Galit

588 13 7
                                    

Galit
Author: privategirl



Naranasan mo na ba iyon? Isang emosyong hindi mo mapipigilan, lalo't sinaktan ka, trinaydor ng taong maimpluwensya sa'yo, sa buhay mo. Taong minahal mo at hanggang ngayon ay minamahal mo pa rin. Naranasan mo na ba ang emosyong iyon?


Sa isip mo, pinapatay mo na siya, sinasaktan mo na rin, nag-re-revenge ka. Pero ang mahirap ay hindi mo kayang gawin-- dahil hindi mo kaya. simple lang. Hindi mo kaya. Dahil nauunahan ka ng takot, takot sa Diyos o kung hindi ka man maka-Diyos, edi nauunahan ka na lang ng konsensiya? TAMA BA?



Let's relate it into family. (para relate ang lahat) :)


Yo'ng bang ang dami mo na ngang ginawa sa bahay tapos uutusan ka pa ng uutusan, habang iyong mga kapatid mo, wala ng ginagawa. Ang unfair diba? Gusto mong mag reklamo diba? kaya ayan nagrereklamo ka. Tapos aawayin ka naman ng mga kapatid mo. 


Ang saklap ano po ba? Parang 1 vs 5 yan eh. Wala ka man lang kakampi, walang nagtatanggol sayo, sarili mo lang. Inis na inis ka na, kaya hindi mo maiwasang mag-isip ng masasama. Sa pag-iisip mo, marami kang kakampi, maraming magtatanggol sayo, lahat ay hindi tutol sa gagawin mo dahil isip mo nga naman yan. Hindi ko yan isip. 


Gagantihan si ganto, sisirain yung ginagawa ni ganyan o kaya babalibagin lahat ng bagay na makikita. Wala kang pakielam kung magalit man sila. Bakit? May paki ba sila no'ng ang dami mong ginagawa at hindi man lang sila tumulong?



Ganyan ang gawain natin sa bahay, hindi po ba? Nakakainis nga naman na makikita mo ang iba na nakahilata lamang, habang ikaw ang daming ginagawa. 



But JUST THINK OF IT! Tama ba yung ginagawa mo? inaasal mo? iniisip mo? Magiging masaya ka ba kapag ang galit ang nangibabaw sa isip mo? Diba, Hindi po? Mas lalo lang po tayo magiging galit sa mga tao, sa paligid natin. BAKIT? Iniisip kasi natin na walang nagmamahal satin, walang tayong kakampi. HEPPPPPPPPPP! mali ka po!!! kung sa isip mo, wala kang kakampi, MERON!!! ANG DIYOS!



Weird ba? Kasi ang Diyos ang kakampi natin. Pero siyempre sa mga tao lamang na hindi nakakakilala sa Diyos weird yon, hindi po ba? Kahit pa magalit ka, manakit ka ng mga tao, saktan mo sila sa isip mo. Andyan ang Diyos, may Diyos na hindi ka iniiwan. Hindi mo man siya kilala. Gagawa at gagawa siya ng paraan para makikilala mo Siya. Magsa-sakripisyo siya, makilala mo lang Siya. Mamatay man ang Anak Niya, makilala mo lang Siya.


Hindi ka ba nahihiya dahil napaka buti ng Diyos natin? Hindi ka ba naiiyak sa tuwing galit ka, sakim ang nangingibabaw sayo, habang ang Diyos pinapatatag ka? Hindi mo ba nararamdaman ang Diyos?. Kasi ako ramdam na ramdam ko Siya eh. 



AHA!


Ganto na lang gawin mo.



Galit ba kamo? Subukan mong pumikit. Magbilang ka hanggang sampu. Huwag kang titigil hanggat hindi pa humuhupa yang hinayupak na galit (demonyo) mo, huwag kang didilat hanggat may nararamdaman ka pang galit. Huwag kang hihinto sa pagbilang kahit pa lumagpas ng sampu yan, kahit pa umabot ng isang daan yan. Gawin mo yan, hanggang sa makalimutan mo ang  galit na nararamdaman mo. Hanggat sa umiyak ka, kasi diyan lalabas ang galit mo, IYAK. Hindi mo malabas ang galit mo?, umiyak ka. Isipin mo ang Diyos, isipin mo na pinapakalma ka Niya, na nasa tabi mo lang Siya.



Ang galit, alam mo ba na demonyo ang gumawa ng salitang yan? Kaya subukan mong pahupain at paalisan ang demonyo sa isipan mo. Ipasok mo ang luwalhating Diyos na naghihintay sayo. Ipasok mo sa isipin mo ang lahat ng ginawa Niya para sayo, para maligtas ka! MATAKOT KA SA DIYOS!!!!!!!! Siya ang dapat sambahin hindi ang mga hinayupak na demonyo, mga sira-ul* sila! Huwag ka madadala sa kanila. Ang Diyos, sa Diyos ka madala. Walang hanggang saya ang mararamdaman mo kapag nakamit mo Siya.



Sa pagdilat mo, punasan mo ang mga luha kung meron mang luha. Hudyat na pinapaalis mo ang mga demonyo sa utak mo, ang galit na nararamdaman mo. At isang napaka matiwasay na damdamin ang iyong mararamdaman. Ang Diyos!!



MAG DASAL KA.



What if's?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon