurant kami na pag mamay-ari nina Ninong Jacob.. El Grande Montero Hotel and Restaurant ata yung pangalan..
Nakahawak ako sa braso ni Dad nasa pagitan nila ako ni Mom habang naglalakad .
“Goomorning Ma’am and Sir, this way po.”
-Salubong naman samin, I think Manager siya ng Hotel.
Habang papalapit kami nakita ko ang pamilyar na mukha. Tama! Siya nga si Ninong Jacob siya yung sa picture. Lumapit siya sa amin.
“Robert long time no see!”
-Lumapit siya kay Dad at nagyakapan silang dalawa..
“Hello Jean kumusta na?”
-Bati naman niya kay Mom at nagbeso-beso sila..
“Robert! Who is this young beautiful slash gorgeous woman in front of me?”
-Tumingin sila sakin. Ang cute naman magsalita ni Ninong parang bagets lang..
“Hello po Ninong Jacob ^____^ “
-Nagmano ako sakanya at bineso beso siya..
“So, Siya na si Rhian na nung huli kong makita tumutulo pa ang sipon? Haha All rumors are true. Totoo nga ang ganda ng anak niyo Robert!”
-Nakangiti sila lahat sa akin except kay Mom parang pilit lang siya ngumiti..
“Thank you po Ninong ^____^”
“Iha, don’t call me Ninong just call me Tito instead okay? Para kasing lalo akong tumatanda. Haha. By the way take a seat first”
-Nagsi upuan na kami.
Tito Dad Mom
------------------------
Ako
“Dad. Can you sit here?”
-Pano kasi wala akong katabi nasa isang sulok lahat sila..
“Sorry Princess but that’s Jake’s place he will sit beside you diba Jacob?”
-Nakangiti silang lahat sa akin. -______-
“Ohh. Jacob where is Samantha? And jake? Where are they?”-Mom
-Oo nga nu. Wala si Jake and yung Mommy niya si Tito lang nadatnan namin.
“Ohh. Malapit na sila don’t worry. Excited na nga si Sam eh! Excited daw makakwentuhan ka Jean. Haha mga babae talaga!”
“Really? Excited na din ako! It’s been a long time nung magkausap kami nung araw na yun napag-usapan namin yung tungkol sa mga anak natin. Hahaha”
-Ano daw? 1 year old palang kami nun ano kaya yung pinag usapan nila?
“Ohh nandito na sila!”
-Sabay tingin nila lahat sa may entrance ng hotel.
Teka! Ano yun. Pagbukas ko sa bag ko nakita ko yung cellphone ko kaya naman pala ngvivibrate tumatawag si Andrea. Ano ba problema ng beking to..
Tumayo muna ako sa kinauupuan ko at lumayo ng kaunti para masagot yung tawag ni Andrea..
“Hello! Baaaklaaaaa!! Kumusta date mo? Ano ha? Gwapo ba? Papables ba? May abs ba? Parang Taylor Lautner ba?!! Hihihi.”
-Ano daw? 0___0 ako nga hindi ako nagexpect ng ganung bagay! Grabe tlaga to mag-isip!
“Hoy Andrew na bading! Magtigil ka ahh. Hindi ko pa nga siya nakikita eh. Kadarating palang nila tapos saktong tumawag ka kaya hindi ko pa siya nakikita!”
“Ayyy! Sorry naman! Ah basta! Bakla! Balitaan mo ako ah? Chupi na ako. Byebye enjoy! Ohh lalalala. Hahahaha”
*toooot*
-Grabe naman si Andrea! Hahaha pero infairness natatawa ako sa ohh lalala niya! Hahaha Mkabalik na nga!
“Ohh. Princess you’re here where have you been? Your Tita Sam is looking for you.”
-Sabi ni Dad sakin pagbalik ko sa table.
“Oh my God! Robert Jean! Siya naba ang prinsesa niyo? She is gorgeous! Come here iha! I am your Tita Sam!”
-Lumapit ako kay tita at bineso-beso ko siya..
May napansin akong nakatalikod na lalaki si Jake na ata siya..
“Hello po Tita Sam ^____^”
“You are very beautiful iha. Bagay kayo ni Jake. By the way iha meet my son your soon to be husband. Hihi. ( kinalbit niya si Jake at humarap sa akin ) Rhian he is Jake our son ^_____^”
-Dahan-dahan siyang humarap at napansin kong may dala siyang boquet ng bulaklak.
O_________O
-------------------------------------------------------------------------
BLEEH! BIBITININ KO MUNA KAYO. HAHA SINO SIYA SA TINGIN NIYO? BAKIT GULAT NA GULAT SI RHIAN SA NAKITA NIYANG LALAKI? THE WHO???
ENJOY READING! GODBLESS US GUYS.
LET US PRAY FOR THOSE WHO GOT AFFECTED BY THE TYPHOON AND THE HABAGAT.
EVERY PRAYER IS A BIG HELP FOR EVERYONE GUYS.
TAKE CARE EVERYONE.
IAMBEVERLY.