Naglalakad na pauwi sina Leo at Lourdes bilang malapit lang naman ang bahay nila mula sa eskwelahan. Tahimik lang ang dalaga at hindi pinapansin ang binatang bumubuntot sa kaniya kahit pumayag itong sumabay umuwi.
"Uhmm.. Alam mo 'Des may sasabihin sana ako sa'yo na matagal ko nang dapat sinabi..Ay Mali! Ulit! Uhmm.. 'Des 'wag ka sanang magagalit pero may ipagtatapat sana ako sa'yo. Ay, medyo gasgas na 'yon, ibang linya naman. Ulit! Uhmm.. 'Des, papayag ka ba kung manlilig...Aray ko!"
Hindi na naituloy ni Leo ang mga ibinubulong niya sa isip niya habang nakatalikod ang dalaga dahil napatid siya sa nakausling ugat ng puno. Hindi niya ito napansin dahil abalang-abala siya kung paano didiskartehan ang pagtatapat kay Lourdes ng nararamdaman niya.
"Ay, nakuw! Kalalaki mong tao, ang lampa mo! Halika nga.."
Pambubuska ni Lourdes habang tinutulungang tumayo ang binata. Parang nabuhayan ang mundo ni Leo habang nakikitang pinapagpagan nito ng dumi ang polo niya, habang sumusunod sa hangin ang mahabang buhok ni Lourdes, habang hawak nito ang kamay niya at inaalalayang tumayo. Nakatitig si lourdes sa tuhod ng binata at iniisip na nasugatan siya, habang si Leo naman ay nakatitig sa mukha ng dalaga na tila ninanamnam ang sandali na parang habang panahon.
"Oportunista talaga itong manyakis na 'to! Kundi lang ako anghel, babangasan kong.. Ay, sorry na po Lord. Nakakaasar naman kasi talaga! Sa dami ng makakasama mo ngayon Lourdes 'yan pang si pabling ang napili mong maghatid sa'yo pauwi!"
Napasuntok sa hangin si Gabriel habang nakalutang ibabaw nila Lourdes, napaikot habang tikom ang mga kamaong nagpupuyos sa inis.
"Aray ko. Ang sakit talaga.."
Panalo rin sa pagka-best actor si Leo habang naka-akbay kay Lourdes at ini-eksehara ang pag-ika ika ng lakad.
"Huh? Nabalian ka ba? Saan ba'ng masakit?"
Nagaalala si Lourdes na baka napuruhan ang binata at kailangan na nilang sumakay ng tricycle para maipa-check up sa doktor. Nang nagawi ang tingin niya sa mata ng binata at nahuli niyang umiwas ito ng titig, namula at pabirong ngumiti sa kanya habang sinasabing..
"Dito, oh.. masakit din yung parteng ito ng pagkatao ko pero parang gumagaan na siya dahil akay ako ng taong mahal ko.."
Tinanggal ng binata ang pagkakaturo nito sa dibdib niya na tila sinasabing pati puso niya ay masakit din at ang dalaga lang ang makakagamot. Dudugtungan pa sana niya ito ng mga pasabog na linya pero binitawan na siya agad ni Lourdes na dahilan para malugmok siya ulit sa damuhan.
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...