Highschool student Na ako ngayon at kahit 4 years Na ang nakalipas. Hindi pa rin nawawala ang paghahanga ko sa kanya . Hindi KO nga alam kung crush pa ba to o love na (ay Ewan) , basta ang sabi ng mga psychology kapag ang paghanga mo daw sa isang Tao ay lumagpas Na ng taon , love Na daw yun. Pero love Na nga kaya to ?I'm 3rd year Highschool student at ka year level ko rin sya , same school pero hindi ko sya kaklase . Natatandaan ko pa nga nung unang pagkita namin , kung bakit crush na crush ko sya .
FLASHBACK :
:
.
Bibili ako nang ice cream sa baba nang subdivision nmin dahil sa sobrang init kasi summer . Nang bumibili ako napansin kong napapadalas at a ang tili nang tindera. Dahil sa nakucurios ako ayun tinanong ko yung tindera. "Ate anong meron ? Bakit kayo natili " at sumagot naman sya. "Ah. Kasi yung kapitbahay namin nandoon sa tv . Ayun oh " sabay turo nya.Tumingin naman ako dun sa tinuturo ni ate. At may nakita akong isang grupo na sumasayaw may isang babae at bata pa lang pero grabe kung sumayaw , at meron ring agaw pansin na isang lalaking kaedad ko lang. Pogi at maputi .
Simula noon naging crush ko na sya . Lagi akong napunta sa street nila para makilala ko pa siya . Gusto ko syang maging kaibigan . Kahit close man lang.
At lumipas ang mga araw naging magkaibigan nga kami . Hindi ko akalain na ganun ang mangyayare thank god . Hahahaha.
One time , pinapuwi na ako Ni mommy kasi may curfew sa bahay dapat 6:00 nang hapon nasa bahay na kami (Ps: Bata pa sya neto grade 5) Nagpalaam na ako sa kanya . Malayo layo na ako sa posisyon nya nang tawagin nya ako "(Insert name) balik ka dito bukas ha ? Tuturuan kitang magwaveboard " napangiti ako nun . Hindi ko aasahan na ang crush ko ay mapapalapitsa akin . Ang nasabi ko nalang nun ay "Oo , hintayin mo ko . "
Lumipas pa ang ilang nga araw at napapalapit na nga ako sa kanya , sobrang saya ko lalo na nung araw na binigyan nya ako nang kwintas .
Yung kwintas na yun ang nagsimbolo nang friendship namin , sabi nya wag na wag ko dawng iwawalala yun , syepmre pagkakataon ko na yun . Ang sabi ko naman "Promise , hindi ko yan iwawala" ang saya nung araw na yun ang lapad nang ngiti ko at nakikita ko rin sa mukha nya ang ngiti na naipipintanta sa mukha nya .
Inaasar pa nga ako nang kapatid nya na bunso nila na papakasalin nya daw ako paglaki nya , Natawa naman ako sa biro nang bata . Tas asar rin ba naman akong crush raw ako nang kuya nilang si (kilala nyo na yun si Crush) syempre sobra ang lapad ng ngiti ko nun .
Pero nawala ang mga ngiti sa mukha ko nang dumating ang araw na nasira ang pagkakaibigan namin
Nasira ang lahat dahil sa kwintas. ( ayun ung binigay sa kanya) lahat nang ngiti namin noon napalitan nang lungkot .
May lumapit sa akin na bata noon , ang sabi bat ko daw winala ang kwintas kahit hindi naman actually suot suot ko pa yun . Dahil sa inis ko pinuntahan ko sya sabi ko "(Insert name) Anu yung sinasabi nya na winala ko daw yung kwintas" imbis na kausapin nya ako tinalikuran nya lang ako . Pinilit ko pa rin ang sarili ko na kausapin sya "Kausapin mo nga ako " tas hinawakan ko ang balikat nya . Tumingin sya at nagsabing "Wag mo na akong kausapin " tas bigla syang umalis .Yun ang araw na iyak ako nang iyak , binabalot na nang lungkot yung mukha ko . Ilang araw akong hindi lumabas . Ni hindi na rin ako pumupunta sa street nila (ps. Yung kwintas na nasa kanya binalik nya dun kay crush nya) Sobrang sakit , kahit crush lang parang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na yun lang ang dahilan nang pagkakasira nang pagkakaibigan namin. At simula noon hindi na kami nagpapansinan .
End of Flashback.
Kahit ngayon sobrang sakit parin , after 4 years Hindi ko Alam kung naalala nya pa ako pero sabi nang mga kaibigan ko , kilala pa naman daw nya ako lalo na nung mga araw na nagpapansin siya. Kapag nakikita namin siyang nagmomotor , lagi syang dumadaan sa amin . Napapangiti na nga lang ako at sobrang kilig . Sikat sya ngayon .Pagkatapos nang pagkapanalo nila sa Tv , lumalabas na rin sya at umaarte sa harap nang camera . Sinali na rin sya sa isang grupong pang teen ager 5 silang miyembro dun. O dba sikat na sya . Hindi ko Alam kung nakikilala nya ako . Hindi ko alam kung naalala nya pa ba ang dati. Pero maalala nya pa ba yun e konting panahon lang naman kaming nagkakilala . Aish!! Gulong gulo na ako .
May mga time pa rin na kapag nakikita nya ako may saglit na pangaasar syang ginagawa at eto naman ako kilig na kilig. Hehehezz. Pero gabi gabi naiisip ko na baka nagbago na sya lalo na ngang artista na sya .
May mga time na iniistalk ko yung Facebook , Twitter, at Instagram nya . Hahaha Ang boba ko no ? Eh wala , ang tanga kasi nang puso ko . Kapag iniistalk ko yung twitter nya may lungkot sa mukha ko kapag may nababasa akong mga pinapartner ng mga fans nya sa kanya . oo nagseselos ako . pero bakit pa ba ako magseselos at anung karapatan ko eh naging magkaibigan lang naman kami . Hayss . hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sabi naman nang mga kaibigan ko na move on na daw 4 years na daw kasi ang nakalipas sya pa rin daw ang iniisip ko, eh baka hindi nya na nga daw ako makilala eh. May point nga ata ang mga kaibigan ko . Kelangan ko na syang kalimutan , ala-ala nalang sya nang nakaraan ko na naging dahilan para maging masaya ako kahit saglit lang .
------------------------------------------------------
Ps. Guys totoong kwento yan . Hahahaha . :) Salamat sa pagbabasa . God bless :)

BINABASA MO ANG
The Past
RandomHiiii Guys . Real life po to . Nahihiya nga akong ipabasa . Hhehezzz . Kahit konti lang , maganda ang storyang to . Please Readd / :)