March 20, 2013
Anthony’s POV
It’s so ironic when the person whom you have entrusted your heart ended up to be the one to break it. <////3
Yan ang quote na agad kong nakitang naka-post sa status bar ng profile niya sa Wattpad nang bisitahin ko iyon ngayong gabi.
Dagling kumunot ang noo ko nang muli kong basahin ang mga nakasaad doon, tila naguguluhan. Parang kama-kailan lang, puro love quotes yung mga pinag-po-post niya, at ngayon, bigla na lang yan ang bubungad sa akin? Ano na namang nangyari?
Napabuntong-hininga ako, at pagkaraan ay sumandig na ako sa ulunan ng kama ko, ipinatong ang laptop na hawak-hawak ko sa aking kandungan, at ni-refresh ang webpage na nagtataglay ng link ng profile niya. At nang matapos na ang pag-lo-load ng webpage ay dun ko napagtantong nagpalit na naman siya ng status.
You have always been first place in my heart, and I thought that it was the same for you. But in the end, all of that was actually just plain old wishful thinking. Because in reality, I was only and unfortunately second place. <////3
Takte. Anong ginawa ng gagong Brillantes na yun at bigla na lang nagkakaganito ang best friend ko?
Madali akong napalingon sa direksyon ng bintana ng kwarto ko, nagmamasid-masid. Nakita kong bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Nikki, na siyang nakapwesto lang sa tapat ng kwarto ko, pero hindi ko makita kung nakaupo pa rin ba siya sa tapat ng desk niya at ginagamit ang laptop niya, o kung nakahiga na siya sa kama niya at ginagamit niya na lamang ang tablet niya para makapag-log in sa Wattpad. Hay. Takte naman. ( _ _ ” )
At bago pa kayo mag-akusa diyan ng kung anu-ano, gusto ko munang iklaro sa inyong lahat na alam ko lang naman ang mga gawain niyang iyon dahil sa kilalang-kilala ko na talaga siya nang lubus-lubusan, at halos nahuhulaan ko na agad-agad ang mga posibleng gagawin niya depende sa sitwasyon, at hindi yun dahil sa stalker niya ako at sinisilipan ko siya sa kwarto niya. (=_=)
Isa na namang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa mga labi ko habang nanatili akong nakatitig sa direksyon ng kwarto niya. P*ta. Gustung-gusto ko na talagang pumunta sa kwarto niya para kausapin at damayan siya, pero sadyang ang hirap gawin nun e. Hindi ko naman kasi alam ang buong kwento, kung ano bang mga nangyari sa kanya at kung bakit siya nagkakaganun. Tsaka kung tutuusin rin naman kasi, hindi na kami katulad ng dati. Hindi na kasi kami masyadong nagpapansinan sa kasalukuyan. At hindi na kasi kami ganun kalapit at kakaswal sa isa’t isa sa ngayon, hindi tulad nung noon. Bigla na lang kasing nagbago ang turingan namin simula nung araw na iyon. Bigla na lang kasi kaming nagkaroon ng ilangan sa isa’t isa simula nung araw na iyon. At bigla na lang nagbago ng estado ng relasyon na namamagitan sa aming dalawa simula nung araw na iyon.
Ang araw na pinagsisisihan ko nang sobra-sobra.
Iritado kong ginulo ko ang buhok ko at itinuon saglit ang aking titig sa chat list ko sa Meebo.
“Takte.” Ang pinakaunang salita na lumabas sa aking bibig nang makita kong hindi nakalista doon ang username niya.
Alam kong online pa rin siya hanggang ngayon. Basta’t sa Wattpad, hinding-hindi agad nag-lo-log out si Nikki. Kung tutuusin, parang yun na nga lang ata ang binibisita niyang website tuwing nag-su-surf siya sa internet. At kadalasan, hindi pa rin siya nag-o-offline kahit na abutin na siya ng madaling araw dahil lang sa sobra niyang kaadikan doon.
BINABASA MO ANG
My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]
Roman pour Adolescents[From Friendship to Love Series Book I] Temporarily discontinued. Storyline to be changed completely. New content to be posted at an indefinite date. HUWAG NA MUNANG BASAHIN. MABIBITIN LANG KAYO. IIBAHIN KO ANG BUONG PLOT NITO. UTANG NA LOOB. HUWAG...