I edit this because i missed some scenes in my one shot. Hopeyoulikeit~ :)))
---
Nandito ako ngayon sa Library, mag-isa. Nag-rereview kasi ako for our long long test sa Social tsaka nandito kasi yung taong matagal ko ng MAHAL simula pa nung 1styear ako.
Suki siya palagi ng Library, kaya ako palagi na din suki ng Library.
Nagbasa na ako ng libro tapos siya naman ay nakikinig ng "myusik" sa kanyang CELLPHONE. Bigla siyang tumayo, naglakad palabas ng Library.
"San kaya siya pupunta?" Sabi ko nalang ng mahina, bawal daw kasing maingay sa Library eh.
Lumingon ako sa pinanggalingan niya at may nakita akong panyo.
Kinuha ko ito, may nakalagay na pangalang Kris. Sa kanya nga ito, itatago ko nalang 'to. Saka ko nalang ibibigay sa kanya kapag may lakas na ako ng loob magtapat sa kanya.
Pumunta akong classroom ng may bitbit na malaking ngiti sa aking bibig.
"Oh? Bakit abot tenga yang ngiti mo?" Sabi ni Jenesis
Hindi nalang ako nagsalita, binigyan ko nalang siya ng isang MALAKING NGITI parang kanina.
"Itigil mo nga yang ngiti mo. Kinikilabutan ako sayo eh." Hinaplos niya ng kamay niya yung mukha ko.
"Aray ah? Medyo masakit." Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.
"Bakit ka ba masayang-masaya?" Tumungo siya sa harap ko na parang magkwekwento ako ng napakahaba.
"Kasi bhe... may napulot akong panyo~~" Para akong tanga ng sinabi ko yan sa kanya. "Panyo lang ah? Ano bang meron jan sa panyong yan? May ginto ba jan?" Tsss! Kung hindi lang kita kaibigan eh malamang nasipa ko na 'to.
"Ano ka ba! kay Kris galing 'tong panyong 'to." Nilabas ko yung panyo na nakuha ko kanina. "Anak ng... Kris nanaman? Hindi ka ba nagsasawa jan sa lalaking yan? Hindi ka naman napapansin nyan eh." Nakapamewang pa talaga nung sinabi niya yun sa akin.
"Bakit ba?! Hanggang puppylove nga lang ko eh tapos kokontra ka pa." Tumayo ako at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain.
Nung bumalik ako, saktong kakadating lang ni Sir. Ang dami sinabi ni Sir, pero wala akong nagets sa lahat ng sinabi ni Sir. Sa sobrang kakaimagine ko dito, hindi ko namalayan na uwian na. Iniisip ko kasi kung ibabalik ko pa yung panyong nakuha ko sa Library dahil kung ibabalik ko. Isasabay ko na rin ang pagtapat sa kanya.
"Tara na Ericka, uwi na tayo." Bumalik lang ako sa real world nung kinausap ako ni Jenesis. Kinuha na ni Jenesis yung Bag niya at agad ng umalis "Sandali lang!" Inayos ko ang lahat ng gamit ko atsaka tumakbo para habulin si Jenesis.
"Ate.." Tumigil ako at lumingon sa likod ko kasi may tumawag sa akin, hindi ko yun sure kung ako yung tinawag bast lumingon lang ako. Wala namang tao nung lumingon ako, pinagtritripan nanaman ako ng mga Lower Section students dito.
Nung patakbo na ako, may nabangga ako na tao. "S-sorry po." May nalaglag na files na hawak ko. Pinulot ko agad yung mga files. Nung pinulot ko na, tumayo ako ng nakatungo atsaka nag-bow sa kanya. Naiimpluwensyahan na ako ng mga K-Dramas. >u<
"Ok lang.." ?? Parang namumukhaan ko yung boses na yun ah?
Tinaas ko yung ulo ko at nakita ko yung mukhang angel na nilalang na nasa harapan ko. "A-a-a-aa.." Yan nalang ang nasabi sa sobrang kaba. "Ok ka lang?" Tinap niya yung balikat ko, shemsh! hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Bakit ganun? Parang napetrify ako sa kinakatayuan ko.
Nang magsasalita na ako biglang may humila sa balikat ko, hinila lang niya ako ng hinila hanggang sa makalayo na kami sa kanya. Si Jenesis pala... buti nalang hinila niya ako kung hindi nandoon pa din ako.
BINABASA MO ANG
Panyo (EXO Kris Fanfiction)
FanfictionPahilim na nagmamahal, may marating ka kaya kung palaging ganyan ang ginagawa mo? Dahil sa PANYO, magkakaroon ka na ng LOVELIFE.